Nag sisimula na ang party pero hindi ko pa rin mahagilap si Austin. Sinubukan kong tawagan sana siya ngunit naalala kong naiwan nga pala niya sa hotel room ang kaniyang cellphone kung kaya't habang nag sasaya at nag uusap usap ang karamihan ay abala naman ako sa pag hahanap kay McYummy. "Candice!" Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Janessa na may kasamang isang babae kung kaya't agad akong lumapit sa kanila at doon ay ipinakilala ako ni Janessa kay Amber Clemente. Siya pala ang asawa ni sir Jonah at ina nila Austin kaya agad akong nag bigay galang sa kaniya. "G-good evening po Ma'am." Mag bo-bow pa sana ako ngunit agad niyang hinawakan ang mag kabila kong balikat at pinatayo muli ng maayos. Nagulat pa nga ako ng ibeso beso niya ako kung kaya't para akong nawala sa sarili at pansamanta

