CHAPTER 13 - Tumba-tumba

1646 Words

Tumba-tumba SAMANTALA. ''Okey!'' Nakangiting sabi ni Mrs. Deato matapos gadgaran ng keso ang umuusok na sarsa sa ibabaw ng pasta. ''Toasted bread, check. Water, check. Isasabay ko na ba ang ice cream? Baka malusaw lang, kakainin pa niya itong spaghetti, e. Mas maigi siguro kapag patapos na siya sa pagkain, saka ko i-serve ang ice cream. Mas masarap iyon kung bagong alis sa freezer,'' kausap ng ginang sa sarili. Pagkaraa'y nakangiting tumango sa ginawang pagsagot sa sariling tanong. Inilipat niya ang mga inihanda sa isang tray at saka nasisiyahang binuhat upang dalhin sa silid ng nag-iisang anak. Bakas ang kasiglahan sa kanyang kilos. Bago pasukin ang silid ng dalagita, sandali siyang tumigil sa harapan ng pinto upang kumatok. Hindi naman naituloy dahil nagawi ang mga mata sa altar at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD