Bago umuwi dumaan muna ako sa botika para bumili ng gamot upang maalis ang sakit sa aking likuran. Ang botikang aking nabilihan ay pinatayo kalapit ng pier ilang kanto ang layo mula sa dagat. Bumaba ako ng kotse ng marahan at naglakad na parang matanda, umiiwas na magasgas pa lalo ang likuran kong lagusan. Pumasok ako ng botika sa slide na pinto nito't lumapit sa counter nito. May kalaparan ang botika't nasa ayos ang mga gamot sa estante, puti ang sahig dahil tiles. Bahagya akong nanglamig dahil sa bumubugang aircon sa bandang likuran ng counter nakalagay. Nginitian ako kaagad ng babae sa loob ng counter nang makilala ako nito. Tumayo ito mula sa maliit na mesa. "Ano sa'yo Nikolai?" ang tanong nito sa akin. Ang mga mata nito'y tila nagningning. "Painkiller nga po diyan kahit ano bast

