CHAPTER 23 - Bestfriends Forever

1862 Words

Bestfriends Forever SA TAHANAN ng mga Deato. Masiglang-masigla ang pakiramdam ng ginang. Pakiwari niya'y ulap ang tinutuntungan at nilalakaran ng mga paa. Masaya siya sa nakikita at nararamdamang pagpapahalaga ng kabiyak. Wala na nga siyang mahihiling pa. Umaapaw ang pasasalamat niya sa mga pagpapalang tinatanggap. Natanaw niya ang kasambahay sa likod bahay. Nag-aahon ito ng mga damit mula sa sampayan. Masigla siyang naglakad palapit. ''Sol, huwag ka na maghanda para sa hapunan. After natin magsimba mamaya, sa labas na tayo kakain. Magse-celebrate tayo.'' Mahinang bungisngis ang itinugon ng kasambahay. ''Sol...'' aniya sa tonong naggagalit-galitan dahil sa panunukso nito. Pinagsalikop pa niya ang mga braso sa tapat ng dibdib at ang magkabilang kamay ay iniipit sa kili-kili.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD