Simula ng mabasa at malaman ni Dr. Clemente ang nararamdaman ko para sa kaniya ay nag mistulang hangin nalamang ako sa kaniyang harapan. Ang dating madalas na pag tatagpo ng aming mga mata o kaya naman simpleng palitan ng mga ngiti ay ngayo'y mukhang alaala nalamang. Kung may gusto man siyang ipaabot o sabihin sa'kin ay idinadaan niya nalamang kay Alyson o kay Cholo. Bagama't si Alyson lamang ang nakaka alam ng lahat ng tungkol sa'min ni Dr. Clemente kung kaya't hindi rin maiwasan ni Cholo mag tanong kung bakit nag bago ng pakikitungo sa'kin si Dr. Clemente.
"Please welcome Dr. Mark Williams, head of anesthesiology department of United Filipinas Medical Centre."
Kahit wala sa mood ay pumalakpak nalamang ako alang alang kay Dr. Williams. Mangilan ngilan lamang kaming mga nursing students dito mula sa iba't ibang unibersidad. Meron din nag aaral ng pharmacology, biology, pero karamihan ay interns na mukhang balak din maging anesthesiologist gaya ni Dr. Williams o kaya gusto lang makasulyap kay doc? Kagaya nitong tatlong babaeng katabi namin, abot tenga ang ngiti ng si Dr. Williams na ang nasa stage.
"I can see that we're full house for today. Thank you so much for coming."
Nag simulang talakayin ni Dr. Williams ang mga inihanda niyang topics para sa'min. Para maging lively ang seminar ay may inihanda rin siyang mga katanungan at activities para sa'min na lalong nakatulong para maintindihan namin ang mga itinuturo niya. Bagama't nasa dugo naming mga taga Saint Agatha ang pagiging competitive kung kaya't hindi kami nag papahuli sa Q&A portion at palagi rin kaming nag vo-volunteer sa mga ganap dito sa seminar. Nang dumating ang lunch break ay napag desisyonan naming tatlo na kumain sa canteen ng UFMC, for experience lang ba kaya naman nag tanong kami kung saan ang canteen dito.
"Sa kabilang building, second floor. Pagkalabas niyo rito, dire-diretso lang tapos kanan. May nakalagay na signage naman sa labas."
"Sige po. Maraming salamat po."
Bitbit ang aming mga gamit ay sabay sabay kaming tatlong lumabas at tinahak ang daan patungo sa canteen ng UFMC. Wala pa man kami sa portion ng hospital tour pero bakas na sa aming mukha ang pagkamangha rito sa UFMC. Mukha man itong ospital sa labas pero pag nandito ka na sa loob mismo para kang nasa hotel. No wonder kung ba't parang relax ang mukha ng mga tao rito.
"Pwede kayang mag check-in dito? Ang bongga, ngayon lang ata ako nakakitang ospital na may internet cafe sa loob with all the gaming chairs and gaming P.C pa."
"Hindi lang 'yan, kaninang papunta ako sa auditorium ng ospital may nadaanan pa akong gym. Kung hindi nga ako nagkakamali parang nakita kong pumasok doon si Dr. Clemente."
"Nandito si doc?"
Agad kong tanong kay Cholo na nagulat pa sa pagtatanong ko in high pitch voice. Buong akala ko wala si doc ngayon dito dahil weekend. Base kasi noong nag kakasama pa kami ay madalas siyang day off ng weekend. Nag palit na siguro siya ng schedule.
"Oo. Natural sigurong makikita talaga siya rito kung dito siya nagtatrabaho. Bakit? May kailangan ka ba sa kaniya? Gusto mo hanapin natin?"
"Huwag na. Naku, malamang marami siyang ginagawa ngayon. Baka maka abala lang tayo. Isa pa, isang oras lang ang lunch break natin kaya mabuti pang kumain na tayo ng makabalik tayo kaagad."
Pareho namang sumang ayon ang dalawa kong kaibigan kung kaya't kahit gusto pa nilang mag sight seeing ay nag double time na kaming makarating sa canteen ng UFMC. Hindi nga kami nagkamali ng daang tinahak dahil nandito na kami ngayon sa canteen na mukhang hindi canteen. Nagkatinginan pa nga kaming tatlo sabay silip sa kaniya-kaniyang mga wallet.
"May 500 ako." Unang pag sisiwalat ko sa laman ng aking wallet.
"500 din akin." Ani naman ni Cholo.
"May 2k ako. Sagot ko na kapag kinulang kayo. Jusko, sana hindi naman mahal ang pagkain dito ng sa ganun hindi tayo maging instant dishwasher ngayong araw."
Sinabayan ni Alyson ng sign of the cross kaya maging kami ni Cholo ay ganoon din ang ginawa. Nag dalawang isip man kami kung tutuloy pa sa buffet pantry na 'to pero kalaunan ay pare-pareho na kaming nag desisyong ituloy ang lamunan tutal nandito na rin lang kami. Unang pumila si Alyson, sunod si Cholo, at pang huli ako. Kumukuha rin lang naman kami ng pagkain ay panay compute na rin ang utak namin kung magkano ang babayaran namin sa masasarap na pagkaing nandito.
"Parang ang sarap nitong pot roast. Kuha tayo?" Tanong ni Alyson.
"Sige. Kung pare-pareho nalang kaya tayo ng pagkain para pareho rin ang bayaran natin?" Suhestiyon ni Cholo na kasalukuyang kumukuha ng kanin.
"Eh? Iba iba nalang para naman matikman natin ang lahat. Kay Alyson na ang pot roast, akin naman itong salmon belly strips tapos ikaw Cholo, bahala ka na kung anong kukunin mo."
"Okay naman sa'kin kahit ano. Ano bang gusto niyo?"
"I'd recommend the mango glazed chicken."
Sabay sabay kaming lumingon sa likod ng marinig ang nag recommend sa'min ng pagkain. Kamuntik ko pa ngang mabitawan ang hawak kong pinggan dahil sa gulat ng mapagtantong napakalapit niya pala sa'kin. Hindi man ako tinitingnan ngayon ni Dr. Clemente pero hindi rin naman siya dumidistansya sa'kin kahit halos mag lapat na ang likod ko sa kaniyang dibdib.
"Hi doc. Lalo ka po atang pumopogi ah."
"Haha! Thank you Alyson. What are you guys doing here?"
"Attending a seminar doc. Yung part ng program niyo raw po rito sa UFMC." Sagot ni Cholo na ngayon ay abala namang kumukuha ng nirecommend ni Dr. Clemente na putahe.
"Oh. The one regarding anesthesiology. How did you know that? I don't remember mentioning anything about that in our class."
"Si Candice doc. Siya po talaga ang inimbitahan ni Dr. Williams tapos isinama niya po kami. Sayang naman po kasi ng opportunity at certificate."
Sa pagkakataong iyon ay doon ako muling tiningnan ni Dr. Clemente kaya napalunok tuloy ako lalo na ng makita ang kaniyang pag tiim bagang. Saglit man ang nangyaring interaction sa'ming dalawa pero nag dulot na naman ito ng kakaibang kilabot sa'kin bago niya ibinalik ang tingin sa dalawa kong kaibigan at ngumiti.
"Well if it's an opportunity then you really should take advantage of it. I hope you'll have fun in Dr. William's seminar."
"Yes doc. Thank you."
"Nah, don't thank me Alyson. I haven't done anything. Anyway, mag babayad na ba kayo ng pagkain niyo?"
"Opo. Nakuha na rin naman namin ang gusto namin dito. Magkano po pala ang pagkain niyo rito?"
"Don't worry about it. Sagot ko na kayo."
"Sigurado kayo doc?"
Nakangiting tumango si doc kila Cholo at Alyson kung kaya't kaagad na silang nag pasalamat at nag hanap ng mauupuan naming tatlo. Mukhang silang dalawa lang naman ang ililibre ni doc kung kaya't pagkatapos kong makuha ang utensils ko ay humakbang na ako patungo sa counter.
"And where are you going?"
"Mag babayad po."
Ngumisi lamang siya sa'kin bago umiling at nag lakad patungo rin sa counter. Nang hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko'y tumayo siya sa harapan ko't tiningnan ako na animo'y hari ng lugar na ito.
"Bingi ka ba?"
"H-hindi po."
"Kung hindi then that only means you are stupid for not understanding what I've said a while ago. Fine, if you want to pay your own food then suit yourself."
Umiling siyang muli bago ako tinalikuran at nag bayad ng pagkain niya't pagkain nila Cholo at Alyson. Pagkatapos ay parang hangin na naman niya akong nilampasan at nag tungo sa kalapit na mesa kung saan may mga nakaupong naka suot din ng puting coat gaya ng sa kaniya o kaya naman nakasuot ng scrub suit.
"Hi Ma'am, good.. Ma'am okay lang po ba kayo?"
Pagkalapag ng aking tray sa counter ay dali dali akong nag punas ng mata gamit ang aking palad saka ngumiti sa cashier at tumango kaya kahit alanganin ay ngumiti nalang din sa'kin ang cashier. Ang buong akala kong hindi kakasiya ang baon kong 500 sa mga pagkaing kinuha ko'y sobra pa pala kaya naman kahit papaano ay nakaluwang luwang ito sa pakiramdam at isipin ko. Bago pa ako magtungo sa table namin nila Cholo at Alyson ay pinabaunan pa ako ng sangkatutak na tissue ng cashier kaya nag pasalamat ako sa kaniyang kabutihan.
"Hey Miss."
Tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad kaya naman laking gulat ko ng may humawak sa braso ko rason para tumigil ako sa paghakbang at mabitawan ang hawak kong tray na nag lalaman ng pagkain ko at inumin. Hindi lang 'yon, bukod sa naka agaw pansin na nga ako ng mga kumakain din dito sa pantry ay sa direksyon ko pa saktong natapon ang inumin kong juice kung kaya't lalo akong nag mukhang kawawa ngayon.
"Oh s**t! I'm sorry Miss. Are you okay?"
"Okay po ba ako sa lagay na 'to?"
"Oops.. Sorry. Ibibigay ko lang sana sa'yo tong wallet mo. Naiwan mo sa counter eh."
Inabot sa'kin ng lalaki ang wallet ko kaya kinuha ko ito. Hindi ko rin maiwasang mag salubong ng kilay ng maramdaman ang paghagod ng kamay ng lalaki sa kamay ko kaya dali dali ko itong binawi kasama ang aking wallet. Ngumiti lamang ang lalaki sa'kin bago tinawag ang mag lilinis sa mga natapon ko saka ako muling kinausap.
"May extra akong damit. Gusto mong mag palit muna?"
"Pahihiramin mo ako? Sigurado ka ba? Hindi naman tayo magkakilala. Isa pa, nakakahiya rin."
"'Yun lang ba ang problema mo? Ako si Iverson. Siguro hindi ka na mahihiya ngayon dahil kilala mo na ako."
Inilahad pa ng lalaking nag ngangalang Iverson ang kaniyang kamay para pormal na ipakilala ang kaniyang sarili ng biglang may tumabi sa'kin kung kaya't parehong nalipat ang atensyon namin sa katabi ko. Una niyang tiningnan si Iverson bago nalipat sa'kin at sa damit kong basang basa hanggang sa muling nabalik kay Iverson.
"She's off limits Iverson so back off."
"Na naman? Huwag mo sabihing.."
"Dr. Amadeus."
Haah? Doktor din 'to? Itong mukhang rakista ng banda? Kung hindi pa siguro tinawag ni Dr. Clemente na Dr. Amadeus ang lalaking kaharap namin ay wala ni isang katiting na mukha itong doktor. Mukhang nadala rin ito sa isang tingin kung kaya't nanahimik nalamang si Dr. Amadeus at itinaas ang dalawang kamay bago humakbang palayo sa amin. Akmang aalis na rin sana ako ng biglang hawakan ni Dr. Clemente ang aking kamay sabay hila sa'kin palabas ng pantry. Bago tuluyang makalabas ay nasilayan ko pang nakangiti si Alyson samantalang puno ng pagtataka naman si Cholo.
"You aren't only stupid, you are also clumsy as fuck."
"S-sorry po."
'Yun nalamang ang namutawi sa aking labi dahil nag sisimula na namang manubig ang aking mata lalo na ng marinig ang kaniyang pag mumura. Simula ng malaman niyang mahal ko siya parang lahat nalang ata sa'kin ay mali para sa kaniya. Hindi naman kasalanan ang mag mahal diba? Kung hindi niya kayang ibalik ang nararamdaman ko sana binasted niya nalang ako kesa ganito ang pinaparamdam niya sa'kin. Dali dali kong tinuyo ang aking mata ng tumigil kami sa isang kwarto. Gamit ang free hand niya ay kinuha niya ang kaniyang ID badge para magkaroon ng access sa loob. Nang makapasok ay doon lamang niya binitiwan ang aking kamay at hinarap ako. Hindi pa rin siya ngumingiti ng tingnan ako mula ulo pababa hanggang sa nagulat nalamang ako sa inuutos niya sa'kin.
"Hubad."