"P-Po?"
Naparalisa ako sa kinatatayuan ng gusto akong pag hubarin ni Dr. Clemente sa harapan niya. Ito ata ang sleeping quarters niya sapagkat bukod sa nakikita ko ang ilang kagamitan niya na ginagamit sa pag tuturo sa'min ay may double deck rin dito, drawer, mesa, office chair, at naka aircon pa which is hindi na nakapagtataka. Ang nakapagtataka ay ang inuutos niya sa'kin. Ilang beses ko ring tinanong ang sarili kung tama ba ang narinig ko pero mukhang tama nga dahil walang halong biro sa kaniyang sinabi. Hinihintay ko nga sanang sabihin niya ang "It's a prank" pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa ring salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Dala ng kaba ay dahan dahan kong niyakap ang sarili saka sinalubong ang kaniyang titig para mag makaawa.
"Doc, h-huwag po."
Wala namang mali sa sinabi ko pero biglang tumaas ang isa niyang kilay saka ako tinalikuran at dumiretso sa kaniyang drawer. Hindi ko alam kung anong hinahanap niya pero mahigit dalawang minuto rin siyang nakaharap lang sa drawer bago muling humarap sa'kin at walang isang salitang ihinagis sa direksyon ko ang isang pair ng scrub suit.
"Lock the door Candice."
Kung kanina'y gusto niya akong mag hubad ngayon naman gusto niya ring i-lock ko ang pinto? Hala, ano ng gagawin ko? Dahil nagmistula akong punong itinanim dito sa kinatatayuan ko kaya nag simulang mag lakad si Dr. Clemente patungo sa direksyon ko. Palapit ng palapit habang nakatutok lamang ang mata sa'kin kaya naman doon lang ako natauhan at nag simulang umatras. Isang ngisi ang gumuhit sa labi ni doc kung kaya't bumilis pa ang t***k ng aking puso lalo na't na-corner niya na ako sa pinto. Wala na akong kawala kaya naman dala ng instinct ay pumikit nalamang ako sabay yakap sa hawak kong scrub suit.
"What are you doing?"
"Huwag po doc. Hindi pa po ako ready sa ganitong bagay."
"What are you talking about? Ready for what?"
"Gusto niyo po akong mag hubad tapos ilo-lock ko pa ang pinto.."
"Yeah, you really must lock the door after I step out so you can change otherwise my roommate will witness your nakedness. Now excuse me, you are blocking the doorway."
"Ay? Ganoon po ba? Sorry po. Sige, dumaan na po kayo."
Kunot noong umiling siya kaya naman agad akong nagbigay ng daan sa kaniya. Ako na rin ang nag bukas ng pinto para sa kaniya kung kaya't tahimik siyang lumabas para mabigyan ako ng privacy at makapag palit. Nakakahiya! Sa sobrang hiya napapadiyak pa ako sa sahig. Siya na nga ang nag magandang loob napag isipan ko pa ng masama. Bakit ko nga rin ba naisip ang bagay na 'yon? Haay.. wala na talaga akong mukhang ihaharap sa kaniya at mas lalong wala na akong pag asang mapatawad pa ni doc.
Bagama't labing limang minuto nalamang ang natitira bago mag resume ang seminar kung kaya't kaagad na akong nag bihis. Okay lang ba talaga sa kaniyang ipahiram 'to sa'kin? Mukhang bago pa kasi itong scrub suit tapos naka embroidered pa ang DR. A. CLEMENTE sa bandang kaliwa. Nagkakaroon tuloy ako ng paranoia na baka mapahiya ko siya.
"Mag do-doble ingat nalang ako. Kaya ko 'to."
Pagkatapos kong maayos ang pagkakasuot ng pantalon ay sunod ko namang ginawa ay ang itali ang aking buhok. Bago rin lumabas ay sinipat ko muna ang aking sarili sa salaming nakasabit sa pader kung kaya't hindi ko tuloy maiwasang mangiti. Ganito pala ang magiging itsura ko in the future, nakakatuwa lalo na siguro kung dito rin ako mag tatrabaho. Ang kaso mukhang hanggang pangarap nalamang ang UFMC para sa'kin. Bukod sa given ng mahirap makapasok dito, hindi rin matutuwa si Dr. Clemente na nandito ako. Halatang halata pa naman ang pagka disgusto niya ngayon sa'kin at kung ipipilit kong makapasok dito sa hinaharap ay baka magaya lamang ang kapalaran ko kay Ma'am Princess na sapilitang pinag resign.
Kalalabas ko pa lamang ng pinto ng kaagad kong napansin si Dr. Clemente na nakatayo sa tabi nito. Parehong naka sulok ang kamay niya sa kaniyang coat at saktong nahuli ko rin siyang humihikab. Nang mapansin niya ako ay kaagad siyang tumuwid ng pagkakatayo at isinara rin ang kaniyang bibig. Base sa kaniyang mata ay mukhang wala pa siyang tulog pero talagang pinagpala ang lalaking 'to, ang pogi pa rin.
"Buti at kasiya naman."
"Ah.. Opo. Nagawan ko po kasi ng paraan."
"I see. Alright, you can go home now."
"Po? Hindi pa pwede. Hindi pa tapos ang seminar namin."
"So are you saying that you're planning to attend the seminar using my scrub?"
"Opo. Ito na po ang suot ko ngayon eh."
"Nah uh. Just go home Candice."
"Hindi po pwede doc. Malaking bagay po sa'kin ang seminar. Kung problema po para sa inyo na suot ko ang damit ninyo sana hindi niyo nalang po ako pinahiram."
"So ako pa ngayon ang may kasalanan kung ba't ganiyan ang suot mo samantalang ikaw 'tong ta-tanga tanga kanina."
"Wow. Sorry po kung ta-tanga tanga ako ah. Hindi po kasi ako kasing talino niyo."
Agad kong tinakpan ang aking mukha dahil hindi ko na napigilan ang maiyak dulot ng mga masasakit na salitang ibinabato sa'kin ni Dr. Clemente. Wala na akong paki alam kung sa tingin niya ay gumagawa ako ng eskandalo. Siya naman ang nauna.
"f**k!"
Ayan na, nag mura pa siya kaya lalo lamang akong naiyak subalit bigla itong naudlot ng matagpuan ko ang sarili na nakalapat na sa matigas niyang dibdib. Ikinulong niya rin ako sa matipuno niyang mga bisig sabay lagay ng kaniyang isang kamay sa aking ulo at ang isa naman ay sa aking likod. Dahan dahan ay humagod ito para mapatahan ako. Akmang titingnan ko na sana siya subalit agad niya akong pinigilan at idiin pa ang ulo ko sa kaniyang dibdib.
"Just let it out, Candice. Being emotional is normal during menstrual period. Normal din ang matagos pa minsan minsan. Parte 'yan ng pagiging babae."
Hanoraw? Sinong nag sabi sa kaniyang may period ako? Tapos na ako at lalong hindi ako emotional kapag meron. Patuloy lamang si doc sa pagpapatahan sa'kin kahit natigil na ako sa pag iyak. Nang magkaroon ako ng pagkakataong sumilip sa paligid ay sa'kin na ngayon nakatingin ang mga tao kaya naman parang gusto ko nalamang sumama at makiisa sa hangin.
"Kawawa naman si ineng. Mabuti nalang at nandiyan si Doc. Austin."
"Napakabait talaga ni doc."
"Nice doc."
Ilan lamang 'yan sa mga narinig ko bago lumuwag ang pagkakayakap sa'kin ni Dr. Clemente. Nang tingnan ko siya ay panay ngiti siya sa mga dumaraan at bumabati sa kaniya bago niya ibinalik ang atensyon niya sa'kin. Ngumiti rin naman siya pero kalaunan ay bumalik na naman ang ngisi niyang nakakapangilabot.
"And that's how you make a scene. You should take notes of it."
"Ewan ko po sa inyo."
"If you have just walked away and went home then none of those would happen."
Saglit kong sinalubong ang kaniyang mga titig bago ko pinunasan ang aking mata gamit ang aking mga palad. Walang paalam na rin akong nag lakad palayo sa kaniya kaya naman tinanong niya ako kung saan daw ako pupunta.
"Wala ka na pong paki alam."
Dirediretso lamang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang elevator para tuluyan na akong makaalis ng UFMC. Nakakapanghinayang man ang seminar pero ang makaharap si Dr. Clemente ngayong araw ay sapat na para ubusin ang energy at motivation ko para ngayong araw. Idagdag pang hindi pa ako kumakain ng pananghalian kaya hindi ko na kayang tapusin pa ang seminar. Magpapaliwanag na lamang ako kay Dr. Williams.
"Wait."
Hindi ko na hinintay pa si Dr. Clemente na makalapit kaya naman ng mag bukas ang pinto ng elevator ay nagmadali na akong sumakay. Huli na para pigilan niya pa ako kung kaya't mula sa transparent wall ng elevator ay sinundan niya nalamang ako ng tingin habang pababa ako ng first floor.
"Ano ba 'yan, ba't naiiyak na naman ako. Bwisit."
Kaagad kong hinanap ang aking panyo sa bag saka dali daling pinunasan ang aking mga mata. Nang magbukas ang pinto ng elevator ay saktong may nakasalubong akong security guard dito kung kaya't nakangiting binati niya ako.
"Good afternoon doc."
Doc? Oo nga pala, suot ko kasi ang scrub ni Dr. Clemente. Baguhan siguro si kuya guard kaya akala niya siguro ako si Dr. Clemente. Tinanong niya rin ako kung out na raw ako para ipakuha niya na sa valet ang "kotse" ko. Akalain mong may ganoong service rito samantalang sa ospital na pinag du-duty-han ko first come first serve sa parking area. Maswerte pa kung ang makuhang parking space ay malapit lang sa entrance ng ospital. Kaagad akong tumanggi kay kuya guard at ngumiti nalamang bago nag lakad papuntang exit pero hindi pa man ako nakakalabas ng tuluyan ay may tumawag sa pangalan ko rason para tumigil ako sa paglalakad. Nang harapin ko si Dr. Clemente ay patakbo itong lumapit sa'kin hanggang sa nakatayo na siya sa aking harapan.
"Come with me."
"Bakit naman po ako sasama sa inyo? Diba ang sabi niyo po umuwi nalang ako? Ngayong uuwi na ako gusto niyo naman akong sumama sa inyo. Ano ba talaga? Gulong gulo na po ako sa inyo Dr. Clemente."
"Just come with me and refrain from asking too many questions. I'll help you regarding the seminar."
"Huwag na doc. Salamat nalang po. Nawalan na rin ako ng gana kaya hayaan niyo na po akong umuwi. Huwag ka rin pong mag alala, bukas na bukas rin ibabalik ko sa inyo itong scrub suit niyo. Magandang hapon nalang sa inyo."
Nag simula ako muling mag lakad palabas ng UFMC ng biglang hinawakan ni Dr. Clemente ang aking braso. Sa isang hila niya ay namalayan ko nalamang na nag lalakad na rin ako kapareho ng direksyong tinatahak niya kaya nag simula akong mag pumiglas. Pero dahil napaka higpit ng pagkaka hawak niya sa'kin kaya sinabayan ko na rin ng pagpoprotesta. Kagaya kanina ay pinag titinginan na naman kami ng mga tao sa paligid.
"Bitawan niyo po ako. Nasasaktan po ako."
"Be quite Candice." Diretso lamang sa paglalakad si Dr. Clemente hanggang sa pareho kaming natigil ng sitahin ni kuya guard si Dr. Clemente.
"Mawalang galang na po doc pero ano pong ginagawa niyo kay doktora?"
"Doktora?"
"Opo, kay doktora. Mukhang ayaw pong sumama sa inyo ni doktora kaya kung mararapat po bitawan niyo po siya."
Taas kilay na tiningnan ni doc. Si kuya guard bago nalipat sa'kin pero imbes na bitawan ako ay nagulat pa kami ni kuya guard ng bigla akong hapitin ni Dr. Clemente palapit sa kaniya.
"Kuya, I understand your concern for Dra.. Dra. Clemente but as you can see, we're having a misunderstanding right now which is normal for couples."
Dra. Clemente? C-couples? Anong gusto niya na namang palabasin? Nag papalit palit ng tingin si kuya guard sa'ming dalawa kaya ng hindi pa rin nag sasalita si kuya guard ay isang buntong hininga ang pinakawalan ni Dr. Clemente bago muling nag salita.
"Fine. You want proof kuya then I'll give you proof. Candice, look at me."
Bagama't nagulat at naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Dr. Clemente kung kaya't tumingala ako sa kaniya rason para tumatak ang oras at araw na ito ngayon sa aking utak. Hindi na lamang puso ko ang nabihag ni doc, maging ang first kiss ko ay nabihag niya na rin ng tuluyan.