CHAPTER 17:

1890 Words
Isang malutong na halakhak ang sagot sa'kin ni Alyson matapos kong ikuwento sa kaniya ang nangyari sa'kin kanina sa restobar. Buong akala ko pa naman ay makakahingi ako sa kaniya ng payo kung paano ako makakabawi kay Dr. Clemente pero heto't napag sabihan pa tuloy ako ng magaling kong kaibigan na mag diet. "Grabe ka Candice. Muntik pa akong hindi makahinga ng dahil sa'yo." "Oh, okay ka na ba? Pwede ka ng makausap ng matino?" "Matino naman akong kausap kaya. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. O siya, balik tayo sa usapan. Pagkatapos mong gawing poached egg ang pinakaiingatan ni doc, hindi na siya masyadong nag sasalita hanggang sa ihatid ka niya riyan sainyo? Tama ba?" "Oo, sinabi ko nga na kahit ako nalang uuwi ng mag isa eh okay lang pero sinenyasan niya lang akong huwag ng mag salita kaya ganun din ang ginawa ko kesa naman madagdagan pa ang atraso ko sa kaniya." "Sabagay. Sino ba naman gustong mabasagan ng itlog. So anong plano mo?" "Hindi ko nga alam kaya nga tumawag ako sa'yo diba? Baka naman pwede mo akong matulungan." "Humingi ka na ba ng sorry?" "Syempre naman. 'Yun ang una kong ginawa noh pagkatapos kong tumayo. Paulit ulit pa nga eh pero pakiramdam ko parang hindi sapat ang sorry ko." "Hmm.. Eh di bigyan mo ng kahit na anong pwedeng pang peace offering. Flowers, chocolates, stuffed toy. Mga ganun." "Alyson naman. Hindi ako nanliligaw kay doc at wala akong balak gawin ang mga 'yan." "Friend, wala ng babae o lalaki ngayon sa panliligaw. May gusto ka naman kay McYummy eh di bigyan mo na ng kahit ano. Ayaw mo nun? Two in one. May peace offering ka na, nakapanligaw ka pa." "Ah basta. Hinding hindi ko gagawin 'yan kahit pa mahal ko siya. Never." "Mahal? Tama ba ang narinig ko? Mahal mo na si Dr. Clemente?" "H-haah? W-wala akong sinabing ganiyan ah. Ang sinabi ko hinding hindi ko gagawin ang sinabi mo." Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Alyson ngayon malakas ang pakiramdam kong kakaiba ang ngiti niya ngayon. Mahal ko na nga ba si Dr. Clemente? Paano ba masasabi kung mahal mo na ang isang tao? Normal naman ang kiligin. Normal din naman ang mag alala sa hinahangaan mo. Normal din ang palagi mong iisipin siya at gawin siyang inspirasyon sa buhay. Normal din na ayaw mo siyang nakikitang masaktan kaya nga as much as possible gusto kong nakikitang masaya si doc lalo na kung ako ang rason sa likod ng kaniyang mga ngiti Higit sa lahat, normal din ata na nakangiti ako ngayon habang inaalala ang mga special moments naming dalawa. "Hoy Candice Rae Amorsolo!" "Present!" "Anong present ang pinag sasasabi mo? Iniisip mo na naman ba si Dr. Clemente?" "Hindi ah." "Charotera. O siya, ganito nalang. Tutal ayaw mo namang mag bigay ng regalo kay doc eh di idaan mo nalang ulit sa letter tutal doon ka naman magaling." "Pwede naman. So gagamitin ko si PMS para pampalubag loob kay Dr. Clemente?" "Parang ganun na nga pero syempre mag ingat ka pa rin at piliin mo ng mabuti ang mga sasabihin mo para hindi ka mahalata." "Sige gagawin ko 'yan. Salamat Alyson ah." "Walang ano man. Sige na, babye muna at hindi pa ako tapos ng skin care routine ko. See you tomorrow." Matapos ang pag uusap namin ni Alyson ay sinimulan ko ng mag sulat ngunit ilang papel na ang dumaan sa dulo ng ballpen ko ay wala ni isa ang pumapasa sa standard ko. Parang may kulang ba kaya naman pansamantala muna akong tumigil at pinagmasdan ang ang sea lion kong stuffed toy na nakatingin din sa'kin. "Akala mo ba madaling gumawa ng crush letter? Hindi ah." Mukha man tanga ay pinagpatuloy ko lamang ang pakikipag usap sa sea lion stuffed toy hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko. Dahil medyo lutang ang utak ko ngayon sa kakaisip ng sasabihin kay Dr. Clemente ay hindi ko na nagawang tingnan kung sino ang tumatawag. Malamang si Alyson ulit ito at baka may nakalimutan lang sabihin. "Akala ko ba tatapusin mo na ang skin care routine mo bruha?" "I'm sorry? What did you just call me?" Sa isang iglap ay nabuhay ang diwa ko't napatayo pa sa aking kinauupuan ng marinig ang boses ni Dr. Clemente sa kabilang linya. Halos mag hahating gabi na pero ba't siya tumawag? May emergency ba? Oh no, di kaya naospital siya ng dahil sa nagawa ko kanina? Pagbabayarin niya ba ako ng hospital bill niya? Or worst, idedemanda niya ba ako? "Doc, patawarin niyo po ako. Hindi ko po sinasadya yung kanina. Huwag niyo po akong ipakulong please po. Gagawin ko po ang lahat para makabawi sa inyo.. " "What the hell are you talking about? I just called to check on you." "Po? Hindi po kayo galit?" "Of course not. Gusto mo ba akong magalit?" "Syempre ayaw po. Pero ba't niyo po ako chinicheck? Diba dapat ako po ang mag check sainyo kung kumusta na ang pakiramdam niyo?" "Well, you are not calling me so I thought I'll just call you instead. Besides, I cannot sleep." Hinihintay niya ang tawag ko? Doc naman eh, masyado ka palang clingy. Pwede mo naman sabihing namimiss mo ako. Char! "Ay. Sorry po. Kumusta na po ba ang pakiramdam niyo? Baka hindi kayo nakakatulog dahil masakit pa yung ano niyo.." "Yung ano ko, Candice?" "Yung ano po. Alam niyo na po." "Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mo. Sorry." Narinig ko ang mahina niyang pag tawa sa kabilang linya kaya kumpirmadong hindi niya naman ako namimiss. Gusto niya lang ata may asarin para masaya siyang matutulog mamaya. Haay.. 'Di bale, basta masaya siya eh di gora tutal may kasalanan ako sakaniya ngayong araw. "Basta 'yun na po 'yun." "Are you that embarass to say scrotum or testicles?" "H-hindi naman po. Parang ang weird lang po kasing sabihin lalo na't lalaki po kayo tapos professor ko pa." "Haha! I get it. You just gave me an idea of your current status." "Current status ng ano po?" "Nothing. Anyway, I'm fine. The guys below are also fine so nothing to worry about. Ikaw? Matutulog ka na ba? Nakakaistorbo ba ako sa'yo?" "Naku hindi po noh. Ikaw pa po ba, malakas ka sa'kin. Hehe!" "Really? Kapag sinabi ko bang ganito ganiyan, gagawin mo?" "Basta kaya po ng powers ko. Siya nga pala doc, gusto ko sana po itong itanong sainyo." "Yeah?" "Ngayong semester lang po ba talaga kayo mag tuturo sa Saint Agatha? Magaling po kasi kayo tapos halos kasundo niyo pa ang mga estudyante niyo. Parang nakakalungkot lang na for one semester lang kayo sa'min." "Hmm.. Regarding that, I'm not sure if I have said this to you before but the main reason why I came to Saint Agatha it's because of Ate Nadia. Teaching was not part of my plan to be honest but who knows what will happen. Will you be sad when I leave?" Syempre naman. Iniisip ko pa nga lang na aalis si doc. Parang ang hirap ng ibalik sa dati ang mga panahong hindi ko pa siya nakikilala. Naging parte na si doc. Ng pang araw araw kong buhay sa Saint Agatha lalo na't hindi lang siya role model ko, kinikilala ko na rin siyang mentor ko at crush of my life. Para sa'kin na sa kaniya na ang lahat. Hindi man siya perpekto pero normal naman 'yun dahil tao lamang din si doc. "Sa tingin ko karamihan ay malulungkot. Ikaw po ang favorite professor namin eh." "I see. Oh well, let's sleep now Candice." "Sige po, mauna na po kayo. Good night doc." "Can't you really just call me by my name?" "Nakakahiya po kasi doc. Ang layo po kaya ng level niyo sa'kin." "Please?" Kaagad akong napahawak sa aking dibdib ng marinig ang paglalambing sa kaniyang boses kaya naman pansamantala ko munang inilayo ang cellphone ko sa'kin at huminga ng malalim. Takte, mabuti nalang at wala siya sa harapan ko ngayon dahil kung oo malamang sa malamang aamin na ako sakaniya ng nararamdaman ko. Ba't ganiyan ka kasi doc? Napakamasunurin ko pa namang tao. "A-Austin. Good night Austin." "Good night my sweet Candice. Sleep tight." Malambing niyang pagtatapos ng aming pag uusap. Ilang saglit pa bago ko muling hinarap ang aking papel at ballpen ay doon ako muling nag simulang mag sulat pero this time, alam at sigurado na ako kung ano ang dapat kong sabihin. -------------------------------------------------------------- Laking pasasalamat ko ng makarating ako ng classroom kalahating oras bago mag simula ang Anatomy and Physiology class namin kay Dr. Clemente. Buong akala ko male-late ako dahil madaling araw na akong nakatulog kanina kaya kaninang pagkagising ko ay hindi ko na nagawang kumain. "Ang taba ng eyebags natin diyan ah. Gusto mo bang i-share ko sa'yo ang skin care routine ko?" "Next time Alyson. Kailangan kong tapusin itong sulat ko." Maingat kong inilabas ang notebook ko kung saan nakaipit ang kulay pink kong papel at sinimulan itong basahin ulit para masigurong tama ang lahat. Hindi rin nag tagal ay nag simulang mag ingay sa labas ng classroom which is hindi na nakakapanibago. "Mukhang andiyan na si McYummy. Ang ingay na naman ng fans club niya. Gusto mong sumilip din?" "Hindi na. Dito rin naman ang diretso ni doc. Isa pa, kailangan ko 'tong tapusin letter ko para maibigay ko sa kaniya mamaya." "Okay okay. Ako nalang sisilip para makita ko kung saan siya nag park." Bago lumabas ng classroom ay iniwan muna sa'kin ni Alyson ang baon niya na namang tinapay kung kaya't kumuha na rin ako para magkalaman ang sikmura ko. Matapos basahin ang letter ay pinabanguhan ko na rin ito bago hinanap ang envelope ng letter ko sa bag. "Good morning ladies and gentlemen. "Good morning Dr. Clemente." Asan na 'yun? Alam kong dito ko lang inilagay sa isa kong notebook yung envelope bago ako matulog kanina. Nag patuloy ako sa pag hahanap kaya naman hindi ko na napansin ang taong lumapit at tumayo sa tabi ko. "Candice." "Teka lang Alyson, may hinahanap ako." "Candice." "Ano?" "Candice." "Bakit nga Alyson?" Bagama't paulit ulit niya lamang tinatawag ang pangalan ko kung kaya't nag angat na ako ng ulo para kausapin ang makulit kong kaibigan pero nang makilala kung sino ang nakatayo sa tabi ko'y wala ni isang segundong nanuyo ang aking lalamunan at nag simulang mag silabasan ang pawis sa aking katawan. Habang hindi ko malaman ang gagawin sa oras na ito ay patuloy namang binabasa ni Dr. Clemente ang sulat kong nakapatong sa arm chair desk. "Now I know." 'Yun lamang ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig bago bumalik sa unahan at nag simulang mag turo. Buong oras ng klase ay ni hindi niya ako magawang tingnan kung kaya't nang dumating ang oras para mag class dismissal na ay hinintay ko munang makalabas ang mga kaklase't kaibigan ko bago siya nilapitan. "D-Doc, magpapaliwanag po ako." "You have nothing to explain Miss Amorsolo. Now excuse me. I still have another class to attend." Walang lingon na nilampasan niya ako matapos makuha ang kaniyang mga gamit kung kaya't kahit nahihiya ay nagawa ko na siyang tawagin sa kaniyang pangalan. Matagumpay ko mang nakuha ang kaniyang atensyon ngunit hindi naman ang kaniyang loob sapagkat bukod sa huwag ko na raw siyang tatawagin sa kaniyang pangalan, pinuputol niya na rin ang pagkakaibigan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD