Ang Matandang Lalaki SANDALING huminto sa entrada ng ukay-ukay shop si Sheryl. Nakaangat ang isang kilay na sinulyapan ang estatwang payasong nakatayo roon. "So cheap!" Nakaingos na sabi at saka iginala ang paningin. Hinagod ng mga mata ang disenyo ng tindahang gamit sa panghahalina ng mamimili. Pagkaraa'y mistulang aristokratang naglakad papasok habang hawak sa isang kamay ang nakabuhol na panyo. Nakaangat ang baba at ang ngiti sa isang sulok ng bibig ay nagpapahiwatig ng malaking disgusto at pangmamaliliit sa lugar na kinaroroonan. "Where are you, psycho?'' Nang hindi matanaw sa bungad ang pakay ay sumulong pa sa paghakbang. Patungo sa panig na kinalalagyan noon ng nabiling candelabra; sa hanay ng mga gamit at kasangkapan. Muling hinagilap ng kanyang paningin ang matandang lala

