Aaron "We are all ready, at tulad ng plano maglalakad tayo papunta doon para hindi mapansin ang pagdating natin. Hindi pwedeng maalerto si Amanda na darating tayo, kaya dapat lahat tayo ay mag-ingat." bilin ni Adrian sa aming lahat na nandito. Lahat kami ay tumango at sumaludo pa ang iba sa kanya. Lumapit ako kay Adrian at ganoon din si Papa. " Sa likod lang kayong dalawa, at sana kapag nakarating tayo sa lugar ay huwag kang padalos-dalos na sumugod sa bahay Aaron. Tulad ng sinabi ko kanina, hindi dapat malaman ni Amanda ang pagdating natin. Baka kung ano ang gawin niya kay Theressa at hindi natin 'yon magugustuhan. "tumango - tango ako sa sinabi ni Adrian. Tinapik naman ako ni papa at tumango. " Good, now let's go. " nauna na ito at sumunod na kami sa kanya. Naglakad na kami at medyo

