Pagkapasok namin ay dumiretso kami sa opisina ni papa. Nahihiya pa itong si Gavin sa pamilya ko, ibang-iba kanina nang dumating siya. Ito'y dahil siguro sa nakapasok na siya ng bahay. Kung hindi pa kami pinasunod ni papa sa opisina nito baka nakatayo lang kami ni Gavin sa pintuan sa hiya niyang nararamdaman na pilit niyang tinatago sa pamamgitan ng lapad ng ngiti. Pagkapasok sa opisina ni papa'y nakaupo kaming magkatabi ni Gavin sa upuan sa harapan ng mesa ni papa. Si papa'y sinara ang pinto bago ito umikot ng mesa't naupo sa swivel chair nito upang harapin kami. Habang tinitigan kami ni papa itong si Gavin ay hinawakan ang aking kamay, pinagtagpo niya ang aming mga daliri't palad. Sa pagsisimula ni papa sa pagsasalita'y napunta ang aming atensiyon ni Gavin rito. Sana nga lang ay hindi k

