Nang matapos ang tugtog nilapitan kami ng kapatid ni Keith. May kasamang isang babae at isang lalaki. Nakasunod sa kanila si Gino. "Hi, 'di ba ikaw 'yong maid-of-honor?" tanong sa akin no'ng babaeng kasama nila. Tumango ako. "Yeah. Maja." I extended my hand to her. She took it and we shake hands. "Toni Figueroa. Pinsan ni Kaycee tsaka nito," saad niya sabay turo kay Keith na katabi ko. "Sabi ni Gino wala ka pa raw experience sa pagme-maid of honor so nag-volunteer ako na tulungan kayo." Tumango-tango ako habang pinapakinggan siya. Mayamaya ay sumingit ang kasama nilang lalaki. "Ako naman si Rafael. Magkaibigan kami ni Kaycee since childhood. Gusto ko ring tumulong. Raffy na lang," pakilala niya. Nakipag-kamay siya sa akin pero kahit na mainit ang panahon ay ramdam ko ang panlalamig

