CHAPTER 20:

1888 Words
Sa gate ng Saint Agatha pabalik balik akong naglakad at maiging nag iisip kung papasok ba ako ngayong araw o hindi. Mukhang uulan pa naman kaya kailangan ko ng mag desisyon. "Hi Candice." "Oy.. Elijah." "Ba't nandito ka? Tara, sakay na. Sabay na tayong pumasok." Itinuro niya ang bakanteng upuan sa likod ng kaniyang motor kung kaya't kahit hindi pa ako nakakapag desisyon ay sumakay nalamang ako. Mahirap mag explain lalo na kapag sinabi kong hindi muna ako papasok. Nang makapasok ng gate ay abot abot na ang kabang nadarama ko lalo na ng madaanan namin ni Elijah ang kotse ni Dr. Clemente. Napaka aga niya ata ngayong pumasok. Usually 30 minutes bago mag time na siya kung dumarating dito sa Saint Agatha pero 7:30AM palang ay nandito na siya. "Nga pala Candice. Aattend ka ba ng Halloween party next next week?" "Meron? Akala ko ba wala munang Halloween party ngayon?" "'Yun nga rin ang akala ko. Kagabi lang nag post ang student council sa page ng Saint Agatha." "Ganoon ba? Anong theme nila for this year?" "Masquerade ball. Exciting diba? So, pupunta ka ba?" "Oh. Hindi ko alam Elijah. Ang mahal ng renta sa costume eh. Hanggang white lady lang ang kaya ng aking budget." "Haha! Kung ganiyan din lang naman eh di mag co-costume akong zombie para tayong dalawa lang ang kakaiba. Malay mo, tayo pa ang manalong best in costume." "Sira. Kung gusto mong pumunta, pumunta ka na. Huwag mo na akong alalahanin." "Actually sa'yo nga ako naka depende. Kung hindi ka rin lang pupunta, hindi na rin ako pupunta." "Ikaw talaga. Pag iisipan ko muna ah. Sabihan nalang kita." Nang makarating kami ng building namin ay pinauna na ako ni Elijah sapagkat bukod sa mag pa-park siya, kailangan niya rin daw munang mag CR. Isang pasasalamat nalamang ang ibinigay ko sa kaniya bago kami nag hiwalay ng landas. Kalagitnaan ng paghakbang ko sa hagdan ay may naririnig akong mga boses na malumanay na nag uusap. Kung hindi ako nagkakamali ay boses ito nila Dr. Clemente at ni Ma'am Lorenzana. "Why did you do that, Austin?" Puno ang pagka dismaya sa boses ni Ma'am Lorenzana ng tanungin niya si Dr. Clemente ngunit wala akong marinig na sagot mula kay doc. Aalis na ba ako? Gustohin ko mang hayaan silang dalawa pero mas nanaig ang kyuryosidad sa'kin kung kaya't nanatili lamang akong nakatayo sa hagdan habang nakikinig sa kanilang pag uusap. "Do you know that you're not only putting yourself in trouble but Candice also? You know that she's a great student. She has goals for herself and for her family. What got into you Austin? Ba't mo siya hinalikan?" "I.. I don't know either. I was blinded by my emotions and.." "My god, Austin. Ikaw ang mas nakatatanda. Mabuti nalang at si Mark lang ang nakakita sa ginawa mo. Papaano kung nakita kayo ng mga kaklase o kaibigan ni Candice?" Patuloy sa panenermon si Ma'am Lorenzana habang pa unti unti namang bumabalik ulit ang nangyari sa'kin kahapon matapos akong halikan ni Dr. Clemente. Hindi man siya katulad ng mga kissing scene na napapanuod ko sa mga pelikula o teleserye ngunit sapat na 'yon para mapunta ako sa ibang dimension ng sansinukob. Kahit alam kong mali ang ginawa ni Dr. Clemente ay kusang pumikit nalamang ang mga mata ko kahapon at dinama ang banayad na pag dampi ng kaniyang labi sa mga labi ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa'kin ang lahat kaya hindi ko tuloy maiwasang damhin muli ang aking labi. "I get it Ate Nadia, okay? I get it! That's why last night I decided to accept dad's suggestion." "What do you mean? Anong suggestion?" "I'm going back to New York after Christmas." "A-ano?" A-ano? Sabay naming pagkakasambit ni Ma'am Lorenzana matapos marinig ang pasabog ni doc kung kaya't napatakip agad ako ng bibig para hindi ako mahalata at madakip. Bakit? Bakit siya aalis? Dahil ba ito sa nangyari kahapon? Nagsisisi ba siya o nagu-guilty? "Paano ang trabaho mo rito?" "I still have two more weeks before I leave Saint Agatha. I heard that Mr. Honesto did well during his rehabilitation which resulted for his fast recovery therefore after two weeks he's ready to come back and can already take over my classes." "Paano ang UFMC? Sila Ma'am Amber at Janessa?" "UFMC will be fine. The family will just visit me in NYC from time to time. Besides, kay Daddy Zeke naman ako pansamantalang titira while I'm in the adjustment period again kaya kampante naman sila." "I see. This is sudden." "I know. Well, it would be great for you and for Candice anyway. You'll finally have a happy relationship with Dr. Williams while for Candice, she can continue again her normal student life here in Saint Agatha. Fair enough right?" Si Ma'am Lorenzana naman ngayon ang nanatiling tahimik kaya ng mag ring na ang bell hudyat na malapit ng mag alas otso ng umaga ay dali dali na akong bumaba. Saktong nasalubong ko naman ang dalawa kong kaibigan kung kaya't nag madali rin silang lumapit sa'kin. "Anong nangyari sa'yo friend? Kahapon ka pa namin tinitext, chat, at tinatawagan pero ba't mo kami dinidedma?" "Hinanap ka sa'min ni Dr. Williams." "Pasensya na kayo Alyson, Cholo. May nangyari lang na hindi inaasahan kaya umuwi na ako kaagad." "Hindi naman ba 'to tungkol sa HHWW niyo ni McYummy kahapon?" "Oo nga, at saka ba't parang normal nalang kung hawakan ka sa kamay ni Dr. Clemente? May hindi ba ako alam, Candice?" "Alam mo Cholo, masyado kang ma-issue. Hindi ba pwedeng may malasakit lang si doc. Sa kaibigan natin dahil professor natin siya? Sabi nga nila pangalawang magulang natin ang mga teachers natin." Pasimpleng ngumiti at kumindat sa'kin si Alyson kaya ngumiti nalamang din ako sa kaniya at nilinaw kay Cholo na wala siyang kailangan pag dudahan. Hindi rin nag tagal ay nasilayan na naming pababa si Ma'am Lorenzana kaya sabay sabay kaming bumati sa kaniya. As usual malugod din kaming binati ni ma'am sabay ngiti ngunit ng madako ang kaniyang mata sa'kin ay makahulugan niya akong tiningnan at sa tingin ko'y alam ko na kung bakit. "Kumusta kayo?" "Okay naman po kami ma'am. Ikaw po?" Tanong ni Alyson. "Mabuti naman ako. Mag sige na kayo at baka mahuli kayo sa klase. Ikaw Candice, okay ka lang ba?" "O-opo ma'am. Maayos naman po ako." "Mabuti kung ganoon. Kung may problema huwag kang mag dalawang isip na puntahan ako sa opisina haah." "Opo ma'am. Maraming salamat po." Bago siya tuluyang nag lakad pabalik sa kaniyang opisina ay sinabi niya rin sa'min na masaya raw si Dr. Williams na dumalo kami sa seminar kung kaya't mag bibigay daw ulit ito ng heads up kapag may libreng seminar ulit sa UFMC. Pareho namang sumang ayon sila Alyson at Cholo samantalang nanatiling tahimik lamang ako. Sa nangyari kahapon maganda sigurong umiwas muna ako sa UFMC lalo na't may mga nakakita sa'min ni Dr. Clemente. "Tara na. Mag C-CR pa ba kayong dalawa?" Tanong ni Cholo sa'min pero pareho naman kaming umiling ni Alyson kung kaya't dumiretso na kami sa classroom. Sa loob ay naabutan namin si Dr. Clemente na abala sa kaniyang laptop ngunit ng mapansin niya kami ay agad din siyang lumingon sa pinto. Kagaya kahapon, kapansin pansin ulit ang puyat sa kaniyang mukha at maging sila Alyson at Cholo ay hindi maiwasang punahin ito. "Toxic sa ospital doc?" Tanong ni Alyson sabay alok ng baon niyang pan de sal kay Dr. Clemente at nakakapanibago man pero kumuha rin ito at kumain. "Medyo." "Kaya naman pala. Alam niyo doc, uso rin minsan ang mag absent. Suggestion lang para makatulog po kayo." "Oo nga doc. Kadalasan hindi ako sumasangayon sa mga ganiyang suggestion ni Alyson pero mukhang kailangan niyo nga po talaga ng tulog. Health is wealth nga po diba?" Segunda naman ni Cholo. "Why thank you Alyson and Cholo but no worries, I can manage. Besides, I only have few more days here in Saint Agatha so I'd prefer to spend it with you guys." "Haah? Anong ibig niyong sabihin?" Ngumiti lamang si Dr. Clemente sa dalawa kong kaibigan bilang sagot sa tanong nila bago nalipat ang mga mapupungay niyang mata sa direksyon ko. Kaagad naman akong nag iwas at ibinaling nalamang ang aking atensyon sa libro ko at nag simulang mag review sapagkat may oral recitation kami ngayong araw. Haay.. Ba't ngayon pa kasi nagkaroon ng oral recitation kung kailan ang awkward ng sitwasyon sa pagitan naming dalawa? Tsk! Maging si Dr. Clemente ay halata rin na awkward sa'kin. Kung awkward na siya sa'kin dati pa matapos niya akong madakip tungkol sa sulat mas lalo naman ngayon. Hindi nag tagal ay nag simula ng magsidatingan ang mga kaklase ko. Simula ng maging professor namin si Dr. Clemente ay halos lahat kami ay nag aaral at nagrereview ng mabuti kung kaya't kahit may oral recitation, quizzes, at exams ay taas noo na namin itong hinaharap. Hindi kagaya noon na halos isumpa namin ang araw ng pagsusulit. "Alright. Let's see who's the lucky one to go first." Iniharap sa'min ni doc. Ang kaniyang laptop at doon ay ipinakita niya sa'min ang isang virtual roulette kung saan nakalagay ang mga pangalan namin. Sa katabi nito ay may virtual button din kung saan sa isang click niya ay nag simulang umikot ang roleta. Nag simulang mag ingay naman ang mga kaklase ko na akala mo nasa Bingo o Casino hanggang sa dahan dahang tumigil ang roleta. "Candice Amorsolo." "Y-yes doc?" "Uhm.. Give me the correct temporal sequence for events at neuromuscular junction." "That would be uptake of calcium ion into the presynaptic terminal. Next is release of acetylcholine then depolarization of the muscle end plate. Acetylcholine is stored in the vesicles.. " Habang patuloy ako sa pag e-explain ay pinilit kong huwag siyang tingnan kahit ramdam kong nakapirmi ang mga mata niya sa'kin habang nag sasalita ako dahil baka kapag tumingin ako ay tuluyan na lamang akong mag collapse rito dahil sa kaba. Nang matapos ay agad akong naupo at doon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan din siya. Isang ngiti at hindi ngisi ang nagpakita sa kaniyang mga labi bago siya pumalakpak kaya pati mga kaklase ko ay nakipalpak na rin na may kasama pang cheer at papuri. "That's my student. Well done Candice." Buong buhay ko bilang estudyante ay ngayon lang ako naiyak sa recitation kaya naman kaagad ding nanahimik ang mga kaklase ko at napalitan ng pagtataka. Lumapit naman kaagad sa'kin sila Alyson at Cholo para umalalay at aluhin ako kaya naantala tuloy ang oral recitation ng buong klase. "Friend, tahan na. Kung may problema ka pag usapan natin mamaya." Ani ni Alyson habang pinupunasan ang mga mata ko. Nakakalungkot.. Kahit maaga pa ay nakakaramdam na ako ng pangungulila. Pangungulilang ngayon ko lamang naramdaman. Dahil hindi ko mapigilan ang aking damdamin ay tumayo na ako sabay dampot ng aking bag. "Miss Amorsolo, where.." "Huwag niyo po akong pipigilan Dr. Clemente." "And why not?" "Why not? Kung ibalik ko po kaya sa inyo ang tanong niyo? Why not tell us why you suddenly decided to go back to New York?" Matapos sabihin iyon ay nag madali na akong lumabas ng classroom kahit ilang ulit niyang pa akong tinawag. Nag simulang tumakbo na rin ako paalis ng Saint Agatha sa kabila ng mabigat na pag buhos ng ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD