CHAPTER 10

1073 Words
ILANG sandali pa ang nakalipas ay lulan na akong muli sa kotse ni Ran. Hindi niya ako kinakausap, ni wala itong imik sa akin. Deretso ang tingin sa daan. Naka sunod naman sa amin ang van na sinasakyan ng kanyang mga kasamahan. Sina Ezekiel at ang kanyang mga tauhan naman ay lumihis ng daan upang hanapin ang kakambal ko. Miss na miss ko na si Yanah, gusto ko ng yakapin siya. Pagkaraan ng limang minuto ay nasa harap na kami ng kanyang bahay. Nauna siyang bumaba samantalang ako ay nanatili pa rin sa loob ng kotse. Ngunit muntik na akong mahulog ng biglang bumukas ang pintuan. "Wala ka bang balak bumaba? Oh, baka gusto mong kaladkarin pa kita palabas. "Seryosong saad nito. "I wanna go home, I miss my Aunt." "You're, Aunt? Or that badass." mapanuyang saad nito. "My Aunt!" sigaw ko. Pero bigla niya akong hinila at kinaladkad papasok ng bahay. "Bitiwan mo ako, Randolf!" Ngunit daig pa nito ang bingi. Hanggang sa makarating kami sa pangalawang palapag at dinala sa kanyang kuwarto. "Hindi ka uuwi hangga't hindi ko sinasabi, Isabella." "Bakit ba ayaw mo akong pauwiin, Ran. Ano pa ba ang kailangan mo sa akin. Nakuha mo na ang gusto mo." Hindi niya ako sinagot bagkus ay humakbang siya palabas. Kaya nakahinga ako ng maluwang. Akala ko ay tuloyan na itong lumabas ngunit isinara niya lang pala ang pintuan at ini-lock. "Ayaw kong makikipagkita ka pa sa lalaking iyon, Isabella. I'm warning you." Sino ba siya para pagbawalan akong makipagkita kay Ezekiel, eh, asawa ko naman siya. Hindi ko nga siya pinapakialaman kahit halos maglampungan na sila ni Lumpyang Astrid, sa harap ko. Nag-angat ako ng mukha at matapang ko siyang tiningnan. "Sino ka ba para pagbawalan ako? You are nothing. And in the first place, Ezekiel is my husband." Biglang dumilim ang kanyang mukha, kulang na lang ay lamunin niya ng buhay. Mariin akong napalunok dahil pakiramdam ko ay susugurin ako ng sampal ng ano mang oras. "Really, Isabella? Bakit ka pa nagpakita sa akin at humingi ng tawad?" Bigla akong natameme at walang mahapuhap na sagot. Mali bang nagpakita pang muli sa kanya? Pero iyon ang utos ng puso ko, ang humingi ng kapatawaran upang magiging maayos ang lahat. "Oh, ba't natahimik ka riyan?" Hindi ako sumagot at ibinaling ang paningin ko sa labas ng bintana. "Sabihin mo lang kung may nararamdaman ka pa sa akin, Isabella. Nakahanda akong iwan ang fiance ko." "Fiancé. . .," muling usal sa aking isip. Tulala akong nakatitig sa kanya, hindi ako makapaniwala na fiancé na pala niya ang lumpyang Astrid na 'yon. Bigla akong natauhan ng hawakan niya ang pisngi ko at hinimas gamit ang hinlalaki niya. Aaminin ko ba sa kanya. Oh, hayaan ko na lang itong nararamdaman ko para sa kanya. Ayaw kong masira ang relasyon nila ni Astrid nang dahil lamang sa akin. "Wala akong dapat na sabihin." "Okay, then mananatili ka rito sa pamamahay ko hanggang sa dumating ang kasal namin ni Astrid. Pinaalis ko na si Manang Linda, at ikaw ang silbing taga paglinis at taga pagluto namin ng magiging asawa ko." Parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko dahil sa mga katagang namutawi sa kanyang bibig. Pakiramdam ko ay para na akong kandilang unti-unting nauupos. Pinipigilan ko lamang ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak. Ang sakit pala. Ang sakit-sakit. Lalo na kapag sa taong mahal mo na ito galing. Gusto kong ibalik sa kanya ang dating Randolf na noon ay tinuturing akong reyna. Huli na ba ang lahat? Hindi ko na ba maibabalik ang dating siya? "Bakit mo pa ba ito ginagawa sa akin?" Pinilit kong magsalita ng normal upang hindi niya mahalata na naging garalgal ang boses ko. Imbes na sumagot pero mas pinili nitong talikuran ako. Lumabas ito ng silid at halos matulig ako nang pabagsak niyang isinara ang pinto, dahilan ng pagkahulog ng mga nakasabit sa dingding. Tinungo ko ang ang pinto upang buksan ito, ngunit naka-lock at hindi ko na ma-opened. "Randolf! Open the door!" Kinalampag ko ang nakasarang pinto ngunit walang, Randolf na nagbukas. Randolf's POV GUSTO kong pagsusuntokin ang srili ko. Hindi ko intensiyon na saktan siya ng ganoon. Ang nais ko lang naman ay umamin siya at ng malaman ko kung may nararamdaman pa siya sa akin. Ngunit hindi siya umamin, kahit nababanaag ko sa mga mata niya ang totoo nitong naramdaman sa akin. Alam kong mahal pa rin niya ako pero nag-aalangan siyang sabihin sa akin ang totoo. Halos mamatay na ako sa selos sa unggoy na Ezekiel na iyon. Gusto ko siyang pagsusuntokin sa mukha para matauhan siya, at ang babaeng yakap-yakap niya ay matagal ko ng minamahal. "Damn that man." pakli ko sa aking isip. Pababa na ako nang hagdanan ng marinig kong nagwawala si Isabella, sa loob ng aking silid. Nilingon ko lamang ang nakasarang pinto at tuloy-tuloy ng bumaba. Pagdating ko sa salas ay mga nakangiting mukha nina Trevor, Rafael, Denver, Drake at Raven. Wala sina Josh, Clarkson at Tyrone. Si Kianne ay hindi na sumama sa team Ants dahil tuloyan na itong humiwalay sa amin. Dahil busy na ito sa kompanyang pinamamahalaan niya ngayon. Pero nakakasama pa rin naman namin siya occasionally. Umupo ako sa tabi ni Raf, at kinuha ang basong may laman nang alak tiyaka nilagok iyon. Nakatuon ngayon sa akin ang limang pares ng mga mata. "Kailangan mo ba talaga siyang ikulong, Machine Gun?" si Rafael, habang seryosong nakatingin sa akin. "Bakit hindi mo na lang siya ligawan ulit? Aminin mo sa kanya ang totoong naramdaman mo. Na siya pa rin ang laman niyang lintik mong puso." si Drake, at sinabayan pa nito ng mahinang tawa. I give him a warning look pero nag-kibit balikat lamang ito. "Instead na ikulong mo, suyuin at mahalin mo na lang ulit, Machine Gun. Sinasaktan niyo lang pareho ang sarili niyo eh." si Denver, sabay lagok sa natitirang alak sa baso niya. "Gusto ko siyang parusahan," malamig kong wika. "Good idea, Machine Gun. Parusahan mo nga sa kama, hanggang sa may maipunla ka." Humagalpak pa ng tawa si Trevor, umaataki na naman ang kanyang kamanyakan. "Shut up, moron." Iritabli kong wika sa kanya. Si Raven ay tahimik lamang habang busy sa kanyang telepono. Alam kong may sariling mundo rin ang kulokoy na ito. Pagkatapos ng aming kwentohan at asaran ay pinauwi ko na sila. Kahit ayaw pa nilang umuwi. Gusto kong parusahan si Isabella, kaya may nabuong kung anong kalokohan sa aking isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD