HINDI ako makapaniwala sa aking nakita. Kanina lang ay nakita ko s'yang may kasamang iba. May kakambal ba s'ya? Pero bakit hindi man lang n'ya nabanggit sa akin? Bumaba ako at pumasok sa monitoring room. Gusto kong makatiyak kung s'ya ba talaga 'yon oh hindi.
Possibly nga kayang maykakambal ang Isabella ko? Ni wala man lang akong nakitang anino sa CCTV footage. Maghapon lang itong natutulog marahil ay napagod. Bumuntonghininga ako tiyaka nagpasyang lumabas. I need to talk to her kapag gising na s'ya.
Nagtungo ako sa kusina upang magluto ng hapunan. Alam kong gutom s'ya sa mga oras na ito. Pagkatapos kong magluto ay umakyat na ako sa aming silid upang gisingin s'ya. Akmang pipihitin ko na ang seradura ay natigilan ako dahil narinig ko s'yang may kausap sa kanyang telepono.
"Huwag kayong mag-alala, Auntie ayos lang po ang kalagayan ko rito." Dinig kong wika n'ya sa kanyang kausap. So, Auntie n'ya pala ang kanyang kausap kaya pumasok na lamang ako.
Naabutan ko s'yang nakaupo sa gilid ng kama habang puting tuwalya lamang ang tanging nakabalot sa kanyang katawan. f**k, parang gusto ko s'yang sugurin at siilin ng halik.
Kakaiba agad ang aking nararamdaman. Sobrang lantad ang kanyang maputing balat na lalong nagpadagdag sa kanyang kagandahan. Dahan-dahan ako humakbang palapit sa kinauupun niya. Nagulat s'ya nang makita n'ya akong nakatayo na sa kanyang likuran.
Kaagad n'yang pinatay ang kanyang telepono tiyaka humarap sa akin. Hindi s'ya makatingin ng deretso dahil nahihiya s'ya sa kanyang ayos.
"Kanina ka pa ba riyan?" Tanong nito habang nakayuko. Humakbang pa ako palapit sa kanya tiyaka mabilis na hinapit sa kanyang baywang.
"Ran. . ." sambit nito sa pangalan ko.
"You looked sexy, baby." Dinampian ko siya ng halik sa labi. Ang bango n'ya talaga kahit ang natural na amoy nito. Mataman ko s'yang tinitigan habang naghahanap ng masusuot nitong damit. Ang babaeng nakita ko kanina sa mall ay kamukhang-kamukha n'ya talaga. Gusto ko s'yang tanongin tungkol sa aking nakita.
"Baby, can I asked you something?"
"Oo naman. Ano 'yon."
"Do you have a twin sister?" Hindi n'ya ako sinagot bagkus ay umiwas ito ng tingin sa akin. Hinayaan ko muna s'ya hanggang sa makatapos ito sa pagbibihis. Nang makatapos ito ay humarap ito sa akin tiyaka nagsalita. "Yes, Ran. May kakambal ako."
Daig ko pa ang nabunutan ng isang malaking tinik sa aking dibdib. "I saw her. I thought it was you,baby. May kasama s'yang lalaki pero hindi ko nakita ang mukha n'ya."
"Saan mo s'ya nakita, Ran? Gusto ko na rin s'yang makita. Miss na miss ko na ang kakambal ko." Nakita kong nanunubig ang kanyang mga mata kaya mabilis ko s'yang dinalohan. "Don't worry makikita natin si. . . What her name again, baby?"
"Yanah Ysabelle." Mahinang sagot nito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin noon na may kakambal ka pala, baby."
"Nasa America si Yanah sa mga panahong 'yon, Ran. Pero nang malaman n'yang ikakasal ako sa lalaking mahal n'ya ay kaagad itong umuwi ng Pilipinas. Nagalit siya sa akin kung bakit ako pumayag na magpakasal kay, Ezekiel. Hindi ko na sinabi sa kanya ang tunay na dahilan.
Wala akong pagpilian sa mga panahong 'yon kundi ang pakasalan na lamang ang lalaking hindi ko mahal. Kaysa ikaw ang mawala sa akin ng habang buhay."
Mahabang paliwanag n'ya habang umiiyak. Mahigpit ko s'yang niyakap. Isinugal niya ang kanyang buhay para sa akin at sa kompanya nila. Pero nalugi pa rin ang kanyang mga magulang at ibenenta ang kanilang shares sa kompanyang pag-aari ko na pinamamahalaan ngayon ni Maycee. Ang pinsan kong palaging galit sa mundo.
Hindi ko kasi ito maasikaso ng mabuti dahil sa aking trabaho. Si Troy naman ay masyado pang bata para sa mga businesses. Kaya kay, Maycee ko ito ipinagkatiwala. Ang lihim na pagsinta ni Denver. Ang kapwa ko agent na hayok sa babae.
Nakabibinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Magkayakap lang kami habang pinapakiramdaman ang isa't isa. Hinahaplos ko ang kanyang mabango at makintab na buhok habang nakasandal sa aking dibdib.
"Ran. . ." malambing nitong saad.
"Yes, baby."
"Pinapatawad mo na ba ako?"
"Matagal na kitang napatawad, Love." Tinawag ko s'ya sa dati naming endearment, kaya mangiyak-ngiyak s'yang tumingin sa akin.
KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Hinayaan ko na lang muna s'yang natutulog, alam kong puyat ito no'ng isang gabi. Magdamag ko kasi s'yang inangkin ng paulit-ulit, gusto kong iparamdam sa kanya na sa akin lang s'ya.
Mataman kong pinakatitigan ang maamo nitong mukha, pababa sa kanyang leeg. Nakita kong may nunal pala ito sa may bandang collar na mas lalong nakakaakit tingnan.
Subalit nagulat ako ng bigla na lamang tumunog ang aking telepono. Sino na naman kaya itong tumawag? Iniisip kong baka si Astrid, lang kaya hinayaan ko na lamang ito. Istorbo lang ito sa aking ginagawa. Abala pa ako sa pagtitig kay Isabella.
Ngunit hindi pa rin tumitigil sa pagtunog ang aking telepono. Kaya tumayo na ako at dinampot ito sa ibabaw ng mesa. Hindi pa man ako nakasagot ngunit bigla na lamang nagsalita ang nasa kabilang linya. "Magpapakamatay ako kapag hindi mo ako babalikan, Randolf."
Alam ko agad na si Astrid, ito. Sa tuno pa lang ng kanyang pananalita ay kilala ko na.
"What? Are you crazy?" Nilingon ko si Isabella, pero mahimbing pa rin itong natutulog kaya pumasok na lang ako sa banyo. Ayaw kong maistorbo ang kanyang pagtulog.
"Oo, Randolf. Nababaliw na ako sa 'yo!"
"'Di ba sinabi ko na sa iyo na kapag bumalik na si Isabella ay tapos na tayo? Binayaran kita ng malaking halaga kaya tapos na ang pagpapanggap mo." Mariin kong wika sa kanya. Ayaw kong magtaas ng boses baka magising ko si Isa.
"Hindi mo ito pwedeng gawin. Nangako ka sa akin na pakakasalan mo ako."
"What? Wala akong pinangako sa iyo, Astrid. Si Isabella lamang ang gusto kong pakasalan at hindi ikaw." Ni minsan ay hindi ko pinangarap na maikasal sa ibang babae. Dahil kay Isabella, lamang ako nararapat na magpakasal at hindi sa ibang babae. I love her so much. I really love her.
"Buntis ako."
Biglang yumanig ang aking mundo mula sa aking narinig. Napaka imposibly, hindi ako makapanilawa.
"That's impossible, Astrid!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtaaas ng boses.
"Kahit dulo ng kuko mo ay hindi ko nagalaw kaya hindi mo ako maloloko! Get the hell out my life!"
"Papatayin ko ang sarili ko kapag hindi mo ako babalikan, Randolf."
"Do whatever you want, kill yourself. Hindi mo ako matatakot, Astrid. Kahit alam kong isa ka na sa mga daga ni Sandoval."
Pinatay ko na ang aking telepono at lumabas na ng banyo. Ngunit nang sa aking paglabas ay hindi ko wala na sa kama si Isabella. Nagmamadali akong lumabas ng silid tiyaka nagtungo sa kusina.
Ngunit wala akong Isabellang nakita. "Where are you, baby? Don't leave me again please, Isabella." Mangiyak-ngiyak akong umupo sa sofa habang napahilamos sa aking mukha.