Theressa "Hey wake up!" nagising ako sa tapik nito sa aking mukha. "Amanda." paos kong tawag sa pangalan niya, bumangon at naupo. "Get up and eat. Kailangan mo ng lakas kung gusto mo pang lumabas dito ng buhay." saad nito at naglakad papuntang pintuan. Sinundan ko ito ng tingin at huminto siya, hawak na ang doorknob. "And lastly, don't come out of this room no matter what you hear. Just stay here, and lock the door." saad nito at tuluyan ng lumabas. Napatingin ako sa pagkain na nasa maliit na mesa. Dahan - dahan akong tumayo at naglakad papunta doon at naupo. Akala ko ba ay hindi siya marunong magluto. Pero nitong nagdaang araw ay siya lagi ang nagluluto ng pagkain namin. At sa nagdaang araw ay narito lang ako sa kwarto na ito at nagpapahinga . Tinolang manok ang niluto niya ngay

