CHAPTER 15

1454 Words
PAGISING ko ay nag-iisa na lang ako sa kama. Kaya bumangon na ako at naglakad patungong banyo. Subalit napahinto ako ng may naririnig akong nagsasalita, kaya idinikit ko ang aking tainga sa pintuan ng banyo. Hindi ko ito masyadong maintindihan dahil sa ingay ng tubig na nagmumula sa gripo. Naiihi na ako kaya nagpasya na lang ako na sa kabilang silid na lamang ako magbabanyo. Hindi kaya si Astrid ang kausap n'ya? Nakaramdam na naman ako ng lungkot sa aking puso kaya naligo na lamang ako upang maginhawaan ang aking pakiramdam. Pababa na ako sa hagdanan ng matanaw ko si Ran, sa labas habang may kausap ito sa kanyang telepono. Tanaw na tanaw ko s'ya mula sa aking kinatatayuan. Puro salamin kasi ang dingding ng bahay kaya nakikita ko s'yang mukhang problemado. Dahan-dahan akong lumapit sa kanyang kinalalagyan. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi n'ya ako nakitang papalapit. Busy pa rin ito sa pakikipag-usap sa kabilang linya. "Please, find her." Dinig kong wika n'ya sa kanyang kausap. Sino kaya ang ipinapahanap n'ya? Lumapit ako sa kanya at niyakap mula sa kanyang likuran. Nakita kong nagulat s'ya sa aking ginawa kaya mabilis itong humarap sa akin. "Good morning," nakangiti kong bati sa kanya. Tulala lang ito na parang nakakita ng multo. "Oh, God. Isabella, I thought you left me again." Kumunot ang noo ko sa kanyang tinuran. "Bakit naman kita iiwan. May dahilan ba para iwan ka?" Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya, bigla na lang kasi itong nagiging paranoid. "No-Nothing, baby," nauutal nitong saad. Pero nababanaag ko sa kanyang mga mata na mayroon s'yang tinatago sa akin. Subalit hindi ko malaman kung ano iyon. Hayaan ko na lamang na s'ya ang magsabi sa akin. Ayaw ko naman na tanongin s'ya dahil alam ko sa aking sarili na wala akong karapatan na usisain s'ya. Inaya ko na s'yang pumasok sa loob ng bahay para ipagluto s'ya ng breakfast. Araw-araw kasi itong may pasok sa trabaho, pero minsan ay madaling araw na ito umuuwi. Ngunit hinayaan ko na lang dahil hindi naman n'ya ako asawa. Dahil I'm only his a woman. Woman lang. Nothing more. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na ito sa akin. He kissed me on my forehead bago umalis. Napapansin kong may nag-iba sa kanya pero ipinagwalang bahala ko na lamang ito. Marahil ay tungkol ito sa trabaho n'ya kaya nagkaka gano'n siya. Habang abala ako sa pag-didilig ng mga halaman sa hardin, ay nakita kong umilaw ang aking cellphone na aking ipinatong sa mesang gawa sa bato. Dali-dali ko itong kinuha upang sagutin ang sino mang tumatawag sa akin. Randolf calling. . . Nakangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Ran, sa aking phone screen. Kaya sinagot ko kaagad ito at itinapat sa aking tainga ang aparato. "Hello, Ran. . ." Hindi agad sumagot ang nasa kabilang linya. Pakiramdam ko ay pinapakinggan lamang ako nito, kaya imbes na magsasalita pa sana ako ay bigla na lamang naputol ang tawag nito. Nagtataka akong tiningnan ang aking telepono, napakunot ako ng bahagya. Ano ba ang nangyayari sa lalaking 'to? Muli kong inilapag ang aking telepono sa mesa. Umilaw ito hudyat ng may mensahe akong dumating. "Don't skip your lunch baby," basa ko sa kanyang text. Para akong teenager na kinikilig kahit sa simpling mensahe n'ya lamang. Nireplayan ko naman s'ya hanggang sa nagpalitan na kami ng mensahe. Ngunit biglang nawala ang mga ngiti ko ng makita ko ang madilim na bulto ni Astrid, na papalapit sa aking kinaroroonan. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Habang papalapit s'ya ay nakataas pa ang kilay nito. Tumayo naman ako upang magpantay kami. Nakahalukipkip pa ito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "So, you're still here." wika nito. "May kailangan ka ba? Wala rito si Ran." Nakipagtitigan ito sa akin pero s'ya rin ang unang bumawi. "Hindi si Randolf, ang kailangan ko. Kundi ikaw." Turo nito sa mukha ko. Gusto ko rin itong duruin kaso mas pinili ko na lamang na mananatiling kalmado. "Ano'ng kailangan mo sa akin, Astrid?" Ngumisi ito tiyaka bahagyang lumapit sa akin. "Gusto kong layuan mo si Randolf." Nagulat ako sa kanyang sinabi. Pero sino ba s'ya para sundin ko? "Why would I?" "I'm pregnant, and he is the father of my child, Isabella." Mariin akong napalunok sa aking laway, dapat ba akong maniwala sa kanya? Totoo ba na buntis siya at si Randolf ang ama nito? Ngunit ano nga ba ang magagawa ko kung nagbunga ang kanilang pagmamahalan? Pilit kong pinakalma ang aking sarili upang huwag tumulo ang aking luha. "Bakit sa 'kin mo sinasabi? Alam na ba ito ni Randolf?" Taas noo pa rin akong nakipagtitigan sa kanya. Dahil ayaw kong nagmumukhang kawawa sa harap n'ya. "Oo, matagal n'ya nang alam at gusto n'ya akong pananagutan upang mabuo ang pamilya namin. Please, Isabella, hindi ka ba naawa sa magiging anak namin? Layuan mo na si Ran, dahil hindi ka naman talaga n'ya mahal." Para akong sinampal sa huli niyang sinabi. "Hindi ka naman talaga n'ya mahal," muli kong sambit sa aking isip. All this time pinapaniwala n'ya lamang akong mahal n'ya? Dahil nasa kanyang isip pa rin ang paghihiganti sa' kin. Marahil nga ay hindi na gano'n ang nararamdaman n'ya sa akin dahil matagal na panahon na rin kaming magkahiwalay. "NO! I need to talk to him first." Biglang nag-iba ang awra ng kanyang mukha. Parang gusto na ako nitong hampasin sa hawak n'yang bag. "Umalis ka na rito!" Sigaw n'ya sa akin. Akmang susugurin ako ay may biglang pumigil sa kanya. "Huwag na huwag kang magkakamaling saktan s'ya." Pabalya nitong binitiwan si Astrid tiyaka mabilis n'ya akong hinila palabas ng gate. Saan ba ako dadalhin ng lalaking 'to. "Ty-Tyrone. . . Saan mo ako dadalhin?" Hindi ito sumagot bagkus ay pinagbuksan lamang ako nito ng pintuan ng kanyang kotse tiyaka pinasakay. Seryoso lang ang mukha nitong nagmamaneho. Medyo malayo-layo na rin ang aming nilakbay. "Saan ba talaga tayo pupunta?" "Malalaman mo rin, Isabella," ngumiti ito at nakita kong lumitaw ang kanyang dimple sa kaliwa n'yang pisngi. Bakit parang pamilyar s'ya sa akin? "We're here." "Ano'ng lugar 'to?" Tanging ngiti lamang ang isinagot n'ya sa akin tiyaka umibis mula sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan n'ya ako sa aking siko at pumasok kami sa hindi kalakihang gate. Malayo pa lang kami ay tanaw ko na ang isang matandang babae na nakatayo sa may pintuan ng bahay. Nakangiti ito habang nakatanaw sa amin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang saya, hanggang sa makalapit na kami sa kanya. "Ito na ba si Isabella, apo?" "Opo, Lola," magalang n'yang sagot sa kanyang lola. Nagulat ako ng bigla na lamang akong yakapin ng lola n'ya. "Ang ganda-ganda mo, hija." Payak akong ngumiti sa kanya tiyaka nagmano. Pumasok na kami sa loob ng bahay, pero bakit madilim? Wala ba silang kuryente? Ngunit nagulat ako ng bigla na lamang lumiwanag ang paligid. "Surprised. . ." Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Yanah. Katabi nito si Ezekiel at may dalawa pang babae na medyo may katandaan na. "Yanah!" Humakbang ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. Sobrang miss na miss ko na itong kakambal ko. "Ellah, miss na miss kita kakambal ko." Umiiyak ito habang nakayakap sa akin at gano'n din ako. Nag-iyakan na kaming dalawa, wala na kaming pakialam sa aming paligid. "I missed you too, Yanah." "Oh, s'ya. Mamaya na iyang iyakan, kumain muna tayo at ako'y gutom na." Pukaw sa amin ng lola ni Tyrone. Pagkatapos ng isang masayang hapunan ay pumasok kami sa isang silid-aklatan. Dahil may mahalagang sasabihin sa akin ang babaeng maganda na medyo may edad na. Marahil ay ito ang nanay ni Tyrone dahil kahawig n'ya ito. "Isabella, dahil ikaw lamang hindi nakakaalam sa buong katotohanan ay dederetsahin na kita. Ako ang kapatid ng tunay n'yong Ina. Namatay s'ya dahil may sakit ito sa puso." Mahigpit akong napahawak sa kamay ni Yanah. Nangilid na rin ang aking mga luha. "Inilayo kayo sa amin ng iyong papa kasama ang kabit n'ya at naiwan sa amin si Tyrone. Si Corazon ang dahilan kung bakit namatay ang aking pinakamamahal na kapatid. Ang inyong Ina." Dahil sa mga nalaman ko ay hindi ko maiwasang magalit kay mama Corazon. Lalo pa at siya ang dahilan ng aming pagdurusa ni Yanah. Pero sa kabila ng lahat ay masaya ako dahil inalagaan n'ya kami at nakilala ko ang kuya namin na si Kuya Tyrone. Hinatid n'ya ako pauwi sa bahay ni Ran, papasok pa lamang ako ng bahay ay may naririnig akong mga halinghing na nanggagaling sa isang sulok. Nagmamadali akong nagtungo sa kinaroroonan ng ingay na iyon subalit nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang dalawang bultong walang ni isang saplot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD