CHAPTER 9

1383 Words
PAIKA-IKA akong naglakad palabas ng bahay. Pakiramdam ko ay may napunit sa pagitan ng aking mga hita. Sobrang sakit at hapdi, pero kailangan kong tiisin makaalis lamang dito. Pinara ko ang taxing papadaan sa harap ko at nagmamadaling sumakay. Napangiwi naman ako ng maramdaman ko ang sakit sa aking ibaba. Sa ANTS VILLE ako dumeretso upang kunin ang naiwan kong sasakyan. Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay at mabilis na umakyat sa hagdanan. Ayaw kong maabutan pa niya dito. Basta na lamang niya akong pinaalis pagkatapos ng lahat. Ang sama niya. Muli kong naramdaman ang mga luhang nagbabadya. Oo, aaminin ko. Nasaktan ako sa kanyang sinabi, pero nilunok ko ang pride ko pati ang pang-iinsulto niya sa akin. Pinatunayan ko lang naman sa kanya na nagkakamali siya ng paratang. Pero parang wala lang 'yon sa kanya. Pinaubaya ko ang aking sarili sa lalaking mahal ko. Pero ano itong ginawa niya sa akin? He treated me like a trash. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay kusa na itong dumaloy sa aking pisngi. Kinalma ko muna ang sarili ko bago lumabas ng silid. Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan at tinungo ang nakabukas na pintuan. Pero natigilan ako ng matanaw ko ang sasakyan niyang papasok na sa gate. Hanggang sa bumaba na siya ay hindi na ako nakaalis sa aking kinatatayuan. Para akong natuod, dahil hindi lang pala siya nag-iisa. Kasama niya ngayon si Astrid ang lumpiya niyang kasintahan. Natawa ako ng lihim, dahil kanina lang ay sinabi niyang sa kanya lang ako. Pero ano 'tong nakikita ko ngayon? Tiningnan niya ako na parang walang nangyari. He treated me like a stranger again, tiyaka nilagpasan na parang hangin sa paningin niya. Humakbang na ako palabas at nagmamadaling tinungo ang aking sasakyan sa garahe. Ito naman ang gusto niya 'di ba, ang umalis ako dahil nakuha na niya ang kanyang gusto. S*x lang naman ang habol sa akin, siguro naman ay napatawad na niya ako. Habang binabaybay ko ang kahabaan ng high way ay hindi ko maiwasang kabahan. Pakiramdam ko ay mayroong masamang mangyari. Bigla akong kinabahan, sana mali ang nasa isip ko. Pagkaraan ng ilang minuto ay bigla na lang akong napahinto dahil may kung anong bumangga sa likuran ng aking kotse. Tiningnan ko ito sa side mirror pero nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bumaba ang sakay niyon. "Ez-Ezekiel. . ." bulalas ko. Bigla akong nilukuban ng takot, nangangatog na ang aking tuhod sa sobrang kaba. Hindi maaari. Hindi pwedeng makuha niya akong muli. Mabilis kong binuhay ang ignition ngunit nagitla ako ng biglang nabasag ang salamin ng aking sasakyan. "Hello, Ella. Long time no see," ngumisi ito ng nakakatakot at pinasadahan ng tingin ang bawat parti ng aking katawan. Kinilabutan ako sa mga tingin na ipinupukol nito sa akin. "Ano'ng kailangan mo sa 'kin!" Pasigaw kong tanong. Kailangan kong maging matapang ayaw kong maging mahina sa paningin niya. "Come back home, wife. I miss you." Kinilabutan ako sa kanyang pagtawag ng wife sa akin. Lahat ng balahibo ko ay nagsitayuan. "I am not your wife, anymore." mariing saad ko sa kanya. "Let me remind you that I'm still your husband. Whether you like it or not. You come with me." "No! Hindi ako sasama sa 'yo, hindi na ako babalik sa impyerno mong bahay!" sigaw ko. "Wife, please." He pleaded. "Ezekiel, alam mo sa una pa lang na hindi na kita gusto. Hindi kita mahal. Kaya parang awa mo na, tantanan mo 'ko." Ngunit hindi niya nagustohan ang sinabi ko, kaya biglang dumilim ang awra niya. Nagtagis ang panga nito habang matalim na nakatitig sa akin. Bumaba ako sa aking kotse upang makausap siya ng mabuti. Pero laking gulat ko na lamang nang bigla niya akong buhatin na parang isang kabang bigas. "Put me down!" Pinaghahampas ko ang kanyang likod pero kaytigas ito ng bato. Hindi man lang natinag at nasaktan. Dinala niya ako sa kanyang sasakyan at pasalampak na ibinaba sa front seat. Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit sa ibaba ko. "Tumahimik ka, kung ayaw mong masaktan. Alam mo ba kung ba't galit na galit ako sa 'yo? Pinagmukha niyo akong tanga!" natakot ako sa bigla niyang pagsigaw. "Ang buong akala ko ay ikaw pa rin ang nasa tabi ko at palagi kong nakakasama. Masaya ako sa mga sandaling 'yon dahil binigay mo sa akin ng buo ang iyong katawan. We made love every night pero hindi pala ikaw ang nakakatalik ko. And it was your twin sister, Yanah." Mahabang paliwanag nito. "I am sorry, Kiel. Hindi ko na kasi kaya ang pananakit mo sa akin. Kaya lumayas ako at si Yanah ang ipinalit ko, bilang ako." Muling naglandas ang mga luha sa aking pisngi. "I'm so sorry to hurting you, Isabella. Sobrang mahal na mahal lang talaga kita. Nagseselos ako kapag may kausap kang ibang lalaki. Kaya nagagawa kong saktan ka." Tumingin ako sa kulay abo niyang mga mata, ngunit natigilan ako ng makita kong umiiyak siya. "Yanah, really loves you so much. Kaya hindi siya nagdadalawang isip na palitan ako sa tabi mo." Para siyang nagulat sa aking sinabi. "Mahalin at alagaan mo si Yanah, tulad ng pagmamahal na pinaramdam mo sa akin. Sana huwag mo siyang sasaktan, Kiel. Mahal na mahal ka ng kakambal ko." Madamdamin kong saad, "but I don't love your sister, Ella." "Kahit alang-alang na lang sa magiging anak niyo, Kiel. Yes, she's bearing your child," gulat sa mukha ang aking nakikita ngunit malungkot siyang tumingin sa akin. "She left me. She left me alone, Ella." Yumuko siya upang itago ang kanyang nararamdamang panghihinayang. Iniwan na siya ni Yanah, at hindi ko alam kung saan ito nagtungo. "We need to fin-" hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin dahil may bigla na lamang nagbukas ng pintuan sa kanyang sasakyan at mabilis akong hinila palabas. Biglang bumilis ang t***k nang aking puso ng makita ko ang guwapong mukha ng taong humila sa akin. "Ran. . ." mahinang usal ko. Mabilis din na bumaba si Ezekiel upang saklolohan ako, pero napahinto ito nang tutokan siya ng baril ni Randolf. Bigla akong na alarma baka magpatayan pa sila rito sa daan. "Let go of my wife." utos nito sa lalaking mahigpit na nakahawak sa aking braso. Ngunit sarkastiko itong ngumiti. "She's not your wife. She is mine, so, back off!" Bulyaw nito kay Ezekiel. Nag-alalang tumingin sa akin si Ezekiel, kaya hinarap ko si Randolf. "Randolf, please. Ibaba mo ang baril mo, baka pumutok 'yan." Tumingin ako sa aming paligid at nakita kong nagkatutukan na pala ang mga tauhan ni Ezekiel, tiyaka ang mga kasamahan ni Randolf. Abot langit ang kaba na aking nadarama. Muntikan na akong mabuwal dahil sa sobrang pangangatog ng aking tuhod. Mabuti na lamang at mabilis akong nasalo ni Randolf at mahigpit na idinikit sa kanyang katawan upang hindi makalayo sa kanya. "Wife. . ." tawag sa akin ni Ezekiel. "Don't mind me, Kiel. Please find her." Nakuha naman ni Ezekiel ang ibig kong sabihin kaya bahagya siyang tumango. Dahan-dahan naman na ibinaba ni Randolf, ang kanyang baril, sumunod ang kanyang mga kasamahan ganoon din ang mga tauhan ni Ezekiel. Muli akong tumingin kay Randolf. "Hayaan mong makapag-usap kami ng masinsinan, Ran." Biglang kumunot ang kanyang noo. "Para saan pa? Eh, kanina pa kayo nag-uusap. Kung hindi pa siguro ako dumating baka kung saan-saan na hahantong iyang pinag-uusapan niyo." Biglang humagalpak ng tawa si Ezekiel, na siyang ipinagtataka ko. "So, possessive man." Humakbang palapit sa amin si Kiel at hinawakan ang kamay ko tiyaka hinila palapit sa kanya. Ngunit napatigil ako ng pigilan din ako ni Randolf sa kabilang braso ko. "For one last time. Let me hug my wife, moron." Binigyan niya ng nakakalokong ngisi si Ran, tiyaka kinuha ang braso kong hawak nito at inilayo ng kunti sa lalaking naka busangot na ang mukha. "I'll set you free, wife." Bulong nito sa akin saka mahigpit na niyakap. "Alam kong matagal mo nang gusto na makasama siya, I will file the annulment para mawalan na ng bisa ang ating kasal." "Thank you so much, Ran. Thank you." Sa huling pagkakataon ay niyakap ko rin siya ng mahigpit. "Let me know kung mahanap mo siya, Kiel. I really miss her." "I will, wife. . ." "Hey, Enough!" sigaw ni Ran, saka mabilis niya ako na hinablot mula kay, Kiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD