"Alis na po ako nay, tay."
Paalam ko sa aking mga magulang sabay halik sa kanilang pisnge. Maaga palang ay handang handa na ako para simulan ang panibagong yugto ng aking buhay, ang pag hahanap ng trabaho. Bago rin tuluyang lumabas ng bahay ay siniguro kong dala ko na ang lahat ng aking dokumento ng sa ganoon ay ready na rin akong mag simula anytime, anywhere.
"Katatapos lang ng oath taking mo kahapon ah. Hindi mo naman kailangan mag madali anak."
"Tama ang tatay mo Candice. Hindi ka naman namin pinipressure na makapag hanap kaagad ng trabaho."
"Okay lang po. Ilang buwan na po ba akong nasa bahay? Tatlo? Panahon na para ako naman po ang mag trabaho at makabawi sa inyo."
"Ikaw talagang bata ka, sino naman ang nag sabi sa iyong kailangan mong bumawi sa'min? Wala naman diba? Ang lahat ng ginawa namin para sa iyo ay parte ng pagiging magulang namin. Maswerte na rin kaming tumulong ang ate Candy mo sa pag papaaral sa'yo kahit hindi naman kailangan."
"Maraming salamat po talaga tay pero hindi niyo pa rin po ako mapipigilan. Mag hahanap na po talaga ako ng trabaho ngayon. Gusto ko po kasing makapag ipon. Balak ko pong mag out of town kasama kayo."
"Aba, saan mo kami balak dalhin?"
"Kayo po, kung saan niyo gusto. Matagal na rin po kasing 'di kayo nakakaluwas ng Manila kaya wala naman sigurong masama kung minsan eh mag bakasyon din tayo."
Simula ng tumuntong ako ng kolehiyo ay sinikap nila tatay, nanay, at ate Candy na mag tipid at mag ipon para makapag tapos lamang ako kaya naman ilang taon na rin kaming hindi nakakapag bakasyon sa labas ng Manila. Noong nasa elementary at high school pa ako ay may mga pagkakataon pa kami noon na umuuwi sa mga kamag anak namin sa probinsya pero dahil nga sa mahal ang mag aral ng bachelor's degree sa isang private school plus capping ceremony, affiliations, at itong katatapos lang na board exam at oath taking kung kaya't parang panibagong simula na naman ito para sa aming pamilya na makapag ipon.
"Basta dito lang po muna sa Pilipinas ah. Kapag napromote na po ako saka na tayo mag out of the country. Hehe!"
"Sayang, iniisip ko na sana ang Bali, Indonesia. Balita ko maganda raw doon. Haha!"
"Balang araw tay. Tiwala lang."
"Biro lang anak. O siya, kung hindi ka na talaga namin mapipigilan mag sige ka na para maaga ka rin matapos."
"Mag iingat ka Candice. Good luck."
"Opo 'nay. Salamat po sa inyo. Una na po ako."
Kumaway na ako sa kanilang dalawa at doon nag simula ang lakad ko para mag hanap ng trabaho. Hindi kagaya ng dati na kasama ko ang mga kaibigan ko, ngayon ay mag isa nalamang ako sapagkat may kaniya-kaniya na ring pinagkaka abalahan sila Alyson at Cholo. Si Alyson ay abala bilang content vlogger na hindi ko inaakalang papasukin niya habang si Cholo naman ay nag desisyong ipagpatuloy ang pag aaral para makakuha ng master of arts in nursing which is hindi nakapagtataka dahil 'nabanggit niya na ito sa'min noong bago ang graduation. Si Elijah gusto sanang sumama pero alam kong abala siya ngayon sa papalapit na pag bubukas ng kaniyang coffee shop kaya sinabi kong unahin niya na muna ang negosyo tutal dadaan naman ako sa kaniya mamaya bago umuwi.
Una sa listahan ko ay ang ospital kung saan kami nag simula ng clinical training kung kaya't hindi ko maitago ang excitement habang sakay ng bus patungo sa ospital. After two years ay makikita ko ulit sila Ma'am Manda at kung papalarin ay gusto ko sanang maging katrabaho sila. Marami kasi silang naituro sa'kin at ang pinaka nagustuhan ko pa sa kanila ay kahit gaano ka-toxic ang buhay sa ospital ay chill lang sila't nakukuha pa ring mag biruan kaya hindi nakapagtataka ba't ang daming admission sa kanila at marami rin silang natatanggap na pasasalamat mula sa watcher at pasyente.
"Bayad po."
Pagka abot ng bayad sa kondoktor ay bumaba na ako ng bus at nag simulang mag lakad. Habang nag lalakad ay may natatanaw akong pamilyar na mukha sa hindi kalayuan kaya tinawag ko siya habang patakbong papalapit sa kaniya.
"Ma'am Princess!"
"Candice?"
Tinanggal ni Ma'am Princess ang suot niyang sunglasses kaya doon niya lamang ako nakilala ng tuluyan. Kagaya ko ay natutuwa rin siyang makita ako hanggang sa ipinakilala niya ako sa kasama niya.
"Siya yung naikwento ko sa'yong estudyante ni Austin."
"Kilala niyo po siya?" Tanong ko kay sir DJ na napag alaman kong boyfriend ni Ma'am Princess at isa ring nurse.
"Oo. Madalas akong nakatoka sa kaniya noon sa UFMC. Medyo pasaway nga lang pero magaling si doc. Ang talino pa."
"Yummy din." Hirit ni Ma'am Princess sabay kindat sa'kin.
"Princess, sa harapan ko pa talaga?" Aniya ni sir DJ na hindi makapaniwala sa sinabi ni Ma'am Princess.
"'To naman, sinabi ko lang naman ang tingin nila Candice kay Austin. Tinatawag kasi nilang McYummy si Austin kaya ayusin mo na 'yang noo mo. Nga pala, ba't andito ka Candice? Mag papa check up ka ba?"
"Hindi po. Ang totoo po niyan mag aapply po sana ako ng trabaho rito."
"Oh. Oo nga noh, diba katatapos lang ng oath taking kahapon? Congrats pala ah. Welcome to the reality."
"Job hunting ka ngayon?" Tanong ni sir DJ.
"Salamat po. Opo, kailangan na po eh. Ilang buwan na rin po kasing nasa bahay lang ako."
"Sabagay. Ilang hospitals na ba ang napuntahan mo?"
"Ito po ang una. Balak ko pong mag iwan ng résumé muna sa mga hospitals. Maswerte na rin siguro kung diretso interview na."
"I see. Try mo rin sa UFMC. May kakilala ako sa HR kaya baka pwedeng i-schedule ka na rin for assessment and interview. Bigay mo nalang sa'kin ang full name mo."
"Ah.. Eh. Salamat po sir DJ pero hindi po ako mag aapply sa UFMC."
Parehong nagtatakang nagpalitan ng tingin sila sir DJ at Ma'am Princess sa sinabi ko kung kaya't bago pa sila mag tanong kung bakit wala sa option ko ang UFMC ay nag paalam na ako sa kanilang dalawa dahil kailangan ko pang pumunta sa ibang ospital para mag apply.
--------------------------------------------------------------
Isang linggo makalipas ang pag job hunting ko ay wala pa ni isang tawag akong natatanggap mula sa mga ospital na pinag bigyan ko ng résumé kung kaya't ang excitement kong nadarama last week ay unti unting napapalitan ng lungkot.
"Aalis ka ulit?"
Pansamantalang itinigil ni tatay ang pag aayos ng aming bintana ng mapansing bihis na naman ako't may bitbit na plastic envelope.
"Opo. Mag hahanap po ulit ng mapag aapply-an."
"Candice anak, inuulit kong hindi mo kailangang mag madali. Darating din ang tamang panahon para makapag trabaho ka."
Lumapit na rin sa'kin si tatay at niyakap ako ng mapansin niya ang lungkot sa'king mukha. Sino ba naman kasi ang hindi malulungkot kung ayaw kang bigyan ng chance ng mga employer. Hindi naman ibig sabihin fresh graduate eh wala ng alam at pabigat sa kumpanya. Lahat naman tayo nag simula sa wala ah.
"Bakit ganoon 'tay? Matataas naman ang grades ko sa school. Hindi man ako umabot sa pagiging c*m laude pero ilang beses naman akong nag dean's lister. Okay din naman ang rate ko sa board exam tapos marami rin akong pruweba ng trainings at seminars. Kulang pa rin po ba 'yun?"
"Hindi syempre. Mas higit pa sa sapat ang nasa sa iyo Candice pero huwag kang mawawalan ng pag asa. Siguro kaya wala ka pang tawag na natatanggap eh dahil may mas nakalaan pala sa iyong higit pa sa iyong inaasahan."
Mag dilang anghel nga sana si tatay. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko kung kaya't nag simula ako muling lumakad ng may determinasyon at pag asa ulit sa aking dibdib. Sa isang IT company ang una kong destinasyon ngayong araw dahil nakita ko sa kanilang website na kailangan nila ng company nurse. Wala naman silang sinabing required experience kaya nag lakas loob akong pumasok ng building para mag apply.
"Yes? How can we help?"
"Mag aapply po sana ako as company nurse."
"Oh, sorry Miss pero may nakuha na kami kahapon lang."
"G-ganoon po ba?"
"Sa website mo ba nakita yung job posting namin?"
"Opo. Doon nga."
"Hindi pa pala updated. Pasensya na ulit Miss sa abala."
"Walang ano man po. Pasensya rin po sa abala."
Haay.. Napabuntong hininga nalamang ako saka bigong lumabas ng building para mag tungo sa sunod na destinasyon ko subalit kagaya rin ng iba, either may nakuha na sila o kaya naman ay 'we'll just give you a call' ang tugon sa'kin. Sapagkat masyado ng mataas ang sikat ng araw at malapit na rin mag tanghali kung kaya't napag desisyunan ko munang mag break at kumain ng pananghalian sa isang fast food chain. Habang kumakain ay panay din ang pag hahanap ko ng job opening sa internet hanggang sa natigil ako sa isang ospital.
Requirements :
•Must be an active PRC registered nurse
•With experience is an advantage however fresh graduates are welcome to apply
•Good communication skills
•Can work under pressure
•Can start ASAP
Habang ngumunguya ay tumingin ako sa itaas saka ibinalik ang aking mata sa sa cellphone. Kahit siguro gaano kong pilit na umiwas ay mukhang dito talaga ang bagsak ko lalo na't mukhang sign na ito mula kay Lord.
"Sige na nga, susubok na po ako. Bahala na."
Kaagad ko ng tinapos ang aking pananghalian para makapag handa sa susunod kong pupuntahan. Habang papalapit din ako sa sunod na ospital na pag aapplyan ko'y lalong lumalakas din ang kabog ng aking dibdib hanggang sa natagpuan ko na ang aking sariling nakatayo sa labas ng napakagarang ospital ng UFMC. Dalawang taon na rin ang nakalipas simula ng madako ako rito kaya parang nakakapanibago na naman sa pakiramdam na nandito ako. Andito kaya siya?
"Imposible. Nasa New York na nga siya diba?"
Oo nga naman kaya parang natauhan tuloy ako. Bakit kailangan ko pang iwasan ang UFMC eh hindi na kami magkikita ng taong 'yun? Natatawa man sa sarili ay pinag masdan ko muna saglit ang labas ng ospital bago nag inhale exhale at nag simulang humakbang papasok ng UFMC. As usual ay sinalubong ako ng mga security guards pero hindi gaya ng ibang security guards na sumasalubong sa'kin kapag mag aapply ako, nakangiti ang mga ito sa'kin at hinatid pa ako sa front desk para sabihin ang pakay ko.
"Good afternoon Ma'am. We're glad you chose UFMC. First time to apply po?"
"Yes po."
"Alright. Here's your visitor's pass and you may proceed to the 4th floor po then right side pagkalabas mo ng elevator. Beside the chapel you will see the office of our HR department. Best of luck po."
"Thank you very much po."
Akmang aabutin ko na sana ang visitor's pass ko ng may isang nakaputing nilalang ang umantala sa'min ni ateng front desk kung kaya't pareho kaming lumingon dito.
"Have you seen my mom and Jan?"
"Yes doc. If not mistaken po nasa office niyo na po sila."
"Okay. Thank you."
Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ay hindi ko na napansing nakabukas na pala ang aking bibig dahil sa gulat lalo na ng lumingon din sa'kin ang doktor kong katabi. Maging siya ay nagulat din ata dahil ilang beses na kumurap pa ang kaniyang mata bago siya nag salita.
"Miss Amorsolo?"
"H-hello po Dr. Clemente."