PARANG ayaw ko ng kumawala sa mga bisig ni Randolf, pakiramdam ko ay ligtas ako kapag siya ang kasama ko. Mahigpit akong nakayakap sa kanya habang patuloy sa aking pagtangis, ramdam ko naman ang paghagod niya sa aking likod.
"Ssshh...hush now, baby," marahan niya akong hinagkan sa aking noo at mabining hinaplos ang aking pisngi, kasabay sa pagpunas nito sa aking mga luha.
"I promise you, everything's are going to be fine." seryoso ang mukha nito. Bigla akong nabuhayan ng pag-asa sa kanyang sinabi. Ang ibig sabihin ba nito ay magiging maayos na kami?
"I'm sorry for what I've done, Ran. I'm so sorry," muling nanubig ang aking mga mata habang humihingi sa kanya ng tawad.
Bumuntonghininga siya at inalalayan akong umupo sa kama, hindi pa rin siya bumibitiw sa akin. "Okay, speak now, baby. I'm listening."
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago nagsalita.
"Ran, labag sa kalooban kong iwan ka sa mga panahong iyon. Pero wala akong magawa kung 'di sundin ang kagustohan ng mga magulang ko. Lugmok na ang kompanya na pinaghirapan ni Daddy, kaya kinakailangan kong magpakasal kay Ezekiel Vergara, para lamang maisalba ito."
Mahabang salaysay ko ngunit nanatili siyang tahimik at walang imik. Kaya muli akong nagpatuloy sa aking pagsasalita.
"Papatayin ka nila kung itutuloy ko ang pagpapakasal sa 'yo, kaya nagawa kong iwan ka sa araw mismo ng ating kasal. Ayaw kong mapahamak ka ng dahil sa akin, kaya patawarin mo 'ko Ran, hindi ko sinasadya." Isang hikbi ang kumawala sa akin, hanggang sa tuloyan na akong napahagulgol.
Mahigpit niya akong niyakap habang nakasubsob sa kanyang dibdib. Marahan niyang hinahagod ang aking likod habang panaka-nakang dinadampian ng halik ang aking buhok.
Kaya bahagya akong kumalas sa kanya at diretsong tumingin sa kanyang mga mata.
"Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtiis sa poder ni Ezekiel, he's always hurting me. Walang araw na hindi niya ako sinasaktan." Umigting ang kanyang panga at mariing ikinuyom ang mga kamao nito.
"Wala siyang karapatan na saktan ka, inagaw ka lang niya sa akin!" Galit at poot ang nakikita ko ngayon sa kanyang mga mata.
"I'm going to kill him, Isabella. That bullshit monster, hurting you like that!" Galit nitong wika at biglang sinuntok ang pader.
"Ran..." sambit ko. Lalapitan ko pa sana siya pero biglang tumunog ang kanyang telepono.
"Yes, Drake. Ano'ng balita. What? Find him, kahit sa ilalim pa ng lupa siya nagtatago." Nanatili akong nakatayo sa harap niya habang naka tingin sa kamay niyang sugatan.
Nag-alangan akong lumapit sa kanya dahil natatakot akong baka masaktan niya ako. Subalit nagulat ako ng mabilis pa sa kidlat niya akong niyakap ng mahigpit.
Isinubsob nito ang mukha niya sa leeg ko at habang tahimik na lumuluha. Teka, umiiyak ba siya?
"Mananagot siya sa akin, Isabella. Mananagot siya. Kahit sa'ng lupalop pa siya ng mundo magtatago, hahanapin at hahanapin ko pa rin siya," ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking leeg.
"I'm sorry, baby, nang dahil sa akin ay napahamak ka. I'm sorry. I'm so sorry."
"Patawarin mo rin ako Ran, dahil hindi ko kaagad sinabi sa 'yo ang totoo." Inalis niya ang pagkakasubsob ng mukha niya sa aking leeg at mariin akong pinakatitigan. Bigla akong nahiya sa pamamagitan ng kanyang pagtitig sa akin kaya bahagya akong yumuko.
Hinawi nito ang aking buhok na humarang sa aking mukha, tiyaka sinabing. "Hey, look at me, baby." Nag-angat ako ng mukha at sinalubong ang kanyang kulay asul na mga mata.
Hinaplos niya ang aking labi gamit ang kanyang hinlalaki, "this lips is mine, only mine." sambit nito at dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.
Sa tatlong taon naming paghihiwalay ay muli kong matitikman ang kanyang mga labi. Sobrang kabog ng dibdib ko kaya pumikit na lamang ako ng lumapat ang labi niya sa labi ko.
Para akong na estatwa ng igalaw niya ang labi niya. He kissed me passionately and he enter his tongue inside my mouth. Mas lalo akong napakapit ng mahigpit sa kanya ng dumako ang mga labi niya sa aking leeg.
I moaned when I felt his tongue down to my breast, pero bago pa niya hubarin ang suot ko ay bigla na lamang may kumatok sa pinto. "Oh, f**k!" I heard him cursed, kaya natawa ako ng mahina.
Ginawaran muna niya ako ng halik sa aking noo bago tinungo ang nakasarang pinto. "Sir, nasa baba ho si Ma'am Astrid, hinahanap ho kayo." Rinig kong wika ni Manang, bumuntonghininga muna ito. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang kanyang pagtitig sa akin.
Hindi ko na siya nilingon, nanatili akong naka yuko. Nang makalabas na siya ay tiyaka ko pa lang pinakawalan ang mga luhang nagbabadya.
Nakalimutan ko na may girlfriend na pala ito, hindi ko napigilan ang aking sarili at nagpaubaya sa halik ni Randolf. Parang durog na paminta ang puso ko ngayon, umaasang mabuong muli ngunit hindi na ito mangyayari. At hindi na maibabalik ang dati sa amin.
Marahan akong umupo sa sofa, nagbakasakaling babalik si Randolf, pero ilang oras na ang nakalipas ngunit wala pa rin siya. Hanggang sa hilain na ako ng antok, hinayaan ko na lamang ang sarili ko hanggang sa tuloyan ng dumilim ang paligid ko.
RANDOLF'S POV
Nang galing ako sa Ants Cafe dahil may inasikaso akong mahalagang bagay. Hindi ko naman ito maaaring i-asa kay Rafael dahil abala rin ito sa pagbabalik ng kapatid kong si Alex. Kaya kay, Drake ko na lang ito pinapatrabaho.
Hindi ako titigil hangga't hindi ko mahahanap ang lalaking nagpapahirap sa babaeng minahal ko ng lubusan. Mananagot siya sa akin. Ipapatikim ko sa kanya kung gaano kabangis si Machine Gun. (Randolf)
I know everything, and I know who is Ezekiel Vergara. Siya lang naman ang lalaking umagaw sa babaeng mahal ko. Kaya mag pasensiyahan na lang kami kung mag krus ang landas namin. Papatayin ko siya.
Umuwi ako sa bahay upang kausapin si Isabella, para makahingi ako sa kanya ng sorry. Pero pagbukas ko ng pinto ay bigla na lamang itong sumigaw at patakbong umakyat sa hagdanan.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Subalit nakita ko ang kanyang telepono na nalaglag kaya pinulot ko ito tiyaka siya sinundan.
Kinabahan ako dahil sa kanyang inakto, pakiramdam ko ay hindi na ito normal. Marahil ay na-trauma ito dahil sa ginawang pananakit sa kanya ni Ezekiel.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit. Sa bawat pagbigkas ni Isabella, sa mga katagang iyon ay parang pinipiga ang puso ko.
Lalo na sa mga magulang niya. Paano nila nagawang ipagkanulo ang kanilang sariling anak sa isang hayop na demonyong iyon.
Pero hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko. Nang dahil sa akin kaya siya naghirap at nagdusa. Kaya I hate myself, dahil hinusgahan ko siya at sinaktan.
Mahigpit ko siyang niyakap habang humihikbi. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko na halikan siya. I miss her lips. I miss everything about her. Kaya dahan-dahan kong hinubad ang suot niya subalit may biglang um-istorbo sa amin.
Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapamura, bahagya pa siyang natawa. Hinagkan ko muna siya sa kanyang noo bago tinungo ang pinto.
Napabuntonghininga muna ako bago lumabas. I saw Astrid, prenteng naka upo sa sofa habang naka cross-legs pa.
Nang makita niya akong pababa sa hagdanan ay kaagad itong tumayo at sinalubong ako ng halik. "I missed you, babe." malambing nitong wika sa akin.
DALAWANG taon na kaming mag-on ni Astrid, pero hindi ko malaman sa sarili ko kung ano ba talaga siya sa puso. Pakiramdam ko ay may kulang. At si Isabella iyon. Siya ang kulang, dahil siya pa rin ang hinahanap ng puso ko.