The Cold Secret Agent
(THE ANTS SERIES 4)
CHAPTER 18
Yanah's Pov
PALABAS ako sa kusina ng makasalubong ko si kuya Tyrone. Salubong ang kilay nito at halos hindi na maipinta ang kanyang mukha.
"Hi, Kuya." Nag-angat ito ng mukha sa akin at payak na ngumiti. Nababanaag ko sa kanyang mga mata ang galit. Humakbang ako palapit sa kanya at kumapit sa kanyang mga braso.
"What happened to you, Kuya? At ano'ng nangyri riyan sa labi mo. Bakit dumugo 'yan?" Subalit tanging ngiti lamang ang isinagot nito sa akin.
Bumitiw ako sa pagkakapit sa kanya tiyaka tinungo ang medicine cabinet upang kumuha ng gamot. Pagbalik ko ay naka upo na si Kuya sa sofa habang nagtagis ang kanyang panga. Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanyang aparato.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya tiyaka inilapag ang medicine kit sa lamesita. Umupo ako sa harapan n'ya at pinakatitigan s'yang mabuti.
"Hey, ano'ng klaseng pagtitig 'yan huh," puna nito sa akin ng mahuli n'ya akong nakatitig sa kanya. Ngumuso ako at tumayo upang tumabi rito.
"Parang ang lalim kasi ng iniisip mo, Kuya. May problema ba?"
"Wala princess, don't mind me." Muli itong yumuko at itinuon ang tingin sa kanyang telepono.
"Gagamutin ko na lang ang sugat mo sa labi." Nilingon n'ya ako at umiling. "I'll be fine, malayo ito sa bituka."
Kahit hindi pa namin masyado kilala ang isa't isa pero nakikita ko sa kanyang mukha ang galit. Alam kong mayroon s'yang problema subalit hindi n'ya lang ito sinasabi.
"Kuya, handa akong makinig. Sabihin mo lang sa akin, ano ba'ng problema?" Tumingin ito sa akin at bumuntong hininga. Tiyaka muling itinuon ang atensyon sa kanyang aparato. May pinindot ito roon na parang video at itinapat sa aking mukha.
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nasilayan. Isang bulto ng lalaki at babae na parang sanggol na walang ni isang saplot sa katawan. Hindi ko man sila kilala pero alam kong may kinalaman ito sa kanya.
"Who are they?" Takang tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ang mga tingin sa magkaniig na nasa vedio.
"Tapusin mo muna sa panonuod ang vedio na 'yan," wika nito. Kumunot ang aking noo ng makita ko si Ellah, habang nakatingin sa magkaniig. Nakita kong umiyak ito at patakbong lumabas ng bahay.
Nakita ko sa vedio na parang nasisiyahan pa ang babaeng haliparot na iyon, habang nakita n'yang umiiyak ang kakambal ko. "Humanda sa akin ang babaeng 'yon," galit kong wika sa aking isip.
"Sino ba sila, Kuya? Bakit nandoon si Ellah, at pinanuod pa ang dalawang 'yon?"
"S'ya si Randolf ang ex-boyfriend ni Isabella," sabi nito. Kahit hindi ko s'ya nakilala sa personal pero kilala ko s'ya sa pamamagitan ng mga kwento ni Ellah, no'ng nasa states pa lang ako. Wala itong bukambibig kundi ang pangalan lamang ni Randolf.
"How about that girl. Who is she?"
"She's Astrid, ang ex-fiance ni Randolf." Natutop ko ang aking bibig. Hindi nga ako nagkamali ang higad na Astrid nga iyon.
"Ang buong akala ni Randolf, ay lalaki ako ni Ellah. Hindi n'ya alam na magkapatid kami, kaya gumanti s'ya at ginamit n'ya ang kanyang ex-fiance na patay na patay sa kanya na si Astrid." Mahabang litanya nito.
Biglang kumulo ang aking dugo, gusto ko silang pagsasampalin. Ang kapal ng mukha nilang saktan ang kakambal ko. Humanda sila sa akin, lalo na ang Astrid na iyon.
"How's, Ellah? Is she okay?" Nag-alala kong tanong.
"Yeah, she's fine now. Nasa Bacoor s'ya ngayon," tugon nito.
Naawa ako sa kakambal ko, kailangan pa n'yang lumayo upang makaiwas sa sakit na kanyang nadarama ngayon. Parang piniga ang puso ko sa aking mga nalaman, kaya humanda sila sa akin.
Ang landi talaga ng Astrid na iyon, pagkatapos kay Ezekiel, kay Randolf na naman. Mabuti na lamang at hindi s'ya pinatulan ni Kiel.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kuya ay umalis na ito.
Habang ako'y nagmamaneho sa aking sasakyan ay hindi ko maiwasang magalit dahil sa kanilang ginawa sa kakambal ko. Gusto ko silang gantihan, lalong-lalo na iyong, Astrid na haliparot na 'yon.
Ipinarada ko ang aking sasakyan mula sa 'di kalayuan. Ito na yata ang sinasabi ni kuya Tyrone na Ants Ville Subdivision. Nabanggit din n'ya sa akin na mayroon s'yang bahay rito subalit hindi ko alam kung saan banda.
Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makita ko si Randolf at Astrid para makaganti sa kanila. Sayang ang outfit ko kung hindi nila makita, ginaya ko pa naman ang pustura ni Ellah, para hindi agad ako mahalata.
Papalapit ako sa guard house nang bigla na lamang akong sinalubong ng isang may kaidaran ng guwardiya. Nakangiti ito sa akin at ganoon din ako sa kanya. Marahil ay kilala na n'ya si Ellah.
"Magandang araw ho ma'am Ellah, mabuti naman at bumalik na kayo." Tumango ako sa kanya at ngumiti, dahil sa tuwing magkasama kami ni Ellah, ay tango at ngiti lamang ang ginagawa n'ya kapag binati s'ya ng mga guwardiya sa mall.
"Nariyan ba si Randolf?" Tanong ko rito.
"Oho, kararating n'ya lang din at parang may kasama s'ya."
Hindi na ako nagulat sa huli n'yang sinabi. Alam kong magkasama talaga sila sa babaeng higad na 'yon. Humanda sila sa akin. Pero ang tanong, saan ko kaya mahahanap ang bahay ng malantod na lalaking iyon.
Huminto ako sa paglalakad dahil may naisip agad akong idea kaya nagmamadali akong bumalik sa guard house.
"Oh, Ma'am, bakit po kayo bumalik?" Tanong sa akin ng guwardiya.
"Medyo nahihilo po ako, pwede bang samahan mo ako sa bahay ni Randolf?"
"Walang problema ma'am Ellah, tara na ho."
Panay ang linga ko habang nakasunod kay Manong Guard. Sobrang ang gaganda pala talaga ng mga bahay rito. Pang mayaman ang datingan, subalit napakunot ako sa aking noo ng mamataan kong nakatayo sa 'di kalayuan si Kiel, habang may kausap itong isang matangkad at guwapong lalaki.
Bahagya akong yumuko upang hindi n'ya ako makilala. "Nandito na ho tayo, Ma'am," saad nito sa akin. "Salamat po sa paghatid, Manong." Tumango ito tiyaka tumalikod upang bumalik sa kanyang puwesto.
"So, ito pala ang bahay ng Randolf na iyon, huh," bulong ko sa aking isip. In fairness maganda at malaki ang bahay, ang swerte ni Ellah kung sakali man.
Humugot muna ako ng isang malalim na buntonghininga, tiyaka pinindot ang doorbell ng tatlong beses. Hindi naman ako nainip sa kahihintay na pagbuksan ng gate dahil kaagad itong bumukas.
Isang napakagandang babae ang bumungad sa akin. She looks innocent, kaysarap pagmasdan ang mapupungay n'yang mga mata, ang makinis nitong mukha, ang matangos na ilong at mapulang labi.
Mas lalong nadagdagan ang kanyang kagandahan nang ngumiti ito sa akin, at lumitaw sa kanyang magkabilang pisngi ang malalim nitong mga biloy.
"You must be, Ellah, right?" Tumango ako sa kanya at ngumiti. "My name is Alex, I'm Randolf sister."
Malawak ang mga ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi at hindi ako nagdadalawang-isip na tanggapin ang kanyang nakalahad na kamay.
"Nasa loob si Kuya, kanina ka pa n'ya hinihintay," nakangiting wika nito. May malaking question mark sa aking ulo. Ako hinihintay? Este si Ellah? Pero paano? Nasa Bacoor ngayon ang kakambal ko kaya impossibly na s'ya ang hinihintay ni Randolf.
"Sige, pasukin ko muna si Ran." Akma na sana akong papasok sa bahay pero nagulat ako ng hawakan n'ya ako sa aking kamay.
"Wait, hindi kita masasamahan sa loob, ate Ellah. I have to go na. Rafael's waiting for me kasi, eh." Nakanguso pa ito habang nagsasalita.
"It's okay, Alex," saad ko. Yumakap pa ito sa akin tiyaka hinalikan ako sa aking pisngi na s'yang ikinagulat ko. Ang bait at ang sweet pala ng kapatid ni Randolf. Pero ang kuya n'ya ay manloloko at mapanakit na nilalang.
Nang makaalis na si Alex ay tuloy-tuloy na akong pumasok sa kabahayan. Ngunit napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako nang isang ugong ng sasakyan. Dahan-dahan akong lumingon sa may gate. Isang pulang sasakyan ang kapapasok pa lamang at huminto ito sa malawak na bakuran.
Lihim akong napangiti ng makita ko ang babaeng higad na bumaba mula sa kanyang kotse. Naka-cross arms ako habang matalim na nakatingin sa kanya.
Nagulat pa ito ng makita n'ya akong nakatayo sa may pintuan. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa sabay taas ng kilay. Tinalbugan ko yata s'ya sa kanyang beauty.
"What the hell are you doing here?" Taas kilay nitong tanong. At syempre, hindi rin ako nagpapatalo kaya tinaasan ko rin s'ya ng kilay.
"Isn't obvious? I'm Randolf's girlfriend kaya natural lamang na narito ako sa pamamahay n'ya."
Marahil ay mayroon silang date ngayon, kaya pagkakataon ko na ito upang sirain sila.
"Girlfriend? Really? Pwes, gusto kong ipaalala sa iyo na ako lang naman ang fiancé n'ya."
Humakbang ako palapit sa kanya at sinabing, "Paano kung sabihin ko sa iyo na, ginagamit ka lang n'ya?" Hindi s'ya nakasagot, subalit matalim n'ya akong tinitigan.
"Hindi totoo iyan! Nagsisinungaling ka lang!" Sigaw nito sa akin kasabay ng pagsampal nito sa akin ng malakas. Ngumisi ako ng nakaloloko na mas lalong nagpapainis sa kanya.
Nang makahuma ako ay sinampal ko s'ya ng mag-asawang sampal. Nawalan ito ng balanse kaya natumba ito sa lupa. Lumuhod ako upang mapantayan s'ya, at pinisil ko ang kanyang baba at galit na galit ang mukha nitong nakatingin lang sa akin.
"Huwag mo nang angkinin ang bagay na pag-aari na ng iba. Niluwa ka na nga, gusto mo pa na isubo pang muli, desperadang higad." Patulak ko siya na binitiwan dahilan ng kanyang pagkasubsub.
"What's going on here?" Isang baritonong boses ang nagpatigil sa akin. Napangiti na naman ako ng lihim. Dahan-dahan akong tumayo at pumihit paharap sa kanya.
"Surprised?" Ngumiti ako sa kanya ng napakatamis, nanlaki ang kulay asul n'yang mga mata nang makita n'ya ako.
Hindi nito pinansin si Astrid ng tawagin s'ya ng babae. Nakatitig ito sa akin at nababanaag ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pagsisisi.
Lumapit ako sa kanya at mabilis kong pinadapo ang aking mga palad sa kanyang pisngi at nakita ko ang biglang pamumula nito.
"How dare you hurting, Isabella. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang kanyang pinagdadaanan. Tapos gano'n mo lamang s'ya kadaling saktan!"
"Yanah?" Usal nito sa aking pangalan, marahil ay naikwento ako ni Ellah sa kanya.
"Where is she now? Please tell me."
"Hanapin mo dahil hindi ko alam kung nasaan s'ya. Dinala mo s'ya rito sa pamamahay mo tapos pababayaan mo lang din naman pala."
"I'm sorry, Yanah. Hindi ko intensyon na saktan s'ya ng ganoon."
"Huwag ka sa akin humingi ng sorry." wika ko sabay talikod. Hindi ko na tinapunan pa ng tingin ang iprokitang higad at tuloy-tuloy na ako sa aking paglalakad palabas.