Sa isang suite ko naabutang nag papahinga si ate Candy. Katatapos palang ng training kaya kararating ko palang rito sa hospital room niya at sa awa ng Diyos ay nasa maayos ng kondisyon ngayon sila ate at ang kaniyang baby. "Aside from bruises, the patient got a low-grade sprained ankle also so hindi muna makakalakad ng maayos pansamantala si misis." "Ah. Ang importante walang nabaling buto sa kaniya o major injury siyang natamo." "Thankfully talaga lalo na't buntis si misis. Mag pasalamat din tayo na hindi siya nakunan. Unang anak niyo po, Mr. Ildefonso?" Habang nakikipag usap si kuya Mason sa doktor ni ate ay pasimple namang tinawag ako ni Doc Austin at inayang lumabas kung kaya't pansamantala ko munang iniwan sila at sumunod kay doc. Pagkalabas ng hospital room ay magsasalita na san

