CHAPTER 7

1150 Words
HABANG naghihintay kay Randolf, ay hindi ko maiwasang mag-alala. Saan kaya sila pumunta? Pagbaba ko kasi kanina ay hindi ko siya naabutan. Ang sabi ni Manang ay umalis silang dalawa ni Astrid. Parang may kung anong kumurot sa ibang bahagi ng aking dibdib. Parang hindi ako makahinga. Naiisip ko pa lang ay para na akong nalalagutan ng hininga. Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa sofa, habang nanunuod ng tv sa salas. Subalit wala man lang akong naiintidihan sa pinapanuod ko dahil sina Randolf at Astrid ang nasa isip ko. Kaya nagpasya na lang akong tumulong kay Manang Linda sa kusina. Naabutan kong siyang naghahanda na ng hapunan, kaya bahagya akong lumapit sa kanya. "Manang, ano'ng niluluto mo?" Nag-angat si Manang Linda ng tingin sa akin at nginitian ako, "Kayo pala, Ma'am Isabella. Nagluluto ako ng kare-kare paborito ito ni Sir." "Tulongan ko na po kayo Manang," bahagyang natigilan si Manang sa aking sinabi. Marunong kaya akong magluto dahil palagi kong pinagluluto si Ran, sa tuwing binibisita niya ako sa bahay kapag wala sina Mommy at Daddy at nasa business trip sila. "Sigurado ka ba, hija?" Nginitian ko siya tiyaka tumango. Nagsimula na akong maghiwa ng mga rekados at iba pang sangkap na panghalo sa lulutuing kare-kare. Ako ang nagpresentang magluto, wala naman akong gagawin kaya magluluto na lang ako. "Dito kaya maghahapunan si Astrid?" biglang tanong ko sa aking isip. Syempre, bahay kaya ito ng boyfriend niya kaya natural na rito siya kakain. Katatapos ko lang sa pagluluto kaya panay ang silip ko kung dumating na ba sila. Medyo kinakabahan pa ako dahil makikita ko naman silang dalawa na magkahawak ang kamay. I heaved a deep sigh nang matanaw ko sila sa labas ng gate. Pinagbuksan pa ni Ran, ang girlfriend niya at todo alalay ito sa babae. Siguro kung hindi lang kami nagkahiwalay ni Ran, masaya kaming nagsasama ngayon. Pero hanggang do'n na lang marahil kami. Ibang-iba na ang Randolf na tinuturing akong prinsesa. Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko, kaya tumalikod na ako bago pa bumukas ang pinto. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at nagtungo sa aking silid. "Relax, Ella. H'wag kang paapekto." Kung kaya 'y tinapik-tapik ko ang aking pisngi at bumontonghininga. Nagmamadali akong nagpalit ng damit dahil pawis na pawis ako kanina at natapunan din ng bagoong ang suot ko. Habang inaayos ko ang aking sarili ay napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito, "hija, pinapatawag ka na ni Randolf, kakain na." "Sige po Manang, susunod po ako." Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan at nagmamadaling nagtungo sa komedor. Malayo pa lang ako ay rinig ko na ang kanilang tawanan. "Siguradong ma-out of place ako nito, mamaya na lang kaya ako kakain." Akmang tatalikod na ako pero agad na tinawag ni Manang, ang pangalan ko. "Ma'am Isabella, halina kayo." Mariin akong napapikit at dahan-dahan na pumihit paharap sa kanila, nakita ko agad ang madilim na mukha ni Ran, kanina lang ay nag tawanan sila, pero nang makita niya ako ay nag-iba agad ang aura niya. Habang papalapit ako sa hapag ay hindi nawawala ang mga titig niya sa akin. Sobrang lamig ang mga titig na pinupukol nito sa 'kin. Gayonpaman ngumiti pa rin ako sa kanya at binati. Todo taas naman ang kilay ni Astrid, sa akin subalit hindi ko na lang 'yon pinansin pa at nginitian ko pa siyang lalo. Umupo ako sa bandang kanan ni Ran, at nagsimulang magsandok. "Manang, ang sarap po ng luto niyo," komento niya. Tinitigan ko siya habang sarap na sarap sa kanyang pagkain. "Ang guwapo pa rin niya, sa tuwing sumusubo at ngumungoya siya parang ang sexy sa paningin ko." Agad akong nagbaba nang tingin ng lingunin niya ako. Siguro ay nararamdaman niyang naka titig ako sa kanya. "Yes, Manang sobrang sarap." Napatingin naman ako kay, Astrid na ngayon ay nagsasandok ng kanin. "Hindi ho ako ang nagluto niyan, Sir Randolf. Si Isabella ho." Bigla siyang tumingin sa akin, pakiramdam ko ay sasabog na ang mukha ko dahil sa pamumula nito. Hindi ko naman akalain na sasabihin pa ni Manang, iyon. "Not bad," sabi niya. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Dumako naman ang mata ko kay, Astrid na ngayon ay sobrang sama ng tingin sa akin. Problema nito? Sarap dukutin iyang mga mata mo girl. Mas lalo siyang nainis ng nginitian ko siya. "I lost my appetite." Padabog nitong binitiwan ang kutsara't tinidor. Hala, agad-agad te? Eh halos hindi pa nga siya naka tatlong subo. Para ngitian lang, ang babaw naman. "Why, babe?" Randolf asked her worriedly. Nararamdaman ko na naman ang kakaibang kirot sa dibdib ko. Gusto ko ako lang ang tinatawag niya sa endearment na iyon. "Ayaw kong may kasabay na ibang tao," tumingin ako kay, Randolf na ngayon ay nakatingin din sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Tapos na rin naman ako," sabi ko. Bumaba ang tingin ni Ran, sa plato ko na halos wala pang bawas. "Finish your food, Isabella. Don't mind her." "Sige. Mamaya na lang, sasabay na ako kay, Manang." Tumayo na ako at nagtungo sa aking silid. Alam kong sinusundan niya ako ng tingin kaya 'di ko na inabala ang sarili kong lingunin siya. Randolf's POV HINDI ko maiwasan na huwag isipin si Isabella. Nandito ako ngayon sa hide out ng TEAM ANTS nakaharap sa monitor. Tinitingnan ang bawat sulok ng Maynila, wala sina Clark, Rafael, at Treveor. Tanging ako lamang ang nandito at ang limang kulokoy. Si Kianne ay hindi na itinuloy ang pagbabalik niya bilang Secret Agent, dahil hindi na siya pinayagan ng asawa niyang si Sherrie. Dumarami na kasi ang mga anak nila kaya kailangan niya iyong pagtuonan ng atensiyon. "How's The Cold Secret Agent." Si Drake. Tinapik pa ako sa aking balikat at umupo sa kaharap kong upuan. Makahulogan niya akong tinitigan tiyaka ngumisi ng bahagya. Kahit kailan talaga itong si Drake, kaya napapailing na lamang ako sa kanya. Nagsilapitan na rin ang apat pang mga kulokoy. "Unti-unti na bang umiinit ang dating cold na agent?" si Denver. "Sino naman ang hindi iinit sa napakagandang dilag na iyon." Si Raven, sinabayan pa niya ito ng hagikgik. "Yeah, agree ako riyan," isa pa itong si Josh, na akala mo ay hindi nilayasan ni Hash. "Shut up, Josh. Look at you now, where is Hannah Sheila?" Napapailing na lang siya at nakipag high five sa katabi niyang si Tyrone. "Natutunaw na ba ang yelo riyan sa puso mo, Randolf?" Si Tyrone, seryoso ang mukha nitong tanong sa akin. Siya lamang ang bukod tanging sumeryoso ng tanong. "Don't you dare to hurt her, palayain mo ang isa kung kinakailangan," sabi nito tiyaka tumalikod. Naiwan kaming may question mark sa ulo. Ano'ng ibig niyang sabihin? May gusto ba siya kay Isabella? Nadagdagan ngayon ang mga katanungan sa aking isip. Pinaiimbistigahan ko na rin ngayon si Ezekiel Vergara. At gusto kong malaman kung ano ang koneksiyon ni Yanah at Isabella and also Tyrone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD