CHAPTER 12 - Bathtub

1693 Words

Bathtub NANGHILALBOT si Sheryl sa nakita. Ginusto niyang tumayo. Tumakbo palayo, palabas ng kwarto. Ngunit hindi umayon ang katawan niya sa gusto. Muling naparalisa at ang puwet ay nadikit sa inuupuan. Hindi nakakilos ni munting galaw. Natatakot siya, patunay ang pagtatayuan ng mga munting balahibo sa mga braso at batok niya. Nanlalaki ang kanyang ulo. Ngunit sa kabila ng nararamdaman ay hindi nagawang alisan ng tingin ang mukha sa harapan. Kusang pumirmi ang dalawang bolang itim ng mga mata sa salaming tinitignan. Nandidilat na nakipagtitigan sa repleksyong hindi sa kanya. Napako sa mga mata nitong puro puti na lang! Inutusan niya ang sarili. ''Pumikit ka, damn it! Just close your eyes! Sumunod ang dalawa niyang talukap. Hinarangan ang kanyang paningin hanggang sa wala nang makita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD