Nag mistulang déjà vu ang nangyari sa'kin kanina nang pumasok si Doc Austin sa training room bilang lecturer namin. Yung paraan ng pag gala ng paningin niya sa kabuohan ng training room, yung pag ngiti niya sa'kin ng makita ako, yung biglaang pag tuturo niya dahil naka bakasyon daw ang dapat sanang mag le-lecture sa'min at higit sa lahat ang pa-surprise quiz niya. Although hindi na kasali sa déjà vu ang exemption offer niya sa'kin noon ay binigyan niya naman ako ng pilyong ngiti ng makita ang kulay pink kong papel na ginamit sa quiz. Hindi ko tuloy malaman kung mahihiya ako dahil sa alaala ng karupukan ko noon o maaasar dahil nakaka asar ang ngiti niya. "One hundred eighty-six po." Pagkaabot ng bayad sa cashier ay kinuha ko na ang inorder kong pagkain at nag hanap ng mauupuan. Kaso pag

