Ang Napansin ni Sol. HINDI mapaniwalaan ng ginang ang nasasaksihan. Tila hinahalukay ang bituka niya sa labis na pagkabigla at malaking pagtataka. Magkahalong damdamin ang lumulukob sa kanya. At kung hindi mahigpit na nakahawak sa seradurang pinihit, tiyak ang pagbagsak ng nanghihinang katawan sa malamig na sahig. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, at saka muling idinilat sa pagbabaka sakaling kung namamali lang ay maitama ng paninging maglilinaw. Ngunit gano'n pa rin ang kanyang natatanaw! Ang nawawala at isang araw nang hinahanap na anak, nasa loob na ng sarili nitong silid! Hayun at nakaupo sa lapag, patalikod sa pinto at sa bintana nakaharap! Nanlalaki ang kanyang ulo, pakiramdam niya'y nangangapal at tila namamanhid ang kaniyang batok. Nanunuyo ang lalamunan ngunit ang laway

