CHAPTER. 13

1330 Words
NAGISING ako dahil sa ingay ng aking telepono. Inaantok pa ako kaya walang gana ko itong sinagot. Ngunit bigla akong napabalikwas ng marinig ko ang boses ni Clark, sa kabilang linya. "You're late, Randolf Alessandro Ford." wika nito sa buong pangalan ko. Kinusot ko ang aking mata tiyaka nag-unat ng katawan. "It's early, Clark." sabi ko. "Ano'ng oras ka ba natulog kagabi, Machine Gun. Pagpahingahin mo naman si Isabella." Pilyo itong tumawa, siguradong aasarin na naman nila ako ngayon. Alam ko ang likaw ng kanilang mga bituka. Wala na si Isabella sa tabi ko kaya nagmamadali akong naligo, pagkatapos ay bumaba na sa hagdanan. Tinungo ko ang kusina at naabutan ko siyang nagluluto. Akala ko ay umalis na naman ito at hindi nagpapaalam sa akin. Ngumiti siya ng makita niya ako, subalit hindi ako nakatiis kaya mabilis ko siyang nilapitan at mariing hinalikan sa kanyang mapupulang labi. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay mahigpit ko siyang niyakap. "Don't leave me again, Isabella." bulong ko sa may punong tainga niya. "Hey, Ran. I won't leave you. Nandito lang ako sa kusina at ipinagluto kita. Kaya maupo ka na." turan nito na may ngiti sa labi. Nilagyan niya ng kanin ang plato at ipinagtimpla pa ng kape. Masaya ako habang pinagmamasdan siya. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa kahit anong mangyari. Kahit si Tyrone pa ang magiging karibal ko. Tatalunin ko ang pagiging magkaibigan namin. Hindi ko na siya hahayaan pa na mapunta sa iba. Nang bumalik si Isabella, sa buhay ko ay nabuong muli ang pagkatao ko. Palagi na akong naka ngiti. Siya ang buhay ko, at siya lang din ang nagpapasaya sa akin. Kahit na dumating pa si Alex sa buhay namin ay pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa akin at si Isabella iyon. Pero ngayon ay buo na akong muli. "Randolf. . ." untag nito sa akin. Nagulat pa ako ng bigla niya akong tinapik sa balikat. "Ye-yes, baby," tumitig siya sa akin na para bang ayaw niya akong mawala sa paningin niya. "May problema ba? Para kasing hindi mo ako naririnig habang nagsasalita rito." Nababanaag kong may pagtatampo sa kanyang boses. Kaya hinapit ko siya sa kanyang baywang at pinaupo sa aking kandungan. "Wala baby, may iniisip lang ako." Nagbaba siya ng tingin at tumapat ang mga mata nito sa aking labi. "Iniisip mo ba si Astrid?" Hinawakan ko siya sa magkabilang mukha at tiningnan siya ng dereto sa mga mata. "Ni minsan ay hindi siya sumagi sa isip ko Isabella, dahil ikaw lang ang laman ng nito." Dimpian ko siya ng halik sa kanyang noo at ilong. Pababa sa kanyang labi. "One more round, baby. . ." Ngunit bago pa man siya makasagot ay pinaharap ko na siya sa akin at binaba ang suot niyang boxer shorts. Kinalas ko naman ang butones at sinturon ng patalon ko tiyaka bahagyang pinadungaw ang nagwawalang alaga. Pagkatapos ng tagpong iyon ay umalis na ako ng bahay. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa aking labi habang papasok sa opisina ni Clark. Pagbukas ko ng pinto sa kanyang opisina ay siyam na pares agad ng mga mata ang sumalubong sa akin. Mga matang mapanukso at mga pilyong ngiting nakapaskil sa kanilang mga labi. "What?" asik ko sa kanila tiyaka umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Tyrone. Naka ngisi itong naka tingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya at tinitigan siya ng matalim. "You looked peaceful, Ran. Hindi katulad noon na kasing lamig pa ng yelo ang pakikitungo mo sa amin." si Tyrone. Gusto ko siyang sapakin sa mukha. Alam kong may balak itong agawin sa akin si Isabella. "Pinainit kasi ni Isabella, kaya natunaw ang yelo." Nagtawanan sila sa sinabi ni Clark habang nakatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali puro pang-aasar lamang ang napapala ko rito. Kaya nagpasya na akong umalis at umuwi na lang sa bahay. "Wala munang umalis. Pinatawag ko kayo dahil mayroon tayong bagong misyon." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Clark. "Dumating na si Sandoval, dito sa Pilipinas ayon sa nakalap na imbestigasyon ng bagong team Ants, ay nasa Pool City siya ngayon namalagi." Paliwanag nito. "May bagong papasok sa team natin, Sniper?" takang tanong ni Raven. "Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan natin iyon? Oh, baka naman katulad din siya ni Sandoval." si Rafael, habang nakapamaywang pa. "Don't worry, Granada. Mapagkakatiwalaan natin siya, isang daang porsyento." Napapailing na lamang ako habang iniisip kung sino ang bagong miyembro ng team Ants. "Huwag kayong mag-alala boys, makikilala niyo rin siya as soon as possible. Tiyaka magaling siyang agent dahil sampung taon siyang nag-aaral sa US." Seryosong wika ni Clark sa amin. Wala akong idea kung sino ang taong ipapasok niya sa team namin. "Clark, siguradohin mo lang na mapagkatiwalaan namin siya. Kung 'di, ikaw ang kakanain namin." Hindi ako sinagot ni Clark, bagkus ay ngisi lamang ang namutawi sa kanyang bibig. "Ilang taon din na nagtatago sa atin si Sandoval, simula nang pinasabog niya ang rest house ni Agila, sa El Nido." wika ko. "Kaya humanda sa akin ang Sandoval, na iyon at sisingilin ko siya." si Drake. "Hindi lang si Sandoval, ang pagtuonan natin ng pansin. Marami sila kaya dapat maging alisto tayo." "Copy, boss." sabay naming wika. Pagkatapos ng aming meeting ay tinawagan ko si Alex upang samahan akong pumunta sa mall. Gusto kong ibili si Isabella ng kanyang mga gamit. Hindi niya yata nagustohan ang ipinakita ko sa kanyang dressing room sa bahay. Ang buong akala niya ay kay Astrid, iyon. Sa kanya lang naman ang lahat ng mga 'yon. Inihanda ko iyon para sa kanya. Habang naglalakad kami sa mall ay panay ang tingin ko sa paligid. Gusto ko lang maka siguro na walang makakilala sa akin. Pagala-gala pa naman ang mga alagang daga ni Sandoval. "Saan ba tayo, kuya Randolf." Nakasimangot na ang mukha ng kapatid ko. Tiyak pagod na ito sa kakalakad. "Tulongan mo akong mamili ng damit pambabae para kay, Isabella." Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Magkasama na kayo sa bahay mo?" Tumango ako tiyaka ginulo ang kanyang buhok. Pinaka ayaw pa naman niyang ginugulo ang buhok niya. "I'm happy for you Kuya, dahil nagkabalikan na kayo. Kailan mo siya ipapakilala sa akin?" "Soon, baby girl." "Alam na ba nina Mommy at Daddy na nagkabalikan na kayo ni Isabella, or should I say Ate?" Umiling ako tiyaka ngumiti sa kanya. "Not yet, baby girl." "So, kailan mo pa sasabihin sa kanila?" wika nito habang busy sa kapipili ng damit. Nag-angat ako ng mukha upang muling tumingin sa aming paligid. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Isabella na may kasamang isang lalaki. Subalit hindi ko masyado maaninag ang kanyang mukha dahil natatakpan ito ng sombrero. "Baby girl, I'll call Rafael, to fetch you here. May kailangan lang akong puntahan." "Huh, paano itong mga pinamili natin?" "Bayaran mo muna." Pero bago pa man ako makalayo kay, Alexandra ay tumunog na ang aking telepono. "Hello. . ." iyak mula sa kabilang linya ang naririnig. "What the f*ck, who is this?" "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin, Randolf! Pagbabayaran mo!" Halos matulig na ako sa kanyang pagsigaw kaya pinatay ko na lang ang telepono ko. Habang nakasunod ako kina, Isabella at sa kasama niyang lalaki ay hindi ko maiwasan ang magalit. "Sino 'yang kasama mong lalaki Isabella, papatayin ko iyan kapag maabutan ko kayo." Inis kong wika sa aking isip. Subalit mas lalo akong nanggagalaiti sa galit ng mawala sila sa paningin ko. Hinampas ko ng malakas ang manibela at nagpasya ng umuwi. Halos paliparin ko na ang aking kotse para lamang mabilis na makarating. Pagdating ko ng bahay ay pabagsak kong isinara ang pintuan na siyang dahilan ng pagkahulog ng mga nakasabit sa ding-ding. Gusto kong magwala dahil sa sobrang galit, gayunpaman minabuti ko na lang umakyat sa aking silid upang makapagpahinga. Ngunit ng sa aking pagbukas ng pinto ay nanlaki ang aking mga mata dahil nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa aking kama. "Impossibly. . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD