CHAPTER 16

1148 Words
NABITIWAN ko ang aking dala-dalang plastic na naglalaman ng pagkain na para sana sa kanya. Lumikha iyon ng ingay na s'yang ikinalingon nilang pareho sa aking kinatatayuan. Para akong na statwa, hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Tulala lamang akong nakatingin sa kanila kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Nasa ibabaw pa rin ng babae si Randolf habang matalim na nakatingin sa akin. Para akong sinampal ng sampung tao dahil sa pamamanhid ng aking mukha. Gustong-gusto ko silang sugurin, pero mas pinili ko ang umalis at lumayo na lang. "Babe, continue pleased." dinig kong wika ni Astrid. Hindi ko na nakayanan ang senaryong aking nakikita kaya dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa palabas. PATAKBO akong lumabas ng bahay. Mabuti na lamang at hindi pa nakaalis si kuya Tyrone. Basang-basa ang aking mukha, sa sarili kong luha. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nakita kong bumaba s'ya mula sa kanyang sasakyan at mabilis na sumalubong sa akin. "What happened?" Tanong nito sa akin. Hindi ko malaman kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa aking nakita. "Wa-Wala, Kuya." Yumuko ako upang umiwas sa kanyang mga titig. "Iiyak ka ba ng ganyan kung wala s'yang ginawa sa iyo?" Nagtagis ang panga nito habang nakatanaw sa loob ng bahay ni Randolf. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Natatakot ako na baka magpatayan na naman sila. "Gusto ko ng magpahinga, Kuya." Mahinang saad ko. Pero bago ko pa man mabuksan ang sasakyan ay bigla akong napahinto dahil sa malakas na pagtawag sa aking pangalan. Alam kong si Randolf, iyon kaya hindi na ako nag-abalang lingonin s'ya. Nanatili akong nakatayo at nakatalikod. "Isabella. . ." tawag nito sa aking pangalan, subalit hindi ko s'ya nilingon. "Let's go, Ellah," seryosong wika sa akin ng kuya ko. Mabilis kong binuksan ang sasakyan ngunit maagap itong isinara ni Randolf, hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin. "Let me explain, baby." "Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag, dahil malinaw na sa akin ang lahat. Wala namang tayo 'di ba? Babae mo lang ako at parausan." Nanggigilid na naman ang aking mga luhat. Sapagkat nanatili pa rin akong nakatalikod. Ayaw kong humarap dahil baka masampal ko lang s'ya. "I didn't mean to do that, Isabella." Mahigpit n'ya akong niyakap mula sa aking likuran, tiyaka isinubsob ang mukha nito sa aking balikat. "Bitiwan mo 'ko! Nandidiri ako sa 'yo!" Pilit kong tinatanggal ang kanyang mga brasong nakapulupot sa aking baywang. "NO, Isabella. Huwag mo 'kong iiwan, just stay with me." Lumuluha s'ya na parang bata at nagmamakaawa. Samantalang si kuya Tyrone, ay nakamasid lamang sa amin. Matalim ang mga tinging ipinupukol nito kay Randolf. "Let go of her, moron!" Humakbang palapit sa amin si Kuya at hinila ako mula kay, Randolf. Mabilis n'yang binuksan ang sasakyan at sumampa na ako rito. Ayaw ko na s'yang makita pa, mas gustohin kong magpakalayo na lamang. Daig ko pa ang sinaksak ng isang matalim na punyal. Masakit. Ang sakit-sakit. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Inaaliw ko ang aking sarili upang huwag maisip ang tagpong aking nadatnan. "Magiging maayos din ang lahat, princess." Ginagap ni Kuya, ang aking kamay upang kahit papaano ay mapanatag ang aking kalooban. Payak akong ngumiti tiyaka muling tumingin sa labas. "Saan mo gustong tumuloy ngayon?" Tanong nito habang nasa daan ang atensyon. "Gusto kong sa Bacoor muna ako mananatili, sa Nanay ng kaibigan ko." Kumunot ang noo n'ya dahil sa aking sinabi. "Bakit doon pa? Eh, ang layo ng lugar na iyon." "Pansamantala lang naman ako roon, Kuya." Bumuntonghininga s'ya tiyaka napakamot sa kanyang kilay. Hindi muna ako uuwi sa bahay ni Auntie Lusing, tiyak na sesermonan lamang n'ya ako. "Ayaw mo bang umuwi sa bahay natin?" Marahan akong umiling. "Hindi muna Kuya, ayaw ko silang maabala." "Hindi ka naman nakakaabala, Isabella. Matagal nilang hinintay ang pagkakataong ito, na makasama ka nila. Kayo ni Yanah, pero naintindihan kita. Alam kong gusto mong mapag-isa." Mahabang salaysay nito tiyaka muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Nag-aagaw ang liwanag at dilim ng makarating kami sa Bacoor. Kaagad naman kaming sinalubong ni Tiya Damiana, tiyaka pinapasok sa loob ng kanilang bahay. "Tumawag sa akin si Dhesa, kanina. Ang sabi n'ya ay darating ka raw. Kaya naghanda ako ng masarap na hapunan." Nakangiti ito habang nagsasalita. "Pinadalhan ko nga po s'ya ng mensahe bago kami patungo rito, Tiya." Sabi ko naman na may ngiti sa labi. "Sino ba itong kasama mo, Ellah. Kay gwapong binata." "Kuya ko po, Tiya." sagot ko. Humarap s'ya kay kuya Tyrone, tiyaka hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ipapaasawa kita sa anak kong si Dhesa, papayag ka ba hijo?" Nangingiti si kuya habang nakatingin din kay Tiya Damiana. "Sure, why not." Sagot naman ng pilyo kong kuya. Pumapalakpak pa si Tiya Damiana hudyat ng pagpayag ni kuya sa gusto niya. Nasa trabaho pa kasi si Dhesa, ang sabi ko kasi kay kuya ay hintayin niya ito para maipakilala ko sila sa isa't isa. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang kaibigan ko. Natigilan pa ito ng makita n'ya ang kuya ko na prenteng naka upo sa sofa. Natawa ako ng lihim dahil nagkatitigan pa silang dalawa. Tumikhim ako upang maagaw ko ang kanilang atensyon. Ngumiti ng malawak ang kaibigan ko tiyaka sinalubong ako ng yakap. "Mabuti naman at naisipan mo pa akong puntahan dito bruha ka," kunway nagtatampo ito. Kumalas s'ya mula sa pagkakayakap sa akin tiyaka nilingon ang kuya ko na ngayon ay nakatingin ito sa kanya. "Sino iyong kasama mo?" Mahinang tanong nito sa akin. "Boyfriend ko," biro ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata n'ya. "Ang gwapo n'ya, mallows." Kinikilig nitong wika. "Crush mo ba s'ya, mallows?" Tinampal n'ya ako sa aking balikat. "Hindi no!" Muli s'yang tumingin sa kinauupuan ng kuya ko na ngayon ay may kausap na sa kanyang telepono. "Hindi ko s'ya boyfriend, dahil s'ya ang kuya ko." turan ko sa kanya. "Ku-Kuya mo? 'di nga? Tiyaka wala kang nabanggit sa akin kundi si Yanah lang na kakambal mo." "Kahit ako nga ay hindi makapaniwala. Kanina ko lang din nalaman na magkapatid pala kami." Pagkatapos ng hapunan at mahabang kwentohan ay nagpaalam na sa amin si Kuya. Humalik muna s'ya sa aking pisngi tiyaka umalis. "Pagpahingahin mo na si Ellah, anak. Naihanda ko na ang kanyang tutulogan." "Opo, Nay," sagot nito sa kanyang ina. Muli itong bumaling sa akin. "Mukhang masungit ang kuya mo," wika nito. "Mukha lang iyon, mallows pero mabait si Kuya." Ngumuso lang ito sa akin tiyaka tumayo, sumunod naman ako sa kanya habang paakyat sa hagdanan. Inihatid n'ya ako sa aking magiging silid-tulogan. Agad naman akong naglinis ng katawan dahil may ibinigay naman silang damit na para akin at ng may masuot ako. Saglit kong nakalimutan ang sakit na aking nararamdaman. Subalit unti-unti na naman itong bumabalik sa aking isipan. Malinaw na malinaw pa rin sa akin ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD