McYummy here, there, and everywhere. Matapos ang performance niya noong intramurals ay kahit saang sulok ng Saint Agatha ay maririnig mo ang pangalan niya. Hindi lang 'yun, nadagdagan pa ng miyembro ang kaniyang fans club kaya the more competition.
"Time's up ladies and gentlemen. Miss Amorsolo kindly collect the test papers. The rest may go home."
Kaagad akong lumingon kay Dr. Clemente at itinuro ang sarili kaya simpleng tango lamang ang sinagot niya. Ano pa nga bang magagawa ko? Dahil napag utusan ng professor kaya isa isa kong kinuha sa mga kaklase ko ang test papers hanggang sa pakonti ng pakonti na ang tao sa loob ng classroom. Sila Cholo at Alyson ay nauna na ring lumabas dahil may kukunin daw sila sa library. Pagkatapos makuha ang lahat ng test papers ay inayos ko muna ito saka lumapit kay doc. At inabot ang mga papers namin.
"Do we have a problem, Candice?"
Patay! Nahalata niya na palang umiiwas ako sakaniya. Noong Clash of Talents kasi ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Araw gabi nasa isip ko siya, napapanaginipan pa tapos in my entire crush life ngayon lang ako nakaramdam ng selos sa mga nagkaka gusto rin kay doc. Alam ko namang wala akong karapatang mag selos kasi walang kami at isa pa kahit magkaibigan na kami ay professor ko pa rin siya pero ewan ba, ang selos ko parang utot, the more na pinipigilan the more na gustong kumawala kaya kailangan kong dumistansya amigo muna at ituon ang atensyon ko sa ibang bagay para maibalik ko ang sarili ko sa dati.
"Wala po doc."
"Wala naman pala pero ba't mo ako iniiwasan?"
"Hindi naman po. May rason po ba para iwasan kita?"
"Then can you explain why you suddenly run away from me in the auditorium and everytime we cross paths you either run or take a detour? I'm not stupid for not noticing it Candice."
Kahit alam ko at ramdam ko ang mga mata niyang nakatutok sa'kin ay pinili ko lamang na ituon ang paningin ko sa aking sapatos at manahimik ngunit halos tumalon ang kaluluwa ko ng biglang kumalabog ang kaniyang mesa rason para mag angat ako ng tingin at doon ay nakita ko ang galit sa kaniyang mukha. Sa isang iglap parang ibang tao ang kaharap ko ngayon kaya dala ng takot ay kaagad kong sinunod ang instinct ko na lumayo at tumakbo palabas ng classroom kahit hawak ko pa ang mga test papers namin. Ipapaabot ko nalamang ito sa iba kaya tuloy tuloy lamang ako sa'king pag takbo palayo ng building namin hanggang sa natigil ako ng biglang may humawak sa braso ko.
"Woah. Hey Candice. Easy."
"Elijah.."
Ang ngiti sa mga labi ni Elijah ay unti-unting nag laho ng makita ang itsura ko kung kaya't inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa mag kabila kong balikat at iniharap ako sakaniya.
"Anong nangyari? Ba't namumutla ka?"
"W-walang nangyari."
"Sigurado ka ba? Gusto mong pumunta ng clinic?"
Habang abala si Elijah sa pagtatanong sa'kin ay saktong nakita ko si Dr. Clemente palabas ng aming building at mukhang may hinahanap na sigurado akong ako kung kaya't hindi na ako nag dalawang isip na hawakan ang kamay ni Elijah at hinila siya palayo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mas mainam na sigurong makaalis kami ng Saint Agatha para walang Austin Clemente munang mang gugulo sa puso't isipan ko. Hindi ko akalaing magkakaganito ang crush life ko, nakaka stress. Sa labas ng gate ay agad na may tumigil sa harapan naming taxi kung kaya't agad ko ring inutusan si Elijah na sumakay bago ako sumunod.
"Saan kayo miss?"
"Sa ocean park po."
Tumango ang driver kaya nag maneho ito paalis at sa pagkakataon lamang na 'yon ako nakahinga ng maayos.
"Ba't pakiramdam ko kidnapping itong ginagawa mo sa'kin?"
"Kidnap sa'yo. Diba ililibre mo ako? Ngayon na ang tamang panahon."
"Haha! Okay okay. Buti nalang pala at ready ang wallet ko. Hindi ka lang kidnapper, holdaper pa."
"Ssh! Baka akalain ni kuya driver kriminal ako."
"Hindi ba? Ninakaw mo na nga ang puso ko, hindi ka pa makakatakas sa isipan ko. Haha!"
"Santisima, patawarin ka sana ng mga nakakarinig sa'yo. Pag pasensyahan niyo na kuya itong kasama ko ah, hindi pa kasi nakakainom ng gamot."
Tumatawa tawa lamang si kuya driver sa'min habang nakikinig sa mga banat at kalokohan ni Elijah. Bagama't maganda ang daloy ng traffic ngayon kaya narating namin kaagad ang ocean park. Nag labas na sana ako ng pambayad sa taxi ngunit pinigilan ako ni Elijah dahil siya nga raw ang taya ngayon sa lahat.
"First time mo ba rito?" Tanong niya habang tinitingnan ang kapaligiran.
"Hindi naman. Nakapunta na ako rito once pero yung mura lang ang tickets namin noon kaya syempre, limitado ang attractions na napuntahan namin. Ikaw?"
"Ilang beses na akong nakapunta rito. Most of the time ang kasama ko mga pinsan o pamangkin. First time ko ngayong pumunta rito na hindi relatives ang nasa tabi ko which is mas nakakatuwa."
Ngiti niya sa'kin bago siya nag tungo sa ticket booth at bumili ng pass para sa'ming dalawa. Habang bumibili si Elijah ay naramdaman kong nag va-vibrate ang cellphone ko't nakitang tumatawag si Dr. Clemente. Nagtatalo ang isip at puso ko kung sasagutin ko ang tawag o hindi. Kung sasagutin ko kasi malamang galit siya dahil tumakbo ako ng walang paalam. Kung hindi ko naman sasagutin mas lalo siyang magagalit dahil sa pag iwas ko sakaniya. Ilang segundo kong tinitigan lamang ang screen ng cellphone ko hanggang sa inagaw ito sa'kin ni Elijah at siyang sumagot ng tawag.
"Yes doc? Si Elijah po 'to. Opo, magkasama po kami pero nasa banyo po siya eh."
Kumindat sa'kin si Elijah bago nag patuloy sa pakikipag usap kay Dr. Clemente. Inabot niya rin sa'kin ang nabili niyang pass para sa'ming dalawa kung kaya't nakaramdam tuloy ako ng hiya ng makitang all access ang binili niya.
"Oh.. Sorry doc pero may date po kami ngayon ni Candice. Hindi na rin po kami babalik diyan sa Saint Agatha ngayong araw kaya next time niyo nalang po siya kausapin. Sige po, bye bye."
Ibinalik sa'kin ni Elijah ang cellphone kong naka off na para raw hindi ako istorbohin ni doc. Kung may tatawagan daw ako ay gamitin ko nalamang daw ang cellphone niya tutal post paid naman daw siya.
"Maraming salamat Elijah."
"You're welcome partner. Tara na sa loob?"
Sabay kaming nag lakad papasok ng Ocean park at doon ay nag simula ang ocean adventure namin na nag tapos bago mag alas otso ng gabi dahil hinintay pa namin ang fireworks display. Buti nalang pala talaga sumama or rather isinama ko si Elijah dahil pansamantala ko munang nakalimutan si Dr. Clemente. Hanggang sa pag uwi ko'y puro isda, penguin, at sea lions ang laman ng utak ko. May souvenir pang stuffed toy na binili sa'kin si Elijah kaya pakiramdam ko tuloy ang aga kong nag celebrate ng birthday.
"Ginabi ka ata. Wala ka namang duty ngayon."
"Nilibre po ako ng kaibigan ko 'tay. Naalala niyo pa po si Elijah?"
"Ah, siya ba yung pag pumupunta rito noon palaging nag rerequest ng sinigang na hipon?"
"Opo 'nay. Siya nga po. Nilibre niya po ako sa ocean park."
"Kayong dalawa lang?"
"Opo. Kaming dalawa lang 'tay."
"Eh di ibig sabihin nakipag date ka ng hindi nag papaalam sa'min ng nanay mo?"
"Po? Hindi po. Nilibre niya lang po talaga ako."
"Sus, nanliligaw ba siya sa'yo?"
"Hindi rin po. Magkaibigan lang po talaga kami."
"Mabuti naman at nagkakalinawan tayo. Mag tapos ka muna Candice. Kapag naka graduate ka na't may magandang trabaho doon lang namin hindi pakikialaman ang buhay pag ibig mo kahit nga magka tuluyan pa kayo ng doktor mong teacher."
"Hala. Ba't niyo naman nasabi 'yan 'tay?"
"Nakita ko kung paano ka tingnan ng doctor na 'yon. Ganoon din ako noon sa nanay mo, tama ba ako misis?"
"Oo pero hindi mo na magawa ang ganoon ngayon mister por que lumaki na ang waistline ko."
"Aysus, humanda ka sa'kin pag nag solo tayo misis."
"TAY, NAY!"
Pinag tawanan lamang ako ng mga magulang ko kaya lukot ang mukhang pumasok ako sa kwarto ko dahil hindi ko keri ang pinag sasasabi nila. Matapos ilapag ang bag at sea lion stuffed toy ko sa kama ay nag tanggal na ako ng sapatos sabay kuha ng aking tuwalya't toothbrush para makapag linis ng sarili bago matulog. Nang nasa kalagitnaan ako ng pag lalagay ng moisturiser sa mukha ay bigla akong tinawag ni nanay. Baka may sasabihin lang o utos kaya hindi na ako nag abalang ikalat muna ang moisturiser sa mukha ko't lumabas na ng kwarto. Ang kaso..
"Ano pong ginagawa niyo rito?!"
Tiningnan ko ang mga magulang ko ngunit pareho lamang silang nag kibit balikat bago nag paalam sa'king papasok na ng kwarto para mag pahinga.
"Siya nga pala, kumain ka na ba hijo?"
"Hindi pa po."
"Naku, dapat alam mo na masama ang mag palipas ng gutom. Candice, pakainin mo muna ang bisita mo. Initin mo nalang yung kanin at ulam."
"Thank you ma'am."
"Sige, o siya. Pasok na kami. Good night sainyong dalawa."
Ilang minuto rin kaming nanatiling tahimik ni Dr. Clemente matapos makapasok ng kwarto ang aking mga magulang. Hindi ako makaharap sakaniya ng maayos dahil naco-concious ako sa itsura ko ngayon. Kulang nalang mag suot ako ng puting bestida na abot sahig at pwede na akong pumalit sa babae sa Balete Drive.
"Ahm.. Initin ko lang po yung pagkain niyo."
Napakamot nalamang ako sa ulo habang naglalakad patungong kusina dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Yung taong tinakasan ko kanina ay heto ngayon sa bahay, pakakainin ko pa. Kagaya ng sabi ni nanay ay ininit ko ang kanin at ulam namin saka tinawag si Dr. Clemente sa sala.
"Kain na po kayo."
"Ikaw? Kumain ka na ba?"
"Opo, kumain na po kami ni Elijah kanina."
"Sneaky mouse. Tsk!"
'Yun lamang ang sinabi niya bago naupo sa tapat ng hapag kainan kaya itinapat ko rin sakaniya ang electric fan bago naupo sa upuang katapat niya.
"Hindi na po sana kayo nag abalang pumunta rito para sa test paper. Pwede ko naman po sainyong ihatid 'yon bukas."
"Nah, the test papers can wait. I'm here because of you."
"P-po?"
Matapos malunok ang kinakain niya at uminom ng tubig ay ibinaba niya pansamantala ang hawak niyang kutsara't tinidor. Dahan dahan din siyang nag angat ng tingin para magka eye level kami. Kung kaninang umaga ay dilated ang pupils niya dahil sa galit ngayon ay balik na 'to sa normal. Bumalik na ang Dr. Clemente ko.. Este.. Namin. Pag aari mo lang Candice?
"I came here because my conscience is killing me. I called but you're unreachable the whole day that's why even though it's rude to visit during these hours.. I uhm.. I made my way so I could see you tonight. Heck you're even feeding me after the s**t I've made on you today."
Bakas sa mukha niya ang pag sisi kaya naman ang maaawain kong puso ay tuluyan ng bumigay. Hindi ko rin napigilang matawa ng bahagya kaya napuno naman ngayon ang mukha niya ng pagtataka.
"Nag mumura rin po pala kayo."
Heto na't bumalik na nga si McYummy dahil ngumingiti na rin siya at sa tingin ko hudyat na itong bati na ulit kaming dalawa.
"Yes, sometimes. I'm not an angel my dear Candice."