Hilakbot "PAANO ako nakasisigurong tatanggapin mo pa ito?'' Pag-uulit ni Sheryl sa sinabi ng matanda. Halos mag-uslian ang mga ugat at litid sa inis na nararamdaman. Luminga pa sa paligid bago muling nagsalita. "At bakit hindi? May sa dimonyo ang binenta mong candelabra sa Mama ko. Niloko mo siya, pinaniwala sa kung anong mahika magkaroon ka lang ng benta!'' Malakas ang kanyang tinig, sinasadyang kunin ang atensyon ng iba pang mamimili sa paligid. Ipinaling ng matandang lalaki ang katawan, paharap sa iba't ibang palamuti at pang-display sa bahay, at saka inayos sa pagkakalagay. Lalong uminit ang dugo niya sa nakikitang pambabalewala ng kausap. Kalmado ito at tila hindi apektado sa kanyang presensiya. Walang kahit munting pag-aalala sa sinisimulan niyang pagwawala. Hindi niya rin it

