Mga bandang alas otso ng gabi ay sinundo kami ni Gino para sa hapunan. Pinauna ko na sila ni Sheena bago ako nagpalit ng damit. Napili kong magsuot ng isang simpleng puting t-shirt at bulaklaking palda na hanggang ibaba ng tuhod. Itinali ko ang buhok ko at siniguradong hindi halata ang pamumula ng mga mata ko nang sinundan ko sila sa may dalampasigan. Doon daw kasi gaganapin ang hapunan, sa may labas lang ng restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ng fiancée ni Gino. Mabagal akong naglakad papunta sa napag-usapang lugar. Nang makalabas ako ng mansiyon ay nakasalubong ko si Keith. Nakasuot siya ng short-sleeved polo at shorts. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang magkasalubong kami. Matipuno siya, hindi mo mahahalata na likas na taga-probinsya dahil mukha siyang foreigner. "O, ikaw pal

