Ang aking mga mata'y may hapdi nang ito'y akong iminulat dulot ng pag-iyak nitong nagdaang gabi. Inuna kong buksan ang kanang mata sinunod ang kaliwa. Sa aking pagkadapa'y bumabaon ang aking dibdib sa malambot na kama, pati ang mukha ko'y sa unan nakapahinga. Ang pumapasok na hangin mula sa beranda sa nakabukas na bintana o mas mabuting sabihing sara'y tumatama sa nakalantad kong likuran. Ang kumot ay umabot lang ang pagkatabon sa umbok ng aking puwetan kaya nga nakalantad ang aking kalahating katawan. Hinanap ko ang cellphone nang ito'y tumunog sa pagdating ng isang mensahe. Ito'y aking nakita sa ilalim ng ikalawang unan. Binuksan ko ang screen lock nito't pinagmasdan ang mensahe. May iba pang notification na nakalagay na isang daan at labing-dalawa ang bilang. Hindi ko ito kaagad na p

