Two Weeks Later..
"Oh, ikaw ng bahala sa bunso ko at mamamalengke muna ako. Kung pwedeng ayusin mo rin ang kilay pati pala tabas ng buhok dahil ako ang namomroblema sa mga split ends ng batang iyan."
"Surelaloo Madam. Ako ng bahala. Tingnan natin kung hindi mag laway ang mga kalalakihan sa anak mo."
"Naku Julio, bata pa 'yan kaya bawal pa. Magwawala ang tatay niyan kapag nagkataon. Light make up lang Julio ah. O siya, alis muna ako."
"Eh nay, hindi nga po ako pupunta."
"Anong hindi? Mahiya ka naman sa mga kaibigan mo, sagot na nga nila ang susuotin mo tapos hindi ka pupunta? At saka huwag ka ng mag maktol diyan. Ang tanda mo na."
Ano ba talaga? Kanina sabi bata pa ako. Ngayon naman matanda na. Haay.. Mukhang hindi ko na talaga mababago ang desisyon ni nanay kaya heto't naglakad nalamang ako palapit sa mag aayos sa'kin.
"Ba't ayaw mong pumunta?" Usisa ni Julio habang abala sa pag sha-shampoo ng aking buhok.
"May iniiwasan lang po."
"Jowa mo?"
"Naku hindi po. Napakalabong maging jowa ko 'yon."
Matapos kong mag walk out sa klase ni Dr. Clemente dalawang linggo ang makalipas ay naging usap-usapan ang sinabi kong pag alis niya sa Saint Agatha kung kaya't mabilis pa sa diarrheang kumalat ang balitang iyon. As expected ay maraming nalungkot lalo na't hindi lang sa school aalis si doc., aalis na siya ng Pilipinas at wala kaming idea kung babalik pa ba siya rito o hindi na. Kahit ganoon din ang ginawa ko kay Dr. Clemente na parang.. Hindi pala parang dahil pinahiya ko talaga siya sa harap ng klase namin ay malaki pa rin ang pasasalamat kong hindi niya ako isinumbong sa guidance kahit hanggang ngayon ay hindi pa ako humihingi ng tawad sa kaniya. Mukhang wala namang epekto sa kaniya ang nangyari base sa reaction niya. Mabuti nga 'yon dahil bukod sa pareho kaming umiiwas sa isa't isa ay unti unti ko na ring nakokondisyon ang utak kong iiwan niya na kami.. Ako. Ewan ko kung defense mechanism ba ito pero para sa'kin ay effective ito sapagkat noong last day niya ay parang normal na araw nalamang iyon sa'kin samantalang sa iba kong kamag aral ay may pa farewell tribute at gifts pa silang inihanda kay doc.
"Aysus, LQ kayo noh? Huwag ka ng mahiya, hindi ko naman sasabihin sa nanay mo eh."
"Wala pong LQ at wala rin pong kailangang sabihin kay nanay. Single po ako since birth at wala rin po akong balak mag jowa hangga't wala pa akong napapatunayan sa sarili at sa pamilya ko."
"Sabagay. Tama nga naman 'yan. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon kailangan talagang mag sumikap dahil kung hindi bukod sa mababaon sa utang, kumakalam rin na sikmura ang mapapala mo."
"Diba po? Kaya nga mabuti nalang at aalis na ang topakin kong professor."
"Oh.. Professor mo pala ang iniiwasan mo. Pinag iinitan ka?"
"Hindi naman po sa pinag iinitan. Hindi ko po kasi alam kung paano ko i-explain. Para po siyang hot and then cold, yes and then no, in and then out, up and then down. Wrong and then right."
"Pero walang kiss then make up? Babae ba ang professor mo?"
"K-kiss? W-wala pong ganun. Lalaki po siya."
"Ah.. Ba't parang kinabahan ka?"
"Hindi po ah." Sunod sunod pa akong umiling kay Julio lalo na't nag sisimulang mag replay na naman sa utak ko ang nangyari sa'min noon sa UFMC.
"Ang lakas maka Katy Perry pala ng professor mo. Lalaki ba talaga 'yan?"
"'Yun nga po eh, lalaking lalaki pero daig pa ang mood swing ng babae."
"Wirdo pala. Ganoon din ba siya sa iba mong kaklase?"
"Hmm.. Pansin ko po hindi. Sa'kin lang siya ganoon. Kung ganoon po siya sa mga kaklase ko malamang may simpatiya akong makukuha sa kanila kaso wala. Mahal na mahal nila ang McYummy nila."
"Haha! McYummy. Yummy nga ba talaga?"
"Ayaw ko man aminin pero opo, yummy po si professor."
"Naku, parang gusto ko tuloy bumalik sa pag aaral. Charing! Alam mo neng, kung ganiyan siya sa'yo 'di kaya type ka ng professor mo?"
"Po? Naku, malabo rin po 'yan. Ang dami pong magagandang babae riyan na pwedeng pwede at babagay sa kaniya. Wala akong panama sa level nila."
"Neng, hindi naman lahat puro pisikal na katangian lang ang hinahanap. Oo, una talaga nating mapapansin ang kagandahan panlabas pero aanhin naman ang pisikal na kagandahan kung nuknukan naman ng baho ang pagkatao ng taong iyon? Kaya huwag kang nega neng. Malakas ang paniniwala kong type ka ng professor mo. Hindi mo man nakikita ang dahilan pero sa kaniya malinaw na malinaw iyon."
Gustohin ko man maniwala sa sinabi ni Julio pero tama na.. Ayaw ko ng umasa at ayaw ko ng lumalim pa ang nararamdaman ko kay doc. Pagkatapos ng shampoo at pag papatuyo ng buhok ay sinimulan na ni Julio ayusin ang buhok ko. Ginupitan niya muna ang buhok ko gaya ng bilin ni nanay pagkatapos ay sinimulan niya ng plantsahin ito hanggang sa nag mukhang bagong rebond ang aking buhok. Kahit nga hindi niya na lagiyan ng style ay okay na okay na pero mas magugustuhan ko raw kapag tuluyan niya na raw naayos ang buhok ko. Habang abala rin siya sa buhok ko ay sinimulan naman ng kaniyang kasamahan dito sa parlor ang pag lalagay ng kolorete sa aking mukha. Dahil medyo may katagalan ang pag aayos sa'kin kaya hindi ko maiwasang antukin lalo na't kulang pa ako ng tulog. Bukod sa toxic kahapon sa ospital ay marami rin akong tinapos na requirements para sa mga subjects namin dahil malapit na namang mag exam.
"Konting tiis nalang neng, malapit ng matapos ito."
Hikab at thumbs up nalamang ang sagot ko kay Julio hanggang sa hindi nag tagal ay dumating na si nanay kasama si ate Candy. Pareho nilang bitbit ang mga pinamalengke nila at pareho rin silang may tig isang hawak na shake dahil napaka init ng panahon ngayon.
"Aba, anak ko ba talaga ang magandang dilag na 'yan?"
"Sabi ko naman sa'yo Madam eh. Pakalmahin mo nalang si mister mamaya kapag may umaaligid na rito sa anak ninyo."
Maging si ate Candy ay pinuri rin ang pagkakaayos ng buhok ko't pagkakalagay ng make up kung kaya't bukod sa bayad sa service ng parlor ay nag bigay din ng tip si nanay kila Julio at sa kaniyang kasamaha na ang pangalan pala'y Maja. Shortcut daw kasi ng maharot.
"Bilisan na nating makauwi para makapag bihis ka na."
Sa labas ng parlor ay nag aabang na pala ang sasakiyan ni kuya Mason kung kaya't hindi na kami namroblema ng sasakiyan pauwi. Nang tanungin ko si kuya Mason kung nasaan si Mabel ay kasama raw ito ng mama nila at kagaya ko ring dinala sa salon para mag paayos. Ang papa nalamang daw nila ang mag hahatid kay Mabel kung kaya't nag presinta na siya kila ate Candy na siya na raw ang mag hahatid sa'kin ng sa ganoon ay hindi ko na kailangang makipag siksikan sa public transportation lalo na't naka costume na akong pupunta ng Saint Agatha.
Pagkarating ng bahay ay nag tulongan sila ate Candy at nanay na maisuot sa'kin ang isang baby blue silk gown habang si tatay ay panay picture lamang ang ginagawa. Parang hindi tuloy Halloween party ang pupuntahan ko, nag mumukha tuloy akong debutante o kaya naman dadalo ng prom. Bago rin umalis ay pinabaunan pa ako ng pepper spray ni tatay kontra raw sa mag aaya sa'king sumayaw mamaya pwera kay Cholo.
"Grabe anak, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang dalaga ka na. Kayo ng ate Candy mo. Napaka swerte ko na kayo ang mga anak ko. Kayong dalawa talaga ang tunay kong kayamanan."
"Eh di ibig sabihin ba 'tay ibabaon mo kami sa lupa?"
"Maloko ka talagang bata ka. Ibabaon ko sa lupa ang gustong manakit sa inyo."
Kitang kita namin ang pag lunok ni kuya Mason sa sinabi ni tatay kaya naman hindi namin maiwasang magkatawanan lalo na ng agad siyang mag paalam na sa labas nalamang daw siya mag hihintay. Isang halik sa pisnge ang ginawad ko kila nanay at tatay hanggang sa tuluyan na akong lumabas ng aming bahay. Sa kalagitnaan ng byahe ay naisipan ko munang umidlip sapagkat nag sisimula na naman akong humikab. Tutal abala namang nag uusap ang mag jowa sa harapan at hindi ako maka relate kung kaya't ipinikit ko nalamang ang aking mga mata. Sa sobrang antok ay hindi ko na namalayang nahuli na pala ako ng dating sa school dahil inabot kami ng traffic. Maraming missed calls na rin sila Alyson at Cholo kung kaya't nag chat nalamang ako sa GC naming tatlo na kararating ko lang at papunta na ako sa venue.
"Anong oras matatapos ang party niyo?"
"10:00PM ate pero 11:00PM mo nalang ako sunduin."
"Sige. Dito ka nalang ulit namin hintayin. Enjoy."
Saglit muling inayos ni ate Candy ang buhok ko dahil medyo nagulo ito habang natutulog ako kanina bago ibinigay sa'kin ang aking maskara. Buti na nga lang at hindi lang ako ang nahuli sa party kung kaya't hindi naman ako natakot mag lakad mag isa hanggang sa tuluyan kong narating ang venue kung saan hindi lang mga estudyante ang dumalo, maging empleyado rin ng Saint Agatha ay nandito rin at nakasuot din ng costume.
"Candice?"
Sa kabila ng malakas na music na nang gagaling sa speakers ay agad kong nakilala ang boses ni Elijah kung kaya't lumingon ako sa kaniya. Hindi ko maiwasang matawa sa kaniyang itsura ngayon hindi dahil sa suot niyang suit and tie pero dahil sa pekeng stubbles at bigote niya.
"Anong nangyari sa'yo?"
"What do you mean anong nangyari? Hindi mo ba nakikilala ang inyong Tony Stark for tonight? Haha!"
"Kaya pala kahit gabi na eh naka sunglasses ka pa. Asan ang maskara mo, Iron Man?"
"Nandoon kila Jec. Hiniram. Pero ba't 'di mo sinabi sa'kin na ganiyan pala ang susuotin mo?"
"Haah? Bakit? Pangit ba?"
"Heck no. You look gorgeous, Candice. Everything from head to toe. You're like a Juliet but without a Romeo tho. Just a Tony Stark."
Natatawang umiling ako sa sinabi ni Elijah hanggang sa hindi inaasahang nahuli ko ang isang pares ng mga matang nakatingin sa direksyon ko.

Kahit napapalibutan siya ng ibang estudyante't faculty members ay angat pa rin ang presensya ni Dr. Clemente sa lahat lalo na't bagay sa kaniya ang suot niyang coat. Mukha siyang.. Mukha siyang Romeo Montague actually. Panandalian lamang ang pagtatama ng aming mga mata dahil agad din siyang nag baba ng tingin ng madakip ko siya. Mukha rin siyang kinakabahan o balisa kaya naman tinanong ko si Elijah kung kanina pa si Dr. Clemente rito.
"Medyo. Akala ko nga hindi na pupunta si doc. Pero heto't, pinakilig niya na naman ang mga taga hanga niya rito sa Saint Agatha."
Nang ibalik ko ang paningin kay Dr. Clemente ay nakita kong kinausap niya saglit ang mga kasamahan niya sa faculty bago niya ito iniwan at nag simulang mag lakad. Sa gitna ng mga nag lalarong ilaw, patuloy na party, at iba't ibang kulay ng costumes sa crowd ay tinahak niya ang daan patungo sa direksyon ko. S-sa direksyon ko ba kamo? Mukhang oo nga. Nag mistulang slow motion tuloy ang lahat para sa'kin lalo na ng huminto si Dr. Clemente sa harapan ko at ngumiti.
"Hello Candice."