Sa pag-uwi ng aking mga magulang kasama ang aking mga nakakatandang kapatid, nagsimula naring magdagsa ang mga bisita. Hindi ko alam ang tunay na pakay ng mga ito, kung makikiisyoso lang o gusto talaga akong makilala. Isa lang ang nakikita ko at iyon ay ang panghuli, hindi nila ako nais bisitahin dahil kung ako mismo magtatalon ako sa tuwa, ngunit hindi kaya chillax lang ako. Kahit hindi pa nagsisimula ang papiging ng aking mga magulang abala na ang lahat, ako lang ang hindi. Ang halos pumupuntang bisita'y puro mga matatanda na mga kakilala nina mama. Wala man lang bumisita na malapit ang edad sa akin. Nagtaka pa ako na parang hindi ako nawala. Bilang anak na kababalik lang, ang dahilan kung bakit may pakain, nanatili akong nakaupo sa isang sulok sa sala. Hindi parin maganda ang mood

