Ganti PATULOY sa pag-agos ang masaganang luha. Ang pagsisisi'y bumabalong mula sa kaibuturan ng kanyang puso't kaluluwa. Tinatangisan ang pagkakamaling walang may kakayanang mapanumbalik. Hindi na maiuuli upang iyo'y baguhin, burahin man lang sana, o kaya nama'y limutin. Taos puso ang pagdadalamhating pumipiga sa naninikip na dibdib. Waring nais sumambulat sa nararamdamang pighati. Sukdulang mapatid ang lahat ng litid, nagwawalang mga ugat na waring nakatali. Munting mga tinik sa puso'y nakadiin at ang pagdurugo nito'y hindi kayang ampatin. Kapatawaran ng kaibigan tanging panalangin, upang mapayapa na ito sa hantungang narating. "I'm sorry Nedy. I'm sorry. I'm sorry.'' Paulit-ulit niyang sambit. Sapagkat nakapikit, hindi niya nakita nang matigilan ang mga mamimiling bangkay na k

