CHAPTER 19

1109 Words
The Cold Secret Agent (THE ANTS SERIES 4) CHAPTER 19 Randolf's Pov ABALA ako sa pagluluto dahil pupunta ngayon si Clark sa bahay ko. Gusto raw nitong makausap si Astrid Sandoval. Ang kapatid ng kasamahan naming agent noon na nag-trydor sa amin. Habang ako'y nag-aayos ng mesa ay may narinig akong ingay na nagmumula sa labas. Parang nag-aaway ang mga ito kaya nagmamadali na ako sa aking ginagawa upang puntahan ito. I was surprised when I saw her. Mabilis akong lumapit sa kanya upang yakapin s'ya, subalit nagulat ako ng sinalubong n'ya ako ng malakas na mag-asawang sampal. Nabaling ang aking mukha sa kabilang side dahil sa sobrang lakas ng pagkasampal nito sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala s'ya kalakas, nasapo ko ang aking pisngi na ngayon ay parang namamanhid. "How dare you hurting, Isabella." Mahina ngunit may diin ang pagkakasabi nito. Hindi pala s'ya si Isabella, kundi ang kakambal n'ya. "Yanah. . ." tanging usal ko sa kanyang pangalan. Subalit napatingin ako sa babaeng nakahandusay sa lupa. Pulang-pula ang baba nito pati ang magkabilang pisngi n'ya, gulong-gulo rin ang kanyang buhok. Marahil ay sinampal ito ni Yanah at sinabunutan. Sinubukan ko s'yang tanongin kung nasaan si Ellah, ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Tinalikuran na n'ya ako at tuloyan ng lumabas ng aking bahay. Tulala ako habang pinapanuod ang kanyang papalayong pigura. Gusto ko itong sundan upang kumbinsihin, pero kailangan ko munang kunin muli ang loob ni Astrid. Nakita ko lang ang inakala kong si Isabella, ay nakalimutan ko na agad ang usapan namin ni Clark. PAST "Pabayaan mo muna si Isabella, Machine Gun. Mag-focus ka kay, Astrid. Kailangan mo s'yang mapaniwala na mahal mo pa ito." "I can't do that, Sniper," sabi ko sa kanya. "Yes, you can," tugon naman nito sa akin. "Alam mong mahal na mahal ko si Isabella, hindi ko s'ya maaaring pabayaan. Matagal na panahon akong nangulila sa kanya, sasayangin ko pa ba ang pagkakataong ito?" Mahabang paliwanag ko. "Ako na ang bahala sa kanya, ipapahanap ko s'ya kay, Tanya." Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lamang sa kanyang kagustohan. Big boss, eh, kaya dapat na lamang tayong sumunod. "Just prepare, dahil ikaw ang makakasama ng bagong team natin." "Sino?" Kunot-noo kong tanong. "Makikilala mo rin s'ya." Tinapik n'ya ako sa aking balikat tiyaka lumabas ng aking opisina. Pero muli itong dumungaw sa pintuan. "I'll see you tomorrow in your house. Prepare everything, I want to talk to your loving girlfriend, Astrid." Humagikgik pa ito habang tinitingnan ako. "f**k you, Clarkson. Get out of my office." Pagtataboy ko sa kanya. Humalakhak pa ito bago tuloyang nawala sa aking paningin. "Damn that man," pakli ko sa aking isip. PRESENT TINULONGAN kong itayo si Astrid at inayos ang kanyang nagulong buhok. "Are you okay, babe?" "Ano sa tingin mo ha, Randolf! Okay ba ako sa lagay na 'to?" Galit nitong wika sa akin. Buti nga sa iyong babae ka, sinaktan mo ang Isabella ko kaya nararapat lamang iyan sa iyo. Kinalma ko ang aking sarili upang huwag siyang masigawan. "Hey, calm down okay?" Pag-aalo ko sa kanya, tumango naman ito bilang pagsang-ayon. Inalalayan ko s'ya papasok ng bahay, pinaupo ko muna s'ya sa sofa habang hinihintay si Clark. "Babe, bakit mo nga pala ako pinapunta rito?" Tanong nito sa akin habang nakasandal sa aking balikat. "Gusto kang makilala ng kaibigan ko," tumingala ito sa akin sabay sabing, "talaga, babe? Can't wait to see him. I'm so excited na." Hindi naman nagtagal ay dumating na si Clark. Nag tataka itong tumingin sa akin tiyaka kay, Astrid. Hindi ko makuha kong ano ang ibig n'yang ipahiwatig. Nang makalapit na ito sa amin ay kaagad s'yang nagpakilala kay, Astrid. Mabilis naman na tinanggap ng babae ang nakalahad na palad ni Sniper. Tumingin ito sa akin at kumindat. Alam kong may binabalak ang mokong na ito, kaya nagkibit-balikat na lamang ako. "Ang guwapo pala ng kaibigan mo, babe. Sana makilala ka rin ng Ate ko, Clark." "Hmm. . . Mas maganda kong makilala ko s'ya," wika ni Clark, sabay tingin sa akin. "Mas mabuting kumain muna tayo ng lunch, kanina pa nakahanda ang pagkain sa lamesa." Sabat ko sa kanilang usapan. "That's great, gutom na ako, babe." Nauna nang naglakad patungong dining area si Astrid, habang kami ni Clark ay naiwan sa salas. "Ano'ng binabalak mo, Sniper?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. "Manuod ka lang, Machine Gun," sabay ngisi. "Gusto mo bang malaman ito ni Krishna?" Inis kong pakli sa kanya. "Gago! Ano ba'ng iniisip mo, huh!" Sabay tawa ng malakas. Sinapak ko s'ya sa kanyang balikat, "hindi mo 'yan pwedeng gawin sa bahay ko, Sniper." "Relax okay? Mali 'yang iniisip mo, Machine Gun. Lima na ang anak ko kaya hindi ko na magagawa iyang nasa iyong isipan." Bumuntonghininga na lamang ako upang maginhawaan tiyaka hinatak s'ya patungong dining area. Pagkatapos naming kumain ay nag-ayang makipag-inoman si Clark. Balak n'ya yatang lasingin si Astrid. Napailing na lamang ako tiyaka kumuha ng alak. Nagsimula na kaming mag-inuman. Mga ilang oras pa lamang ay lasing na si Astrid, dahil madaldal na at marami na itong sinasabi. "You know what, Clark. I hate my life dahil palagi na lang akong sunud-sunuran sa half-sister kong si Priscilla Sandoval. P*t*ng ina, agent daw pero meyembro ng isang illegal drugs." Nagkatinginan kami ni Clark, hindi nga ako nagkamali. "Paanong naging sunud-sunuran ka sa kanya?" Tanong ni Clark sa babaeng lasing na. "Ako ang ginagawa n'yang a set, kaya nalaman kong isa kayong mga agent dahil sinabi n'ya iyon sa akin." Tumawa pa ito dala ng kalasingan. So, ibig sabihin ay matagal na n'yang alam ang lahat sa amin. "What are we going to do now, Clark." Bulong ko sa lalaking katabi ko upang hindi kami marinig ni Astrid. "Kailangan nating malaman kung nasaan ngayon ang kapatid n'ya." wika ni Clark. "Nasa San Jose ngayon ang half-sister ko, pero nasa Plaridel Bulacan ang kanilang hide out." Nag-angat ito ng tingin sa amin tiyaka nilagok ang huling alak sa kanyang kopita. "We need to hurry," sabi ko habang nilalagyan ng tracking device ang telepono ni Astrid. Marami kaming nakuhang impormasyon tungkol sa kanya at maraming mga messages kaming nababasa. "Ikaw ang in-charge rito, Machine Gun. Nakausap ko na rin kanina ang bago nating makakasama. Ang bagong team ants." "Copy that, Sniper," tugon ko habang sa computer naka-focus ang aking atensyon. Lahat ng mga numerong nakalagay sa contacts ni Astrid ay tin-race ko iyon upang malaman ko kung sino-sino ang mga iyon. "I got them all, Sniper at naka-save na sila sa aking device." "Good," sambit nito. Curious ako sa bago naming ka-team. Pakiramdam ko ay kakilala ko lang ito. Pero sino?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD