Ang paunting-unting pagdasa ng mga bisita'y napalitan pagkarating ng gabi. Sinimulan ang kasiyahan ilang minuto makalipas ang alas otso. Sa bawat pagdating ng mga bisita'y binabati ng mga ito ang aking mga magulang na kasama kong nakaupo sa mesa, huwag na rin nating iwala si kuya na abala sa hawak na cellphone. Ngumingiti ako sa kapag binabati ako kahit hindi ko sila kilala. Ang lahat ay nag-siupo din sa mga bilugang mesa matapos manggaling sa aming kinauupuan. Ang kaninang tahimik na bakuran ay napuno ng ingay ng mga taong nag-uusap. Natuwa narin ako kahit papaano dahil may nakikita akong mga kabataang pumunta. Ako'y nagpalit ng damit na suot dahil naasiwa na ako sa polo shirt. Itim na shirt na lang ang sinuot ko't tinernohan ng pantalon. Hindi ko sinubukang tawagan si Gavin matapos n

