Mag aalas dos na ng umaga ako ng nakauwi sa'min kung kaya't bukod sa sermon ni Doc Austin ay may nakuha rin akong sermon sa mga magulang ko lalo na't inabala ko pa raw si doc. Hinatid niya kasi ako pauwi rito sa'min kanina dahil baka mapano pa raw ako sa daan. At ngayon, hindi pa man ako nakakabawi ng tulog ay aalis na naman ako. "Candice, andito na si Dr. Clemente." Tinatamad man ay bumangon na ako sa kama sabay kuha ng aking tuwalya't toothbrush para makapag handa. Kung inaakala niyang siya lang ang may kondisyon sa lahat ng ginawa niya kagabi aba may kondisyon din ako, kung gusto niya akong isama kung saan man siya pupunta ngayong araw matuto siyang mag hintay. Pagkalabas ko ng kwarto ay kaagad namang nagkasalubong ang aming mga mata kaya medyo kumunot ang noo niya ng makitang hindi

