E20- Watching from Above

1560 Words

Kinabukasan, maagang gumayak si Sheena. Nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang restaurant sa isla. Iyon ang ipinambubuhay niya sa kaniyang anak. Mabuti na lang at hindi pa nag-aaral si Aiden kaya hindi pa ganoon kalaki ang kanilang gastos. Pero sa susunod na taon, ipapasok na niya ito sa kinder. Habang hindi pa ito nag-aaral, isinasama niya ito sa kaniyang trabaho. Kinagigiliwan si Aiden ng mga customer nila sa restaurant dahil sa pagiging bibo nito. Parang lucky charm niya ito. Abala siya sa pagsi-serve ng mga customer ng araw na iyon. Halos hindi siya magkandaugaga sa kaliwa't kanang orders. Kung bakit pa kasi ngayon pa nataon na nagkasakit ang isang kasama nila. Ngayon, tatlo na lang silang waiters. Kulang na kulang sila sa dami ng customer. Ngunit imbes na mainis, ipinagpasalamat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD