CHAPTER 5

1093 Words
Maria Isabella's Pov PARA akong nauupos na kandila. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Ran sa harap ko. Ang sakit pala. Ang sakit-sakit. Bahagya kong pinunasan ang tumutulong luha sa aking pisngi. Nang mapanatag na ang loob ko ay pumasok ako sa banyo upang makapag linis na ng katawan. Itinapat ko ang aking hubad na katawan sa rumaragasang tubig na nagmumula sa shower. Pumikit ako upang damhin ang lamig ng tubig na lumalapat sa aking kabuuan. Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong magbihis. Napili kong suotin ang kulay rosas na pantulog na binigay sa akin ni Aling Linda, ng ihatid niya ako rito sa magiging kwarto ko. Subalit bigla ko na lamang nalala ang kakambal ko. Ano na kaya ang nagiging lagay niya sa poder ni Ezekiel. Gusto ko man siyang tawagan pero natatakot ako na baka ang demonyong Ezekiel na iyon ang makasagot. Naaawa ako sa kakambal ko dahil umibig siya sa taong walang kasing sama. Gusto kong tulongan si Yanah, gusto ko siyang alisin do'n pero wala akong magagawa kung 'di ang umiyak na lamang. Wala akong kakayahan na iligtas ang aking kakambal dahil sarili rin naming mga magulang ang nagkanulo sa akin. Kung hindi dahil sa tulong ni Yanah ay hindi ako makakaalis sa poder ni Ezekiel. Sila ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Randolf. Sila rin ang dahilan kung bakit ako nagkaganito ngayon. Wala silang kwentang mga magulang, sarili lamang nila ang kanilang iniisip. Nararamdaman ko ang mga luhang nagbabadya, kaya hindi ko na ito pinigilan pa at hinayaan ko na lamang itong dumaloy sa aking pisngi. Pero paano ko pa ipaglalaban ang lalaking mahal ko kung hindi na ako ang mahal nito. Wala ring saysay ang paghingi ko sa kanya ng tawad. Isang malakas na buntonghininga ang aking pinakawalan, tiyaka humiga sa kama. Ngunit bago ko pa mailapag ang likod ko sa higaan ay siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Randolf, na halos hindi na maipinta ang mukha. Lumapit ito sa akin at pahablot akong itinayo. "Hindi kita dinala rito sa pamamahay ko para matulog ng maaga, naintindihan mo? Huh!" Dahil sa sobrang diin ng kanyang pagkakahawak sa braso ko ay halos bumaon na ito sa aking buto. Masakit man pero kaya kong tiisin. Sanay na ako sa physical na pananakit hindi na ito bago sa akin. Kaya walang kibo akong lumabas ng kwarto, gusto ko na sanang magpahinga dahil masakit ang buo kong katawan bagamat maghapon niya akong pinaglinis ng bahay. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahikbi. Mabuti na lamang at walang tao dito sa silid-lutuan. Bahagya kong pinunasan ang mga luha ko at nagsimula ng magligpit. Hinugasan ko ang mga platong gabundok sa lababo kahit alam kong hindi naman ito nagamit. Pagkatapos ay nilinisan ko ang buong silid-lutuan hanggang sa salas. Tiningnan ko ang orasang panding-ding, mahigit alas tress na ng umaga. Kaya binilisan ko na ang aking mga kilos dahil gusto ko na talagang matulog. Dahil sa sobrang pagod at antok ay hindi ko na nagawa pang umakyat, kaya napagpasyahan ko na lamang na sa sofa na lang matulog. Pagka gising ko ay napabalikwas ako ng bangon. Hindi ko alam kong paano ako napunta sa aking silid. Ang pagkakaalam ko ay sa sofa ako natulog. Pero bigla akong napatingin sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa nito si Manang Linda. Naka ngiti pa ito habang papalapit sa akin. "Mabuti naman at gising na kayo, ma'am Isa. Gigisingin na sana kita," nakangiti nitong wika. "Manang, papaano po akong napunta rito, gayong sa sofa naman po ako natulog." "Si Sir Randolf ho ang nagdala sa inyo rito sa silid, naka ngiti pa nga siya habang buhat-buhat kayo papasok sa kwarto niyo. At alam niyo ba ma'am, hinalikan pa kayo ni Sir sa labi." Mahabang litanya nito. "Gano'n po ba Manang, teka ano'ng oras na po ba?" Sabay baba sa kama. "Ma'am, alas dos na ho ng hapon. At bilin po ni Sir Randolf na huwag kayong aalis ng bahay." Bigla akong nalungkot sa sinabi ni Manang, paano ko kaya matutulongan si Yanah. Paano ko siya maliligtas. "Kailangan kong mag-isip ng paraan." wika ko sa aking isip. "Oh, siya hija. Halika na at nakahanda na ang pagkain mo sa mesa." pukaw sa akin ni Manang, pero nagdadalawang isip pa akong bumaba baka nasa baba lang si Astrid. "Ma-Manang, si... si Astrid po?" utal kong tanong kay Manang. "Kagabi pa hinatid ni Sir ang babaeng 'yon kaya wala kang dapat na ikabahala." turan nito. Kaya naman ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Mabuti at wala ang babae at umalis si Ran. Kaya masigla akong bumaba dahil ramdam ko na ang sikmura kong kumakalam. Hindi ko na alintana ang pananakit ng katawan ko. Basta ko na lamang iniwan si Manang sa silid ko at mabilis na nagtungo sa kusina. Ngayon pa lamang ako nakaramdam ng pagkagutom. Bigla akong natatakam sa mga niluto ni Manang, kaya nilantakan ko na ang mga hinain na pagkain sa lamesa. Pagkatapos kumain ay tinulongan ko si Manang, sa kanyang gawain. Kaya ako ang nag-urong sa mga pinggan at nagligpit. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang aking telepono kaya dali-dali ko itong sinagot. Hindi ko na nagawa pang tingnan kung sino ang tumatawag. "Hello?" sagot ko. "Kumusta ka na, Isabella." Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan ng mabosesan ko ang lalaking tumawag. "Ezekiel...." bulong ko sa kawalan. "Why did you leave me, Isabella. Why? Ayaw mo na ba akong makasama?" wika nito sa kabilang linya, batid kong nakangisi ito dahil sa tono nang pananaliga nito. "Ez-Ezekiel," nauutal kong turan. Kahit nasa kabilang linya ito ay ramdam ko ang takot sa aking katawan. Halos hindi ko na maibuka ang aking bibig dahil sa kaba at takot. Pakiramdam ko ay nakikita niya ako mula sa malayo. Kaya mabilis akong nagtungo sa may pintuan upang i-lock ito. Pero bago ko pa man mahawakan ang seradura ay bigla na lang itong bumukas kaya napasigaw ako at nabitiwan ang aking telepono. "Ahh! Don't please!" Kasabay ng aking pagtakbo paakyat sa kwartong tinutulogan ko. Pero napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Randolf. "Isabella, what's wrong?" Nilingon ko lamang si Randolf at tuloy-tuloy na sa aking kwarto. Pagkapasok ko pa lang sa silid ay dumiretso na ako sa banyo at nagkulong. "Isabella!" Napalingon ako sa naka saradong pinto nang banyo ng kumatok si Randolf. "Open the door, Isa. Talk to me please." "I-I'm scared, Ran. I'm scared." "Why are you scared?" tanong nito. Kaya binuksan ko na lamang ang pintuan. Ngunit nagulat ako ng bigla na lamang niya akong yakapin ng mahigpit
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD