"May I have this dance with you Miss beautiful ?"ulit nito at inilahad ang kamay nito sa akin. Napalingon naman ako kay Aaron . "Go. " sabi pa niya nang nakangiti. Kahit nag-aalangan ay inabot ko ang kamay ng lalaki. Giniya niya ako sa dance floor,at tamang-tama naman na mas naging sweet ang music. Hindi ko alam pero hindi ako komportable sa kasayaw ko ngayon. "Boyfriend mo?" tanong niya nang mapansin na kay Aaron ang atensyon ko kahit siya ang kasayaw ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Paano ko ba siya sasagutin? Naramdaman ko ang paghapit niya sa akin. Mas nakadikit na siya sa akin kesa sa normal na distance ng katawan ko sa kanya. Naramdaman ko rin na nasa may likod ko na ang isa niyang kamay, and I felt something. Parang ang bastos ng gesture niyang iyon. Ngumisi pa ito ng mapa

