NAGISING ako ng wala na sa tabi ko si Ran. Nalungkot ako dahil iniwan na naman niya ako na parang basahan. Dahan-dahan akong bumangon subalit nararamdaman ako pananakit sa pagitan ng mga hita ko. Magdamag nga pala kami ni Ran, halos hindi ko pa maimulat ang mga mata ko ay nakapatong na siya sa akin.
Hubo't hubad pa akong bumaba sa kama upang magtungo sa banyo, paika-ika pa akong maglakad. Kailangan kong makaligo upang maging presko ang pakiramdam ko. Itinapat ko ang aking katawan sa rumaragasang tubig na nagmula sa shower. Gumaan ang pakiramdam ko ng matapos akong maligo.
Pababa pa lang ako sa hagdanan ng may naririnig akong nag tatawan sa kusina. Ngunit napatigil ako sa paghakbang ng makita ang mga bultong naglalakihan habang naka-upo sa hapag. Pipihit na sana ako pabalik ng silid, ngunit huli na ang lahat dahil nakita na ako sa isa sa mga kasamahan ni Ran.
Guwapo po rin ito at may pagka singkit ang mga mata. Matangos ang ilong at medyo may kaputian. Hindi ko matantiya kung ilan ang taas nito, siguro ay magkasing-taas lang sila ni Randolf. Mabilis akong nilapitan ni Ran, at agad na hinarang ang malapad nitong katawan sa akin.
Naghagikgikan ang mga ito habang nakatingin sa lalaking nakaharang sa akin. Pinaghila niya ako ng upuan malapit sa lalaking masungit. Ang pagkakaalam ko ay Rafael ang pangalan nito. Halos sila ay mga guwapo at matitikas ang pangangatawan. Lalong-lalo na itong lalaki na nasa tabi ko ngayon.
"Eat all you can baby, don't be shy." Napatingin ako sa lalaking nagngangalang Trevor. Mapanukso ang mga mata nitong nakatingin sa amin ni Ran. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko ay may alam sila sa nangyari sa amin kagabi, hindi tuloy ako makatingin ng deretso.
"Thank you," payak akong ngumiti kay Trevor.
"You're always welcome, baby." Trevor said. Matalim naman na tumingin si Randolf, sa lalaking pilyo at mapang-asar. "Stop calling her baby, will you?" Ani ni Ran na madilim pa rin ang aura nito. Napatingin naman ako sa katabi kong humahagikgik at nakikipag high five pa sa katabi niyang singkit, na ang pangalan ay Raven, katabi nito si Denver. Sa bandang dulo naman nitong mesa ay sina Trevor at Drake.
"What's the funny, Rafael?" Nagkibit-balikat lamang itong tumingin kay Ran. Napakapilyo pala ng masungit na lalaking ito, no'ng una ay sinusungitan ako. Siguro ay iniwanan ito ng girlfriend niya kaya siya naging masungit, pero ngayon ay maaliwalas pa sa sikat ng araw ang guwapong mukha nito.
"Kumain ka nang marami, baby. Don't mind them." Hinalikan niya ako sa aking buhok tiyaka muling sinandukan ng kanin. "I know you're tired and hungry," bulong nito sa akin na siyang ikinapula ng aking mukha. Kinurot ko siya ng pino sa kanyang tagiliran, bigla kong naalala ang milagrong nangyari sa amin sa buong magdamag.
Nakakahiya pakiramdam ko ay nakahubad pa rin ako ngayon, lalo pa at wala akong suot na pang ibaba. Napalunok ako ng maramdaman ko ang kanyang kamay na humahaplos sa aking balakang. Nag-angat ako nang mukha ng biglang tumikhim ang limang lalaki sa paligid namin.
"Nakalimutan niyo na yatang nandito kami." wika ni Drake. Tumayo naman si Trevor, at humakbang palapit sa aking kinauupuan. "What happened to your neck, Isabella?" Tanong nito tiyaka dahan-dahan na inilapit ang hintuturo nito sa leeg ko. Pero bago pa man lumapat ang daliri niya ay mabilis na tinabig ni Randolf, ang kanyang kamay.
Tumayo si Randolf at hinila ako patayo upang ilayo kay, Trevor. Naka ngising pinagtitinginan na siya ng mga kasamahan niya. Para siyang bata na aagawan ng pagkain.
"Get out of my house, idiots," pagtataboy nito sa kanila.
"Wait, hindi ko pa naubos ang kape ko. Sayang naman." si Raven.
"Ako rin, hindi ko pa naubos ang itlog ko." sabat naman ni Denver sabay subo ng isang buong itlog.
Napailing na lamang si Ran, mga pasaway pala itong mga kaibigan niya. Akala ko kasi no'ng una ay suplado ang mga ito dahil seryoso ang mga mukha nila. Pero may mga kapilyohan din pala itong tinatago kapag sila-sila lamang ang magkakasama.
Nang kami na lang ang naiwan ay kunot-noo niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Lumapit siya sa akin at hinapit niya ako sa aking baywang at mariing idinikit sa kanyang katawan. "You are not wearing a panty?" Pumaloob ang palad niya sa aking likuran at kinapa ang aking pang-upo. "Randolf!" saway ko sa kanya. "Oh, f**k baby, he wants more." Ngumuso siya at itinuro ang kanyang ibaba.
Pinanlakihan ko siya ng mata, "I'm still sore down there."
"Okay baby, sa susunod na araw na lang."
"Paano kung hindi pa gagaling?"
"I can wait," hinalikan niya ako sa aking labi at mahigpit na niyakap.
"Maghanda ka at mamamasyal tayo," nakangiti nitong wika sa akin.
"Huh, eh, wala akong susuotin."
"Don't worry, baby." Kinuha niya ang kamay ko at humakbang papuntang bookshelf. Akala ko ay simpling lalagyan lamang iyon ng mga aklat pero namangha ako ng tuluyan na itong bumukas. Sobrang lawak pala nito sa loob at kompleto na rin ng mga kagamitan. Daig ko pa ang nasa mall sa sobrang dami ng kagamitang pambabae.
Pero biglang nalusaw ang tuwa sa aking puso ng maalala ko ang lumpyang, Astrid na iyon. Marahil ay sa kanya ang lahat ng ito.
"Nakapili ka na ba ng susuotin mo, baby." Napaigtad ako ng bigla niya akong yakapin sa aking likod. "Ran. . ." sambit ko sa kanyang pangalan. "Hmm. . . what is it, baby." Pumihit ako paharap sa kanya at tumingin ng deretso sa kanyang mga mata. "Hindi ba siya magagalit dito? Ang fiancé mo?" Sabay turo ng mga naka hanger na damit sa paligid. "Ako na ang bahala sa kanya."
Bigla akong nawalan ng gana. So, tama nga ang hinala ko. Kay Astrid nga ang lahat ng ito. "Ran, pwede bang sa ibang araw na lang tayo. mamasyal? Medyo masakit pa rin kasi ang. . ."
Tumawa siya ng bahagya, "s**t, ang sexy ng tawa niya." Kinikilig kong wika sa aking isip.
"It's okay, baby. Let's go out side," aya nito sa akin. Subalit ng sa aming paglabas ay naabutan namin si Astrid, na prenteng naka upo sa salas.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya kaming lumabas sa isang maliit na pinto. Nagtaka rin ako dahil ibang pintuan na ang aming nilabasan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at mabilis na humakbang palapit sa akin. "You! Ano'ng karapatan mong suotin ang damit ng fiancé ko!" Akmang sasampalin niya ako pero mabilis akong nakailag.
"And you, Randolf! Paano mo ito nagawa sa akin! Magkasama kayo ng babaeng ito sa buong magdamag at imposibling walang nangyari sa inyo!" Halos maputol na ang litid nito sa leeg sa kasisigaw ngunit parang wala lang ito kay Randolf. "Get out, Astrid. Tapos na ang pagpapanggap mo. We're done," seryoso nitong wika sa babaeng nagwawala.
"What do you mean, babe." malandi nitong saad.
"Stop calling me that fuckin endearment! Now, get out!" Halos dumagundong na ang boses nito sa buong kabahayan sa pag bulyaw niya sa babae. Matalim naman ang mga tinging ipinukol ni Astrid, sa akin na halos bumaon na sa aking kailaliman.
"Babe, please. Huwag mo akong hiwalayan." Umiiyak na ito ngayon sa harap namin at nagmamakaawa.
"Get your ass out of here, b***h! Matagal ko ng alam ang tungkol sa buo mong pagkatao. So, back off!" singhal nito.
"Babe, don't do this to me please." Pahablot siyang hinila ni Ran, palabas ng gate. Tiyaka tinawag ang mga guard sa buong Ants Ville. "Huwag na huwag niyo ng papapasukin ang babaeng iyan dito. Sige na ilabas niyo na iyan." Utos niya sa mga guwardiya.
Humakbang siya papasok ng bahay at mataman niya akong pinakatitigan habang papalapit sa aking kinalalagyan. Sobrang lagkit ang mga titig nito sa akin. Napatili ako ng bigla niya akong binuhat at umakyat sa hagdanan.