Prince charming.. Prince charming ko? Ilang segundo rin ako bago nahimasmasan kaya kaagad akong tumingala kay Dr. Clemente ngunit mukhang walang halong pag bibiro sa kaniyang sinabi dahil napaka seryoso ng kaniyang mukha habang nakatingin kay Ma'am Lorenzana. Si Ma'am naman ay katulad kong nagulat din. Takte, anong gagawin ko? Hindi naman sa ayaw kong maging prince charming ang isang katulad ni Dr. Clemente pero jusko, hindi kaya mapatawag ako sa guidance nito? Paano na ang pag aaral ko? Paano na ang mga pangarap ko sa buhay? Pangarap ko sa aking pamilya? Pangarap ko para sa'min ni doc? Papanagutan ba niya ako? Charot lang! Ano ba itong pinag sasabi ko.
"Well that's cute."
"I beg your pardon?"
Mula kay Ma'am Lorenzana ay nalipat ang atensyon ni Dr. Clemente kay Dr. Williams at bakas din ang disgusto sa kaniyang boses kung kaya't bago pa lumala ang sitwasyon ay sumingit na ako sa pag uusap nilang dalawa lalo na't nandito pa ang mga bata na matamang pinapanood ang mga nangyayari sa'ming apat.
"Naku, salamat po Dr. Williams. Kayo naman, alam na po naming cute kami kaya huwag niyo na po masyadong ipahalata. Hehe!"
Kahit hindi ko feel na tumawa ay ginawa ko nalamang at mukhang effective naman dahil hindi lang si Dr. Williams ang natawa, maging si Ma'am Lorenzana rin ay ngumiti na kaya kahit papaano ay gumaan gaan ang atmosphere sa paligid pwera sa katabi kong nag sisimula na namang kumunot ang noo na sinabayan pa ng pag haba ng nguso kung kaya't ako naman ngayon ang humila sakaniya palabas ng hall. Narinig ko naman ang boses ni Ma'am Lorenzana na inutusan ang mga batang sumunod sa'min kung kaya't pinag buti ko ang pagkakahawak kay Dr. Clemente na siyang ikinalingon niya sa direksyon ko.
"Bakit po?"
"Nothing. I just find your grip too tight."
"Ay.. Sorry po."
Babawiin ko na sana ang kamay ko nang bigla niya itong dinakip at sa isang iglap ay natagpuan ko nalamang na naka abrisyete na ako sakaniya. Kahit naka long sleeves siya ay ramdam ko pa rin ang biceps niya kaya pakiramdam ko tuloy inabsorb na ng mukha ko ang global warming lalo na ng sumulyap siya sa'kin at ngumiti.
"Thank you Candice."
"Y-you're welcome po? Pero ba't po kayo nagpapasalamat?"
"'Cause you're here. You just saved someone for the second time around."
"Po? Paano pong nangyari 'yun?"
"Wala. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko. Anyway, we're here in the pantry so eat as you please. Nagugutom ka na diba?"
Nang makapasok kami ng pantry ay saka lamang pinakawalan ni Dr. Clemente ang kamay ko dahil nag tulong tulong kaming lahat bigyan ng pagkain ang mga bata bago kami kumuha ng para sa'min. Bagama't wala ng bakanteng table para sa'min ni Dr. Clemente kung kaya't inaya niya akong kumain nalamang sa loob ng bar dahil marami raw doon mesa't upuan.
"I'll just get the keys from the office."
"Okay po doc. Akin na muna po 'yang pagkain niyo. Babantayan ko po."
"Bantayan mo lang talaga Candice ah."
"Oo naman po. Bakit? Sa tingin niyo kukuhaan ko ang pagkain niyo?"
"Who knows."
"Grabe naman doc. Stalker na nga ako sa paningin niyo tapos paparatangan niyo pa akong patay gutom. Nakakasobra na po kayo ah."
Isang mapang asar na tawa lamang ang itinugon niya sa sinabi ko bago siya lumabas ng hall para kunin ang susi sa bar rito sa foundation.
"Candice."
"Ma'am, hello po."
"Mag isa ka ata. Nasaan na ang prince charming mo?" Pabirong tanong sa'kin ni Ma'am Lorenzana kaya naman natawa ako ng bahagya.
"May kinukuha lang po ma'am. Ma'am, alam niyo naman pong nag bibiro lang si doc kanina diba? Huwag niyo po sanang seryosohin."
"Sana nga nag bibiro lang ang batang 'yon, Candice."
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?"
Magtatanong pa sana ako ngunit lumapit na rin sa'min si Dr. Williams kaya nalipat tuloy ang atensyon ko sa kaniya. Nawala na rin sa isip ko ang itatanong ko kay ma'am kaya naman nag focus nalamang ako sa sinasabi sa'kin ni Dr. Williams.
"The seminar is about anesthesia. Have you attended any seminar or conference before regarding that?"
"Hindi pa po doc. May bayad po ba 'yan?"
"None at all. It's free and it's part of UFMC's program that's why it's much favorable to students like you."
"Ganoon po ba? Sige po. Kung libre naman pala ba't pa ako tatanggi? Hehe! Pwede ko po bang isama ang dalawa kong kaibigan?"
"Why not? I'm sure you'll enjoy the one day seminar especially that aside from the tour inside the hospital, we'll be having a simulation as well. And oh, I almost forgot. You'll get a certificate too."
Power! Libreng seminar na, may certificate pa galing UFMC. Excited na tuloy akong ibalita ito kila Alyson at Cholo. Sigurado akong maging sila ay magiging excited din lalo na si Cholo, malamang sa oras na malaman niya ang seminar eh namimili na 'yon ngayon palang ng isusuot.
Matapos maibigay sa'kin ni Dr. Williams ang kaniyang business card for further details daw ng seminar ay sabay na sila ni Ma'am Lorenzana na bumalik sa kanilang mesa. Saktong dumating na rin si Dr. Clemente kaya naman kaagad kong isinilid sa bulsa ko ang business card at binitbit ang dalawang pinggan palabas ng hall. Dahil siya ang mag bubukas ng bar kaya naman sinabi ko sakaniyang ako nalang ang bahala muna ulit sa pinggan niya.
"Ganito po pala ang itsura ng bar sa personal."
"You haven't been to a bar?"
"Hindi po. Wala rin naman akong pang bar kaya hanggang chocolate bar lang ang kaya ng bulsa ko. Hehe!"
"Really? Do you wanna hang out later then?"
"Ay huwag na po. Nakakahiya naman. Isa pa, baka mapagalitan po ako nila tatay."
"Candice, you're already in your legal age. I can ask them if you want to. Besides, ako naman ang mag hahatid sa'yo pauwi. An hour and a half will be enough since both of us have classes and duties tomorrow."
"Eh.. Maraming salamat po doc pero huwag na po talaga."
"Kung mapapayag ko ba ang mga magulang mo papayag ka na rin ba?"
"Naku doc, ngayon palang sinasabi ko na po sainyo malabo pong mapapayag niyo sila. Pero kayo po, kung ikaw po yung tipo na never give up, never surrender.. Eh di good luck nalang po."
"Never give up, never surrender huh? Haha! You're funny Candice. Anyway, eat well. Let me take care of your parents."
Para raw more chances na mapapayag ang mga magulang ko ay may mga changes siyang ginawa sa itinerary namin para ngayong araw ng sa ganoon ay makabalik raw kami ng maaga sa Metro Manila. The earlier the better daw para maaga niya rin akong maihahatid pauwi sa'min. Nang matapos kumain at makapag freshen up ng mga sarili ay sinundo na namin ang mga bata sa pantry at doon ay nag mistula na naman kaming tren pabalik ng hall para ituloy ang check up.
"All of them are actually healthy, thankfully. However they need a dentist."
"Oo nga po, nakita ko nga rin po na halos lahat sakanila nagsisi tanggalan na ang milk teeth o kaya naman tumutubo na ang permanent teeth."
"Yeah. Anyway, I can arrange that for them. So, let's proceed with the story telling then we can wrap up our work for today."
Sa hall din mismo naganap ang story telling na pinangunahan ni Dr. Clemente. Ako naman ay katabi lamang ng mga bata na nakikinig din sa kwento ni doc. kaya naman kapag nababanggit ni doc. Ang salitang princess ay sa'kin tuloy tumitingin ang ibang bata rito. Harujusko, nagkaroon tuloy ako ng instant kaharian ng dahil kay Dr. Clemente. Nang matapos ang story telling ay oras na para mag paalam sa mga bata. Hinanap ko sana sila Ma'am Lorenzana at Dr. Williams para makapag paalam ngunit nauna na raw ang mga itong umalis sabi ng head ng foundation.
"Kailan po kayo babalik Princess Candice?"
"Ay? Hehe! Ate Candice nalang. Hindi ko pa alam kung kailan pero pangako, babalik ako. Ako naman ang magkukwento sainyo. Gusto niyo ba 'yon?"
Sabay sabay na sumagot ng oo ang mga bata kaya naman ngumiti ako sakanila bago sumunod kay Dr. Clemente palabas ng gusali. Nang pareho na kaming nakasakay ng kotse ay pareho rin kaming kumaway sa mga bata bago tuluyang tinahak ang daan palabas ng foundation.
"Your parents said yes."
"Luh, ano pong ginawa niyo?"
"I told them I'll treat you somewhere since you did a good job and you've worked hard."
"Hindi niyo po sinabing sa bar niyo ako ite-treat?"
"Of course not. Hindi ka sana pinayagan."
"Iba rin. Ikaw lang po ata ang naging professor kong bad influence."
"Haha! Now we're even Miss Stalker."
"Mukha nga po Professor B.I."
Nagkatawanan nalamang kami bago niya ako sinabihang matulog muna. Dahil nakaka akit ng antok ang lamig ng aircon dito sa kotse ni doc tapos kalat pa ang mabango niyang amoy kaya naman hindi na ako nag papigil pa't natulog muna. Napasarap din ata ang tulog ko dahil hindi ko na namalayan ang everything at narating na pala namin ang isang restobar. Mukhang mamahalin pa nga dahil entrance at facade palang ng gusali pinag sisigawan na nitong "mahal at may class kami".
"How's your sleep?"
"Okay na okay po. Pakiramdam ko nga nagsara ang pores ko sa lamig ng aircon dito."
"Haha! Alright. Ready to go inside?"
Double thumbs up ang isinagot ko sa kaniya sabay sipat ng sarili sa salamin dahil baka may natuyong muta o laway pa ako sa mukha. Nang makitang maayos naman ang itsura ko'y lumabas na rin ako ng kotse at sumunod kay doc. papasok ng restobar. Entrance palang ay kaliwa't kanan na ang bumabati kay Dr. Clemente ngunit isang tango lamang ang sagot niya, the rest ay dedma na. Dirediretso lamang si Dr. Clemente sa isang table kung saan may nakalagay na VIP kung kaya't agad akong nag madali sa kaniyang tabi.
"Doc. Sigurado po bang dito tayo mauupo? Hindi ba kailangan ng reservation kapag sa ganitong pwesto tayo mauupo?"
"No need for reservation Candice and yes, I'm 100% sure that we'll settle for this table."
Sapagkat buo na ang desisyon niya sa napili niyang table kung kaya't naupo nalang din ako sa tabi niya kahit na hindi alintana sa'kin ang mga mata at bulung bulungan sa paligid. Hindi ko tuloy maiwasang manliit ngayon. Dapat siguro hindi na talaga ako sumama.
"Doc., pwede po bang umuwi nalang ako?"
"Why? Are you not feeling well?"
Okay na okay po ako. Ano lang po.. Parang hindi po ako bagay sa ganitong lugar."
"And what made you think you don't belong here?"
"Tingnan niyo po ako doc."
"I'm looking. Most of the time I'm looking."
Nakapangalumbaba't nakangiti niya akong tiningnan rason para mabingi ako sa pintig ng aking puso. Gustohin ko man pakalmahin ang sarili ko ngunit mas nananaig ang karisma ni doc sa buong cardiovascular system ko kung kaya't si instinct ay rumampa na to the rescue. Walang isang salitang kaagad akong tumayo para tumakbo sana palabas ngunit mabilis si Dr. Clemente at kaagad niya na namang nahuli ang aking kamay rason para ang inyong lingkod ay pabagsak na bumalik sa pagkaka upo. Pero bakit nag iba ata ang aking upuan?
"Ouch!"
Nang mapagtanto ang aking sitwasyon ay tuluyan ng nag marathon ang red blood cells ko sa katawan. Bumagsak lang naman ako sa kandungan ni doc rason para siya'y mamilipit dahil mukhang nasapul ko ata ang kaniyang "my precious".