The Cold Secret Agent
(THE ANTS SERIES 4)
CHAPTER 17
Tyrone's Pov
KASALUKOYAN akong nagmamaneho pabalik ng Manila. Babalikan ko ang lalaking nanakit sa aking kapatid. Hindi ko hahayaan na basta na lamang n'yang sasaktan ng gano'n si Isabella.
Ipaparanas ko rin sa kanya ang sakit na dinanas ng aking pinakamamahal na kapatid. Like what I did to Ezekiel. Ibinalik ko sa kanya ang pananakit na ginawa n'ya kay, Yanah.
PAST
HABANG nagmamasid sa paligid ng mansyon ng mga Vergara ay nakita kong palabas ng gate si Ezekiel. Hila-hila nito ang babaeng matagal ko ng hinahanap, ang kapatid ko.
Pasimply akong lumapit sa kanilang kinalalagyan upang marinig ko ang sinasabi ng walang hiyang lalaking 'yon sa kapatid ko.
Subalit hindi ko na sila naabutan dahil mabilis itong nakasakay ng kanilang sasakyan at pinaharurot ito papalayo. Saan kaya dadalhin ng mokong na iyon ang kapatid ko.
Tinungo ko ang aking sasakyan upang sundan sila. Huminto ang kanilang sasakyan sa isang mamahaling restaurant, pero ilang minuto na lamang ang lumipas subalit hindi pa sila bumababa sa sasakyan.
Hindi ko inaalis ang mga tingin ko sa kotseng lulan nila. Mayamaya pa ay bumaba na si Ezekiel, umikot ito sa kabilang side upang pagbuksan si Yanah.
Subalit bigla na lamang uminit ang ulo ko ng makita kong ibang babae ang bumaba sa kotse nito. "Nasaan si Yanah?" Tanong ko sa aking sarili. Inantay ko munang makapasok ang dalawa sa restaurant bago ako bumaba sa aking sasakyan.
Humakbang ako papalapit sa sasakyan na nakaparada at pilit na inaaninag ang loob nito. Napakunot-noo ako ng makita kong may tao sa loob. Lumapit pa ako ng bahagya at kinatok ang bintana ng kotse.
Hindi naman ako nabigo at bumukas pababa ang glass window nito. Luhaang mga mata ng babae ang bumungad sa akin. Parang piniga ang puso ko ng makita ko s'ya. Mas lalo lamang nadagdagan ang galit ko sa Vergarang iyon.
Sinaktan n'ya ang kapatid ko. Hindi lang emotional kundi pati physical. Nababakas ko pa ang mga pasa nito sa kanyang braso at magkabilang pisngi. Pilit s'yang ngumiti pretending to be okay. I smiled back at her.
"Is he your husband?" Turo ko sa lalaking papalabas na ng restaurant. Nagulat s'ya sa aking tanong. At puno ng takot ang kanyang mga mata.
"Hindi ko s'ya asawa, kaya umalis ka na. Baka madamay ka pa." Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi, bagkus gusto kong makita ang reaksiyon ng Ezekiel, na 'yon.
Bumaba ito ng sasakyan nang makita n'yang papalapit na si Ezekiel, sa aming kinalalagyan at hinila n'ya ako palayo upang hindi kami makita ng lalaki.
Subalit hindi ako nagpatinag sa kanya, nanatili akong nakatayo sa gilid ng mamahalin nitong sasakyan.
"Ano'ng nangyari riyan sa braso mo? Bakit may mga pasa ka?" Sinadya ko iyong itanong upang marinig ng demonyong lalaki na ito.
"None of your business, kaya pwede ba umalis ka na lang. Hindi naman kita kilala eh."
"Makikilala mo rin ako, Ms. Aejares."
Hinapit ko sa baywang si Yanah, at idinikit sa akin ng makalapit sa amin si Ezekiel. Nababanaag ko sa kanyang mga mata ang galit, nagtagis ang kanyang panga habang nakatingin sa aking kamay na nasa baywang ng kapatid ko.
Ngumisi ako habang matalim na nakatingin sa kanya. Alam kong nagseselos ito. Lalaki ako kaya alam ko ang likaw ng bituka n'ya.
"Let go of my wife," utos nito sa akin. Nginisihan ko lamang s'ya ng nakakaloko.
"What a beautiful endearment, Mr. Vergara. You're a sweet, husband huh." Tudyo ko sa kanya. Ngunit nagkasukatan kami ng tingin at hindi ko pa rin binitiwan si Yanah.
Natuon ang kanyang mga mata sa aking kamay na nakakapit pa rin sa baywang ng kapatid ko. Samantalang ang babaeng kasama niya ay nakataas pa ang kilay habang nakatingin lang sa aming dalawa ni Ezekiel.
Humakbang palapit sa amin si Ezekiel, at mabilis na hinaklit si Yanah. Subalit napahinto s'ya dahil mahigpit din ang pagkakahawak ko sa aking kapatid.
"Bitiwan mo na lang ako. Ayaw kong mag-aaway kayo rito," mangiyak-ngiyak nitong saad.
"NO! Hindi ko na hahayaan na sasaktan kang muli ng lalaking 'yan," turo ko sa lalaking kaharap namin.
Binitiwan n'ya ang kamay ni Yanah, at humalukipkip habang nakangisi ng nakakaloko.
"Kung alam ko lang sanang hindi lang pala isang lalaki ang gusto mo, matagal na kitang pinaubaya sa mga tauhan ko. Nangangati ka rin pala." Mabilis kong inundayan ng suntok si Ezekiel, sapo nito ang kanyang panga na tinamaan ng aking kamao.
"Gago ka pala, eh! Huwag na huwag mo s'yang babastusin sa harapan ko!" Galit kong wika sa kanya.
Muli ko s'yang inundayan, hanggang sa magpalitan kami ng suntok, nakita kong dumugo ang kanyang labi at ilong.
"Sa susunod na babastusin mo s'ya ay hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin."
Hindi malaman ni Yanah kung sino ang lalapitan n'ya sa aming dalawa, palipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Ezekiel.
Walang sabi-sabi na hinatak ko si Yanah palayo at dinala sa aking sasakyan na nakaparada sa 'di kalayuan.
"Magtiwala ka lang sa akin, Yanah. Magiging maayos din ang lahat." Pinunasan ko ang kanyang mga luhang tumulo sa pisngi nito.
"Si-sino ka ba talaga. Ba-bakit mo ako tinutulongan? At bakit mo ako kilala?" Hinaplos ko ang kanyang pisngi tiyaka hinagkan sa kanyang noo.
"Malalaman mo rin mamaya."
PRESENT
MABILIS kong naiparada ang aking sasakyan sa harap ng bahay ni Randolf, gusto ko s'yang bugbugin hanggang sa mawalan s'ya ng malay.
Umibis ako mula sa aking kotse at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Agad ko na hinanap si Randolf ngunit hindi naman ako nabigo dahil kaagad ko s'yang nakita.
Kasama nito si Astrid habang nasa bar counter sila ay halos magpakandong na ang babae sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit nasasaktan ang aking kapatid. Hindi na ako nagdadalawang isip at mabilis kong binigwasan si Randolf.
Napasigaw ang babae dahil sa gulat. Nakahandusay ngayon sa sahig si Randolf, dahil sa lakas ng aking pagkakasuntok sa kanya.
"What the hell! What's wrong with you Tyrone!" Sigaw nito sa akin habang hawak ang pangang tinamaan ng kamao ko.
"Get up, moron. Fight with me, com'on."
"Ano ba'ng problema mo! Kung si Isabella, ang dahilan iyong-iyo na s'ya!" Mas lalong nagpantig ang tainga ko dahil sa kanyang sinabi.
Pagkatapos n'yang gawing parausan basta-basta na lamang n'yang ipamigay. Paano na lang kung ibang tao ako.
Muli ko s'yang sinuntok hanggang sa dumugo ang kanyang mukha. "How dare you hurting my-," hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin dahil mabilis na dinaganan ng babae si Randolf.
"Tama na!" Sigaw ni Astrid, pero hindi ko iyon pinansin. Tinulak ko palayo ang babae. At patuloy lang ako sa pagsuntok sa kanya hanggang sa may biglang humila sa akin.
"Ano'ng nangyayari sa inyong dalawa? Halos magpatayan na kayo?" Galit ang mukha ni Clark, habang nakatingin sa aming dalawa ni Randolf.
Binawi ko ang aking kamay na hawak ni Sniper tiyaka walang imik na lumabas ng bahay. Napansin kong sumunod sa akin si Drake, ngunit 'di ko na iyon pinansin. Akmang bubuksan ko na ang aking sasakyan subalit biglang pinigilan ni Agila.
"Tyrone, ano ba'ng problema?"
"He's hurting Isabella, at hinding-hindi ko matatanggap 'yon."
"Dude, kilala kita. Alam kong hindi ka basta nananakit ng tao kapag walang malalim na dahilan."
Hindi ko malaman kung sasabihin ko ba kay Drake ang katotohanan. Tanging si Clark lamang ang nakakaalam tungkol sa amin nina Yanah at Ellah.
Bumuntong hininga muna ako bago ko s'ya sinagot.
"Isabella is my long lost sister, Agila. At ayaw kong sinasaktan s'ya ng kung sino lang kahit ang hayop pa iyon na Randolf. Hinding-hindi ko s'ya mapapatawad."
"I feel you, dude." Tinapik-tapik n'ya ako sa aking balikat.
"Katulad mo rin ako no'ng sinaktan ni Clark ang kapatid kong si Krishna, halos patayin ko na rin si Sniper. Kaya naintindihan kita."
"Thank you, dude. I have to go."
Habang binabaybay ko ang kahabaan ng high way ay biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng kaibigan ni Isabella.
That woman, parang inaakit n'ya ako sa pamamagitan ng kanyang mga titig. Pagkaalala ko ay Dhesa ang kanyang pangalan, bagay na bagay sa maganda n'yang mukha. Ipinilig ko ang aking ulo upang mawaglit sa isip ko ang babaeng iyon.
Na-love at first sight ba ako sa kanya? Sa totoo lang ay ngayon lamang ako nakakaramdam ng ganitong feeling. Sa kanya ko lang ito naramdaman.