Mag aalas dose na ng hating gabi pero buhay na buhay pa rin ang aking diwa sapagkat hindi pa rin ako makapaniwalang may trabaho na ako. Sa dinami dami ng pinag pasahan ko ng résumé ay sa wakas may tumanggap na rin sa'kin. Ang kaso imbes na matuwa ay palpitation tuloy ang inabot ko. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung yung inaakala mong taong wala na rito sa Pilipinas ay makikita mo't makakusap mo pa.
Pagkatapos naming dalawa makabawi sa gulat ay tinanong niya ako kung ano raw ang ginagawa ko sa UFMC. Nakakahiya man sabihin pero sinabi ko pa rin sa kaniyang nag hahanap ako ng trabaho at mag aapply ako sa kanilang ospital. Bagama't alam ni doc na wala na sa plano ko ang UFMC kung kaya't medyo kumunot ang noo niya pero tumango tango naman siya.
"First job?"
"Yes po doc. Kung papalaring makapasok."
"I see. Do you have with you the necessary documents like transcript of records, diploma, proof that you're a registered health care professional, and such?"
"Opo doc. Dala ko na po lahat dito sa folder ko."
"And when can you start?"
"Anytime po. Kailangan ko na po kasi ng trabaho."
Muli ay tumango siya saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa bago ibinalik ang tingin sa aking mukha. Somehow nakaramdam tuloy ako ng panliliit dahil bukod sa kinain ko ang sinabi ko sa kaniya noon sa chapel ng Saint Agatha ay napaka formal niya rin kung maki usap sa'kin. Hindi kagaya noong estudyante niya pa ako na madalas siyang ngumiti, ngayon ay seryoso lamang ang kaniyang maamo at mas gwapo niyang mukha. Oo mas gwapo siya ngayon, kumbaga from boy next door look mas manly na ang kaniyang features. Yung broad shoulders niya, toned physique, well-defined jawline, nose bridge na parang Mount Everest, manipis na labi, makinis na kutis, at ang bango bango pa.
"Miss Amorsolo?"
"Y-yes po doc?"
"I'm asking if you're willing to start tomorrow."
"Ah.. Opo. Opo naman. Willing na willing po. Sa katunayan nga kahit ngayon ready na ako."
"Of course you are. Well then, good luck."
"Ahm.. Thank you po."
"Right. See you around. Lalaine, take care of Miss Amorsolo for me."
Sa oras na iyon ay doon ko lamang muling nasilayan ang kaniyang mga ngiting nagpabihag noon sa puso kong murang edad. Itinaas niya rin ang kaniyang kanang kamay bago nag simulang humakbang paalis. Nang tuluyan na siyang nawala ay ibinalik kong muli ang aking atensyon sa front desk at kinuha ang visitor's pass.
"Wait Ma'am."
"Bakit po?"
"Tatawagan ko lang po ang HR para ihanda na nila ang checklist mo. If you can provide me also your body measurement that would be helpful para matawagan ko na rin ang tailor ng UFMC or do you prefer na puntahan nalang sila?"
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?"
Ngumiti sa'kin si ateng front desk na ang pangalan ay Lalaine at sinimulang i-explain sa'kin ang nangyari kanina. Hindi ko akalain na sa simpleng "see you around" ni Dr. Clemente ay hudyat na pala na pasok na ako ng UFMC.
"Bukod po sa pagiging doctor niya rito sa UFMC ay inassign din po siyang HR business partner ng mga bosses kaya sabihin na nating napadali na po ang pag hire sa inyo."
"G-ganoon po ba? May trabaho na ako?"
"Yes Ma'am. Congratulations po and welcome to UFMC."
At 'yun na nga, pagkatapos kong makuha ang checklist sa HR ay dumiretso na ako sa tailoring room ng UFMC para mag pasukat ng uniform bago ko inasikaso ang iba pang requirements na kakailanganin sa first day ko sa ospital. Nang makauwi ay kaagad kong ibinalita kila tatay at nanay na may trabaho na ako. Syempre, tuwang tuwa sila dahil bukod sa may trabaho na ako ay UFMC pa ang employer ko. Sa sobrang tuwa nga nila tinawagan din nila si ate Candy kaya humirit naman siya kaagad sa'kin ng Taco Bell.
"Taco Bell? Kumakain ka na ngayon ng tacos?"
"Kailangan. Anong magagawa ko kung 'yun ang gusto ng pamangkin mo?"
Nang marinig namin ang huling sinabi ni ate Candy ay pare-pareho kami nila tatay at nanay nanahimik at nag palitan ng mga tingin hanggang sa unti unti ng pumapasok at naiintindihan namin ang ibig sa bihin ni ate Candy kaya double celebration tuloy ang nangyari. Mas natuwa pa nga ako sa balitang buntis na ang ate Candy ko kesa sa may trabaho ako kaya naman kaagad akong pumayag sa kaniyang hirit na Taco Bell sabay abot na rin ng pag bati sa kaniya at kay kuya Mason.
"Salamat po sa lahat Lord. Good night po."
Bago tuluyang matulog ay siniguro ko muna ang mga kagamitan at susuotin ko para bukas. Nag alarm na rin ako ng sa ganoon ay hindi ako mahuli sa pag gising saka inilagay ang cellphone ko sa katabi ng aking unan at ipinikit ang aking mga mata.
--------------------------------------------------------------
"Hindi pa rin ako makapaniwalang dito ka mag tatrabaho." Pinagmasdan ni Elijah ang exterior ng UFMC pagkatapos niyang itigil ang kaniyang motorsiklo malapit sa entrance ng ospital.
"And I can't believe na bumalik pala ng Pilipinas si Dr. Clemente. Anong ginawa niya sa New York? Bakasyon?"
"Pwede at pwede ring hindi. O siya Elijah, papasok na ako ah."
"Candice, wait."
Pagkababa ko ng motorsiklo ay agad na hinuli ni Elijah ang aking kamay at dinala niya ito sa kaniyang bibig para dampian ng isang halik. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka lalo na't halata sa kaniyang mukha ang pag aalala.
"Mahal mo naman ako diba?"
"Oo. Sasagutin ba kita kung hindi?"
"Oo nga naman. I'm sorry for asking."
"Elijah, kung ano man ang naramdaman ko noon kay Dr. Clemente ay puppy love lang 'yun. Wala kang dapat ikabahala, okay?"
"Wala naman talaga akong dapat ikabahala sa'yo. Kay Dr. Clemente ako nababahala. Alam mo naman ang taong 'yun, hindi mo malaman ang takbo ng utak. Kung mag apply din kaya ako rito sa UFMC? Registered nurse na rin naman ako."
"Ikaw talaga. Nandito man si doc pero sa laki ba naman ng UFMC I doubt na pareho kami ng department na pagtatrabahuhan. Isa pa, baka may girlfriend o asawa na rin siya dahil hindi na siya bumabata kaya relax ka lang lalo na't ilang araw nalang mag bubukas na ang coffee shop mo."
Pareho kaming ngumiti sa isa't isa at bago ako tuluyang mag lakad patungo sa entrance ng ospital ay ginawaran naman ni Elijah ng mabilisang halik ang aking labi na siyang ikinagulat ko dahil nasa pang publiko kaming lugar. Hindi pa kasi ako sanay sa ganito kaya nakakapanibago at nahihiya pa ako. At dahil nahihiya nga ako kung kaya't nakayuko akong nag lakad papasok ng ospital.
"Good morning Miss Amorsolo."
Nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa apelyido ko ay agad akong nag angat ng ulo at natagpuan si Dr. Clemente na kasabay kong naglalakad at may dalang isang venti size coffee. Hindi gaya kahapon na nakasuot siya ng long sleeves with necktie at trousers, ngayon ay nakapailalim sa kaniyang doctor's coat ang isang sky blue scrub suit.
"Good morning din po doc."
"I saw Mr. Pangilinan outside. Is he planning to apply as well?"
"Hindi po. Hinatid niya lang po ako."
"Oh. So you're still friends huh?"
"Hindi rin po. Boyfriend ko na siya."
"Boyfriend?"
Bahagyang tumaas ang boses ni Dr. Clemente sa nalaman kaya hindi ko maiwasang lumingon sa kaniya. Kitang kita ko ang gulat sa kaniyang mukha na sinundan ng pag sasalubong ng kilay hanggang sa dinala niya sa kaniyang bibig ang hawak niyang paper cup na nag lalaman ng kaniyang kape saka uminom.
"Okay lang po kayo?"
"Uhm.. Yeah, I'm fine. I guess.. Uhm.. I didn't expect that you and Mr. Pangilinan will end up together."
Hindi lang po ikaw ang lalaki sa mundo kahit pa ang gwapo niyo, matalino, mabango, mayaman, may abs, may.. Teka, ano ba itong pinagsasasabi ko? Erase erase. Ngumiti nalamang ako kay doc at kinuha ang pagkakataong mag pasalamat sa kaniya dahil tinanggap niya ako sa UFMC ng walang kahirap hirap.
"Don't mention it. I told you before you belong here and I'm glad you changed your mind."
"Okay lang po ba talagang wala akong exam o kahit interview?"
"You were interviewed. I did your interview yesterday, right?"
"'Yun na po 'yun? Ni walang 'tell me about yourself' or 'how do you see yourself five years from now'?"
"Nah, that's just a waste of time. You are.. I mean.. You were my student so I know your capabilities. You nailed the requirements to be honest. You're now a registered nurse, you accumulated experiences from your affiliation and by volunteering, you have great communication skills both written and oral based from your class performance, you can work under pressure just like what you did when we deliver a baby, and lastly you confirmed to me you can start asap so here you are."
"Salamat po ulit doc. Kahit sinabi ko noong hindi po ako mag aapply dito sa UFMC tinanggap niyo pa rin ako."
"That's because you are an asset and this time I will not let go of you, Candice."
Seryoso at may diin niyang pahayag bago may tumawag sa kaniyang isang lalaking naka suot ng business attire kung kaya't kinailangan niya ng mag paalam sa'kin at lumapit sa tumawag sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang lalaking naka business attire rito sa UFMC pero sa tingin ko'y mataas ang katungkulan niya sa ospital dahil panay ang bati ng mga empleyado sa kaniya hanggang sa narinig kong binati rin ito ni Dr. Clemente.
"Hi Uncle Vale, good morning."
"And good morning to you too Austin. Am I disturbing your sweet talk with your 'friend'?"
"Please don't start that again, Uncle Vale. She's my former student in Saint Agatha and now part of the hospital staff."
"Is that so? Then I'm glad we have added another beauty to our workforce."
Parehong lumingon sa'kin ang lalaking naka business attire at si Dr. Clemente kung kaya't dali dali akong nag bow at nagtungo na sa front desk para makakuha ulit ng pass. Mamaya pa kasing 1PM ang schedule ko para sa picture taking sa ID ko kaya pansamantala munang binigyan ako ng temporary ID ng sa ganoon ay may access na ako rito sa loob lalo na sa conference room kung saan gaganapin ang new hire orientation. Binigyan din ako ng instruction ng front desk na idaan ko na muna ang requirements ko sa HR bago dumiretso ng conference room para mafile na ng HR sa database ang information ko at para maready na rin ang aking payroll account.
Akmang tutungo na sana ako sa elevator ng daanan ako nila doc at ng kasama niya kaya isa na namang "see you around" ang nakuha ko mula sa kaniya bago silang dalawa tuluyang nakalayo.
"Alam mo ba Miss Lalaine kung ano na naman ang ibig sabihin ng see you around ni doc?"
"'Yan ang hindi ko na alam Ma'am Candice. Hired ka na kasi eh. Sorry po."
"Okay lang po. Sige, una na ako. Salamat."
See you around. Hindi kaya magiging katrabaho ko siya? Nagtataka man ay pumunta muna ako ng HR para mag iwan ng requirements bago dumiretso ng conference room para sa orientation. At kapag gumana nga naman ang women's intuition, kaya pala see you around dahil magkikita nga ulit kami sa iisang department. Araw araw pa.