Hindi ko tinanong si Aaron kung totoo nga ba na si Amanda ang bago niyang business partner. Gusto kong siya ang mag-open nito sa akin. "Something wrong?" tanong niya nang nakahiga na kaming dalawa. Napansin niya siguro ang pananahimik ko. "Wala naman. " sagot ko. Nakaunan ako sa dibdib niya. "I guess nagkita na kayo ni Amanda " sabi niya at bumuntong hininga. "Honestly, I don't like the idea na siya ang new business partner ko dahil alam ko na you don't like her. But what I have with Amanda is pure business. Hindi ko mahindian ang papa niya na ninong ko din. I'm sorry. " sabi nito. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Lagi mo ba siyang makakasama?" tanong ko ng nakasimangot. "Unfortunately, yes. Lalo na next week. " sagot niya. Napataas naman ang kilay ko. "Why?" tanong ko ulit sa

