"Good morning doc."
"Good morning, Candice. Good morning po sir, ma'am."
Magalang na binati ni Dr. Clemente sila nanay at tatay bago siya nag mano. Ngayong araw kasi ang schedule ni doc para sa check up at story telling sa foundation nila at dahil napagkasunduan namin noon na magiging assistant niya ulit ako kaya heto't sinundo niya ako para raw sabay na kaming mag tungo roon. Tumanggi sana ako dahil nakakahiya pero siya naman ang nag pumilit kaya pumayag nalamang ako kesa magalit na naman siya. Inisip ko nalang makakatipid ako sa pamasahe at sino bang ayaw sumakay sa ganito kagandang sports car, diba?
"Hanggang anong oras ba hijo ang activity ninyo?"
"'Til 5:00 PM po sir. Don't worry po, ako po mismo ang mag hahatid sa anak niyo rito sa tapat ng bahay niyo."
"Mabuti naman kung ganoon. O siya, mag sige na kayo at baka mahuli pa kayo."
Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng pigilan ako ni doc. At siya ang nag bukas para sa'kin. Nang makapasok ay saka siya umikot para sumakay at maupo sa driver's seat. Inutusan niya rin akong mag seatbelt at bago tuluyang umalis ay masigla akong kumaway sa mga magulang ko bago pinatakbo ni doc. Ang kaniyang kotse.
"Ay takte. Nakalimutan ko ang lunch box ko. May canteen po ba sa foundation niyo doc o malapit na fast food chain?"
"May pantry pero huwag mo ng alalahanin ang pagkain. Mom sent a caterer that's why we have enough food for everyone."
Ang gara naman. Siguro sinadya talaga ng tadhanang makalimutan ko ang lunch box ko dahil may naka abang sa'king blessings mamaya. Bagama't nasa labas ng Metro Manila ang foundation kung kaya't medyo mahaba haba rin ang byahe rason para antukin ako.
"You can sleep Candice. I'll wake you up once we're there."
"Hindi po. Ayos lang po ako. Magkwentuhan nalang po tayo kung okay lang po sa inyo."
"Haha! Okay. Anong pag uusapan natin?"
"Ahm.. Ano ba? Bakit po kayo nahilig sa Little Mermaid? So far po ikaw palang ang nakilala kong mahilig sa ganiyan. Kadalasan sa mga kakilala kong lalaki either anime o mga superheroes ang pinapanuod."
"Well, it started when I was a kid. No, it started actually before I was born."
"Haah? Paano po nangyari ang ganoon eh wala ka pang kaalam alam ng mga oras na 'yon?"
"Candice, if you remember your lesson, a fetus starts to hear between 16-18 weeks inside a mother's womb. Once the fetus reaches the 24th week, from little and ambiguous sounds, the fetus can already respond to voices and sounds until the fetus can recognize the mother's voice, language, how she laugh, etc. So what I'm trying to say is that even in my fetus days, I'm already a fan of Disney music. My mom can prove that since she's keeping a video where I was moving inside her belly while we're both listening to Ariel's song."
"Oh. Oo nga pala. Salamat po sa refresher. Hehe!"
"Anytime."
Saglit siyang sumulyap sa'kin at ngumiti bago itinuon ulit ang mga mata sa daan. Sa'kin kaya? Palagi ba noon nakikinig si nanay sa OPM kaya mas appreciated ko ang OPM kesa sa ibang genre ng music?
"Your turn. Why did you choose nursing as your course?"
"Nainspire po kasi ako sa kwento ni ate Candy. Isa po kasi siya sa tinamaan ng virus noong may pandemya. Ikinuwento niya po sa'kin ang buhay ng mga frontliners noon sa ospital habang naka confine siya. Hindi matatawaran ang ginawa nila noon kaya sabi ko sa sarili balang araw magiging katulad din nila ako, tutulong at mag liligtas ako ng buhay hanggang sa kaya pa ng pangangatawan ko."
"Commendable. I bet any hospital would want to have you as their employee but too bad, you'll be working with us in UFMC in a year or two."
"Hala. Hindi pa nga po sigurado 'yan eh. Malay niyo po sa unang take ko ng board exam bumagsak ako."
"Law of attraction Candice."
Yiiee.. Pwede bang tayo nalang ang magkaroon ng attraction sa isa't isa? Char! Ang harot Candice. Nag patuloy ang kwentuhan namin ni doc na nag mukha ngang slam book dahil nadako kami sa favorite movie, song, actress, actor, at kung ano ano pa.
"Most embarassing moment mo po?"
"Of course the day I was slapped by ate Nadia in front of my stalker student."
"Hindi na po talaga ata mawawala sainyo na i-associate ang word na stalker sa'kin noh?"
"Haha! I'm sorry Candice. Sige, I'll try my best na kalimutan na stalker ka."
"Hala. Parang ang sama naman ng reputasyon ko sa inyo. Balak ko pa naman sanang ilagay kayong character reference sa résumé ko kaso huwag na nga lang."
Masyado atang natutuwa si Dr. Clemente sa pang aasar sa'kin kaya tawa siya ng tawa. Hindi ko malaman kung maiinis ako dahil ang tingin niya sa'kin ay stalker o kikiligin dahil ako ang rason kung bakit masaya siya ngayon. Hehe! Pero masaya akong napapatawa ko siya. Laughter is the best medicine ika nga kaya kahit na isa na siyang doctor ay kailangan niya pa rin iyan sa buhay.
Dahil sa kwentuhan namin ay hindi ko na namalayang narating na namin ang foundation. Kaya pala sa labas ng Metro Manila napiling itayo ang foundation, bukod sa kailangan nito ang malawak na lupain para maaccommodate ang nangangailangan ng tulong ay hindi ito mukhang foundation, para itong retreat house. May playground, may covered court, may nursery garden at..
"May bar dito?" Tanong ko kay Dr. Clemente dahil hindi ako makapaniwalang may bar sa ganitong lugar.
"Yeah but it's not open for business. My mom decided to have that in here for learning purposes. If not mistaken flairing and cocktail mixing class is during Saturdays. Minsan si mom din ang nag tuturo kapag hindi siya busy."
"Bartender ang mommy mo?"
"She was but since she cannot do the job anymore therefore she trains people instead and create opportunities for them either here in the Philippines or abroad."
"Oh.. Magkano po ang sahod ng isang bartender?"
"Hmm.. Let's say 288 pesos ang hourly rate multiply to, sabihin na nating 5 working hours so the product will be 1440 pesos per day. Then multiply it again to 20 days which excludes day offs, the product is 28800 pesos per month. Hindi pa kasali ang tips from customers diyan."
"Woah. Ayos din po pala nuh."
"Indeed. What more if they're working overseas."
Ang bartending class ay isa lamang sa free classes na inooffer rito sa foundation para sa mga kababayan nating nandito kaya nakakatuwang malaman na meron ng mga natulungan ang foundation na magkaroon ng trabaho. Hindi na nakapag tataka kung bakit inaambunan ng biyaya sila doc. At ang pamilya niya dahil malaki ang nagagawa nilang kabutihan sa nakararami.
Nasa kalagitnaan kami ni doc. Ng pakikipag usap sa head ng foundation ng biglang may dumating na isa pang kotse sa foundation. Kung hindi rin ako nagkakamali mukhang kotse ito ni.. OMG! Kaagad kong tiningnan si Dr. Clemente at hindi nga ako nagkamaling sira na kaagad ang araw niya kahit hindi pa man kami nag uumpisa ng mission namin dito sa foundation. Kinakabahan ako ngayon sa totoo lang lalo na nang parehong bumaba ng kotse sila Dr. Williams at Ma'am Lorenzana. Walang bakas ng gulat sakanilang mukha ng makita si Dr. Clemente not until natuon ang atensyon nila sa'kin at doon ko sila nakitaan ng gulat at pagtataka.
"Candice, bakit nandito ka?"
Bungad ni Ma'am Lorenzana nang makalapit kaya alanganing ngumiti ako sakanilang dalawa ni Dr. Williams para mawala ang kaba ko lalo na't hindi nag sasalita si Dr. Clemente.
"Good morning po ma'am, Dr. Williams. Nalaman ko po na nag hahanap ng volunteer si Dr. Clemente kaya sumama po ako. Naisip ko po kasing dagdag points ito sa résumé ko kaya heto, andito po ako."
"Oh. Mabuti 'yan Candice. Isa pa, sigurado akong marami kang matututunan kay Austin. Matalinong bata.."
"Let's go now Candice. The children are waiting for us."
Mag e-excuse na sana ako kila Ma'am Lorenzana ngunit hinawakan na ako ni Dr. Clemente sa braso at hinila palayo kaya pinilit ko nalamang kumaway sakanilang dalawa bago kami napunta sa isang malaking hall kung saan nag hihintay ang mahigit 50 na bata na sa tingin ko may edad 3-12 years old. Lahat sila nagsitakbuhan ng makita si Dr. Clemente at sa isang iglap ay nakangiti na si doc na parang walang nangyaring unexpected kanina.
"How's my princes and princesses?"
Pangangamusta niya kaya sabay sabay na sumagot din ang mga bata hanggang sa may isang batang babae ang napansin kong nakatingin sa'kin.
"Hello. Anong pangalan mo?"
"Candy po."
"Talaga? Kapangalan mo ang ate ko. Ako si Candice. Nice meeting you, Candy."
Ngumiti si Candy sa'kin kaya naman lumitaw ang dalawang malalalim na dimple nito. Ang cute! Kung hindi lang ako nakapag pigil malamang kinurot ko na ang pisnge ng batang ito. Hehe! Medyo natagalan pa kami ni Dr. Clemente bago napakalma ang umaapaw na energy ng mga bata kaya 11:00 na ng umaga kami nakapag simula ng check ups. Dahil masyado kaming abala ni doc. Ay nawala na sa isipan naming nandito rin sa foundation sila Ma'am Lorenzana at Dr. Williams.
"Would you look at that, parang mas pogi ka na ata sa'kin ngayon Levi."
Bahagyang natawa ang batang si Levi kaya hindi lang ang dalawang nawawalang ngipin niya sa unahan ang nakita namin kundi maging ang mga permanent teeth niyang nag sisimula ng tumubo. So far so good naman ang kalusugan ng mga bata. Bukod sa vitamins at packs ng chocolates na ibinibigay ni doc. Sa mga natapos niyang tingnan ay ibinigay niya na rin ang mga librong nabili namin noon sa bookstore.
"Hello kids!"
"Ate Nadia!"
Kagaya kanina ay nag sitakbuhan ulit ang mga bata patungo naman ngayon kay Miss Lorenzana na kakapasok lang ng hall kasama si Dr. Williams kaya pansamantalang naantala ang check up ni Dr. Clemente. Kaya pala pumunta rito sa hall sila Ma'am para sabihing handa na ang mga pagkain at kakain na. Tamang tama, nag va-vibrate na ang tiyan ko kaya naman inaya ko na rin si Dr. Clemente na nananahimik na naman ngayon.
"I'm not hungry Candice so you can go ahead."
"Pero doc, mahaba haba pa ang pila ng mga bata na kailangan nating i-check up, magugutom ka niyan mamaya."
"I'll be fine. Don't worry about me."
"Dr. Clemente ah, natatakot ka po ba kila Ma'am Lorenzana at Dr. Williams?"
"Me? Scared? Why would I?"
"Hindi ka naman pala takot eh kaya tara na po. Huwag kang mag alala, andito naman po ang napaka cute niyong sidekick na si Candice Rae Amorsolo kaya wala ka pong dapat ikabahala."
Nag double thumbs up pa ako sakaniya para dagdag assurance kaya naman bahagya siyang natawa bago tumayo at inilagay ang stethoscope sa likod na bulsa ng pantalon niya. Sabay na sana kaming hahakbang papunta sa pinto ng isa sa mga bata ang nag tanong kay Ma'am Lorenzana.
"Sino po siya?" Turo ng bata kay Dr. Williams.
"Siya ang Kuya Mark niyo." Nakangiting sagot ni Ma'am.
"Hindi na po si Kuya Austin ang prince charming niyo?"
Lagot! Nagpalitan ng titig sila Ma'am Lorenzana at Dr. Clemente hanggang sa si Dr. Clemente na mismo ang sumagot sa katanungan ng bata.
"Hindi na Toby kasi ako na ang prince charming ng Ate Candice niyo."
H-haaaaah???