Basang Sapatos HABANG nagpapahangin at umiinom ng tubig ay matamang binalikan ni Mrs. Deato sa isip ang mga pangyayari. Ngunit anumang isip ay naguguluhan pa rin siya. Kaya nilapitan niya ang kasambahay at pasimpleng nag-urirat. "Nakatulog ka habang nanonood ng tibi, Ate. Hindi ka na pinagising ni Sheryl para daw makapagpahinga ka,'' Paliwanag ni Sol habang nag-iimis ng pinagkainan. "Gano'n ba? E, 'yung ice cream?" tanong niya matapos kumuha ng pamunas sa mesa. "Ako na 'yan, Ate." Pigil nito sa balak niyang gawin. Kinuha ang hawak niya at saka sumagot habang nagpupunas. "Nagpadala si Sheryl sa kwarto niya ng ayskrim. Doon na raw sila magku-kwentuhan para hindi ka maistorbo." Natigilan siya. "Kung gano'n nananaginip nga lang ako. Sigurong naulinigan ko ang pag-uusap nila tapos pum

