Ilang segundo na nga ba kaming nagtititigan lamang ni Dr. Clemente? Wala ni isa sa'ming gustong bumitaw kung kaya't si Elijah na ang naunang bumasag sa katahimikan namin ni doc at doon ay pareho kaming natauhan na animo'y kagigising lang mula sa isang hipnotismo.
"May kailangan kayo doc. Kay Candice?"
Pansamantalang inalis ni Elijah ang suot niyang sunglasses at tinitigan si Dr. Clemente bago kinuha ang aking kamay at hinawakan na siyang ikinagulat ko. Hindi rin ata inaasahan ni doc ang ginawa ni Elijah kung kaya't kita ko ang pag igting ng kaniyang panga habang nakatutok sa magkasalikop naming kamay ni Elijah. Dahan dahan kong binabawi sana ang kamay ko kaso lalong hinawakan lamang iyon ni Elijah.
"Nothing. I just want to say you.. You both look great."
"Thanks doc. Sige po, maiwan ka na namin. Let's go Candice."
Bagama't magka holding hands kami ni Elijah kaya naman pareho na naming iniwan si Dr. Clemente at nag simulang mag lakad patungo sa pwesto kung saan ang mga kaklase namin. Nandoon din sila Alyson at Cholo na parehong kumakain ng tornado potato ngunit pansamantala silang tumigil para salubungin ako with all smiles dahil bagay na bagay daw sa'kin ang napili nilang damit. Naging tampulan din kami ni Elijah ng tukso lalo na't hindi pa rin binibitawan ni Elijah ang kamay ko.
"Don't mind them Candice. Anyway, kumain ka na?"
"Hindi pa nga. Ayaw akong pakainin nila nanay kanina. Natakot silang hindi magkasya itong damit sa'kin."
"Haha! Sila tita talaga. Tara, kain na tuloy tayo. Hindi pa rin ako kumakain. Sagot kita."
"Na naman?"
"Naman. Ako ang partner mo ngayong gabi diba kaya dapat lang na ilibre kita."
"Naku, salamat Elijah ah. Hayaan mo, balang araw makakabawi rin ako sa'yo."
"Looking forward. So, tara?"
"Yep, tara na't mahirap himatayin dito ng dahil sa gutom."
Kagaya ng napagkasunduan namin ni Elijah ay pinili naming kumain muna habang ang ibang kaklase namin ay abala sa iba't ibang activities dito sa party. May ibang nag tungo sa haunted classrooms, may ibang nakapila sa photo booth, may iba ring nag sasayaw, at kung ano ano pa. Sa isang maid cafe napili ni Elijah na kumain kung kaya't sinalubong kami ng isang maid na naka lolita costume at iginiya sa isang table.
"One black spaghetti, chipotle burger, red velvet cake, and cranberry juice. Sa'yo Candice?"
"Doblehin mo na. Mukhang masarap ang mga inorder mo."
"Then double the order please. Thank you."
Matapos makuha ng maid ang order namin ay agad na niya na itong inasikaso kung kaya't habang nag hihintay ay panay kwentuhan naman kami ni Elijah tungkol sa mga ganap sa'min dito sa Saint Agatha at sa ospital.
"Alam mo bang doon sa floor mo ay merong white lady?"
"H-haah? S-saan mo naman nalaman 'yan?"
"Usap usapan ang mga kababalaghan last week sa recovery room kaya doon ko nalaman. Mas nakakatakot nga raw yung sa inyo kumpara sa'min although wala pa naman akong nakikita so far."
"Bakit mas nakakatakot?"
"Sabi nila bukod sa mapaglaro si ate white, maririnig mo rin minsang umiiyak o tumatawa."
"Ano ba 'yan. Tama na Elijah. Baka hindi ako makatulog niyan mamaya eh. Araw pa naman na ng mga patay sa susunod na araw."
"Matatakutin ka pala."
"Medyo. Yung horror movie nga na pinanuod namin noon ni doc.."
"Doc?"
Patay! Mukhang hindi na ata makapag hihintay ang araw ng mga patay sa'kin lalo na't naging curious na si Elijah. Mag fo-follow up question na sana siya ng biglang sumulpot naman sila Alyson at Cholo kaya nakahinga ako ng maluwag ng naupo at nakisali na rin sila sa table namin.
"Kayo ah. 'Di niyo naman sinabing date pala 'to at hindi Halloween party." Ani ni Alyson na kasalukuyang nag hahanap ng ma-oorder sa menu ng cafe."
"Hindi naman kami nag de-date. Nagkataon lang pareho kami ni Elijah na hindi pa nag hahapunan kaya andito kami. Kayo? Kumain na ba kayo?"
"Oo na at kakain ulit kami. Kanina pa kami nag lilibot at panay food trip lang ang ginawa namin. Mamaya pagkatapos natin dito manuod tayo ng live band." Ani naman ni Cholo.
"Talaga? Anong banda?" Tanong ni Elijah. Haay salamat at mukhang nakalimutan niya na ang sinabi ko kanina.
"Walang sinabi kung anong banda eh. Surprise raw." Sagot ulit ni Cholo at ngayo'y pumipili naman ng kaniyang kakainin.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang order namin ni Elijah kung kaya't nauna na kaming kumain. Sa isang iglap ay naglaho rin ang pinipiglan kong antok ng dahil sa chipotle burger na nakakabuhay ng kaluluwa sa anghang kaya kinailangan ko pang umorder ulit ng juice at humingi ng isang basong tubig para maibsan ang nag iinit kong dila. Nang pare-pareho na kaming natapos kumain ay inabot sa'min ni Alyson ang dalawang candy na breath freshner para raw hindi dumikit sa hininga ang mga kinain namin.
"Photobooth tayo?"
Sa pangunguna ni Alyson ay sabay sabay kaming pumunta ng photobooth para sa individual pictures at group picture. Hindi lang sa photobooth natapos ang pag lilibot namin dahil sunod na pinuntahan namin ay ang haunted classrooms na kahit ayaw ko sanang sumama ay wala akong nagawa dahil parehong hawak nila Cholo at Elijah ang braso ko samantalang sa unahan naman si Alyson. Bilib na talaga ako sa lakas ng loob ng babaeng 'to, mukhang yung mga mananakot pa ang natatakot sa kaniya. Sa awa naman ng Diyos ay nasurvive namin ang spooky experience kung kaya't may pumpkin keychain souvenir kaming nakuha pagkalabas namin.
"Sound check. 1,2,3."
Mag sisimula na ata ang live band dahil mula rito sa kinatatayuan namin ay natatanaw naming inaayos na ang stage. Nagkaroon din ng testing ng instruments kung kaya't si Elijah naman ngayon ang nanguna habang nakasunod kami sa kaniya papuntang gymnasium kung saan tutugtog ang banda. Hindi pa man kami nakakarating sa venue mismo ay hiyawan na ang naririnig namin. Nang makita kung sinong banda ang nasa unahan ay hindi na kami nag taka kung bakit ganito ang excitement ng madlang people.
"Hello again Saint Agatha. Kami po pala ang Bandwagon."
Ang Bandwagon ay alumni ng Saint Agatha na sumikat sa Youtube dahil sa iba't ibang song covers nila. Kung saan saang panig na rin ng Pilipinas sila nakarating para mag perform at mga concerts kung saan naging opening act sila kung kaya't laking tuwa nalamang namin na nandito silang muli sa Saint Agatha. Sa pangunguna ni Haku ang lead vocalist/guitarist nila ay sinimulan nilang tugtugin ang Elisi ng Rivermaya na siyang nag pasikat sa kanila sa Youtube. Tuloy tuloy ang saya at tugtugan hanggang sa sinuri ni Haku ang audience at may itinuro sa unahan.
"Sir, baka gusto mong umakyat dito sa stage."
Umayaw ata ang itinuro ni Haku kung kaya't nag simulang mag chant ang ibang estudyante ng "go, sir." Dahil nasa parteng likod kami ng gymnasium kung kaya't hindi namin makita kung sinong sir ang tinutukoy ng madlang people. Dala ata ng pressure kaya kalaunan ay pumayag na ito at umakyat ng stage.
"Kaya naman pala."
Ani ni Elijah na halatang hindi natuwa ng makita ulit si Dr. Clemente. Saglit na nagpalitan ng pag uusap sila doc at Haku hanggang sa tumango si Haku at kinausap naman ang kaniyang mga kabanda. Sa pangunguna muli ni Haku ay nag simulang tumugtog sila ng isang awiting pamilyar at malapit sa akin habang nakahawak naman si doc. sa mikropono na nakalagay sa mic. Stand at sinuri ang audience.

(B.M: Baliw by SUD)
"Sa'yo lang ako naging ganito.
Para bang nasira'ng ulo ko.
Pader ng puso ko, unti-unting
Bumibigay, sinisira mo.."
Sa isang iglap ay lahat ng alaala habang pinag iisipan at sinusulat ko ang aking mga love letter para kay Dr. Clemente ay nag balik. Noong unang iniwan ko ito sa kotse niya, noong masilayan ko ang ngiti niya matapos basahin ang love letter na pinag didiinan ko pa noong crush letter lamang. Hindi lamang 'yon at maging ang mga masasayang pagsasama namin ay nag flashback din gaya ng una naming pagtatagpo sa traffic, noong naging stalker kami ni ate Candy, nang umawit siya sa Intramurals, nang pumunta siya sa bahay para lang magkaayos kami, at marami pang iba.
Kung ang lahat ay natutuwa't kinikilig ako naman ay nag sisimula na namang manlabo ang paningin habang pinapanuod si Dr. Clemente sa stage. Ganito ba ang pag mamahal? Kung oo ay inaamin ko na ngayong mahal ko ang nag iisang Austin Clemente at napakasakit ang katotohanang aalis na siya.
"Sa'yo lang
Nabaliw
Sa'yo lang
Nagkaganito
Sa'yo lang naramdaman ng puso ko lahat, sa'yo.. "
Habang kumakanta ay kung saan saan lumilingon si doc hanggang sa natagpuan niya na ang kaniyang hinahanap. Patuloy pa rin siyang umaawit ngunit sa pagkakataong ito ay kinuha niya na ang microphone sa mic stand at nag lakad pababa ng stage. Sa gitna ng audience ay dumaan si Dr. Clemente kung kaya't ang isang spotlight ay dahan dahan siyang sinusundan. Maging ang mga mata ng mga manunuod ay nakasunod din sa kaniya kung kaya't halos lahat sila'y nagulat ng tumigil sa tapat ko si Dr. Clemente at maingat na inilagay ang kaniyang kamay sa aking pisnge.
"Let's go somewhere we can be alone, Juliet?"
Walang pag aalinlangang tumango ako kaya naman ipinasa na ni Dr. Clemente kay Elijah ang hawak niyang microphone saka hinawakan ang kamay ko para igiya ako palayo sa gymnasium. Sa chapel ng Saint Agatha kami tumigil kung saan nag i-illuminate ang liwanag ng buwan sa loob at nag sisilbing ilaw namin.
"Hi."
"Hello po."
Pareho kaming ngumiti sa isa't isa lalo na ng punahin niya ang pag gamit ko ng "po" sakaniya.
"I'm sorry Candice. For everything."
"Sorry din po kung pinahiya ko po kayo sa klase noong huli, sa lahat ng abalang ginawa ko sa inyo. Sorry po sa.."
"Hush now Candice. You wouldn't be in those situation if it wasn't because of me. You're incredible Candice that's why I am so guilty for taking advantage of your kindness and innocence."
"Ako po ba ang dahilan kaya ka po aalis na rito sa Saint Agatha? Dito sa Pilipinas?"
"Of course not. Honest to goodness I never thought teaching could be so fun and great."
"Kung ganoon po ba't kailangan mo pang umalis?"
"Let's just say I want to become better.. I mean, not better but the best doctor in town and New York is the answer to that."
Tanging tango nalamang naisagot ko sa kaniya dahil sino ba naman ako para pigilan siya lalo na't kung para sa ikabubuti niya ang pag alis ng Pilipinas. Marami rin siyang ibinilin sa'kin at kapag handa na raw akong mag trabaho sa UFMC ay tutulungan niya pa rin daw ako.
"Maraming salamat doc. Pero sa tingin ko hindi na po ako tutuloy ng UFMC."
"Why? Was it because of the kiss?"
"Hmm.. Isa na rin po 'yun."
"Oh. I see."
Pareho kaming bumalik ulit sa katahimikan hanggang sa naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay isang text message pala galing kay ate. Nasa labas na sila para sunduin ako. Sa mga nangyari sa'kin ngayong gabi ay hindi ko na namalayang 11:00PM na pala.
"Mauna na po ako doc. Maraming salamat po sa lahat at masaya po akong nagkakilala tayo."
"S-same here, Candice."
Akamang aalis na sana ako ng biglang hawakan ni doc. Ang braso ko rason para lumingon ako sa kaniya.
"Bakit po?"
"I'm thinking.. Since you don't consider UFMC anymore and I'm no longer your professor then might as well do this again."
Sa isang kabig niya ay muli kong natagpuan ang aking sariling nilulunod ng kaniyang halik. Halik na nagsasabing tuluyan na siyang mag papaalam sa'kin.