"Galit ka pa rin ba sa'kin?" "Konti." "'To naman, nilibre na nga kita eh. Sorry na." "Hmp!" Humahaba man ang nguso ay sinimulan niya ng kainin ang order niyang bibingka habang nakatuon ang mga mata sa labas ng windshield. Katatapos lang kasi naming mag simba para sa unang gabi ng simbang gabi kung kaya't gaya ng sinabi ko sa kaniya ilang araw ang makalipas ay nilibre ko siya ng bibingka, puto bumbong, at kung ano ano pa. Hindi man niya ako kinakausap ng maayos simula pa kanina ay panay naman siya katuturo ng pagkain nang makalabas kami ng simbahan bago bumalik dito sa kaniyang kotse. "Candice." "Bakit?" "Mahal mo pa rin ba siya?" "Yung ka M.U ko? Oo. Mahal ko pa ang taong 'yun." "I see." Muli ay ipinag patuloy niya ang kaniyang pag kain habang palihim ko naman siyang pinagmamasd

