Alas otso palang ng gabi ay handa na akong pumasok sa trabaho kung kaya't nag paalam na ako kila nanay at tatay. Dapat ihahatid sana ako ngayon ni tatay ngunit sinisipon at inuubo siya kung kaya't pinagsabihan ko nalamang siyang manatili rito sa bahay at mag pagaling. "Huwag mo 'tay kakalimutan yung gamot mo bago matulog. Sigurado ka po bang dito ka sa sala matutulog? Hindi kaya sumakit naman ang likod mo niyan?" "Oo, dito muna ako pansamantala kesa naman mahawaan ko kayo ng nanay mo. Mag sige ka na habang marami pang tao sa labas. Ingat ka." "Sige 'tay, itext niyo nalang po ako kapag may kailangan kayong ipabili." Kumaway nalamang ako kay tatay bago humalik sa pisnge ni nanay at nag paalam. Bago rin lumabas ng gate ay isinuot ko muna ang aking earphones at hinanap sa aking cellphone

